Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa napag-alamang iyon. Hindi siya makapaniwala. Alam niyang supplier ng shabu si Mr. X pero hindi niya akalain na posibleng may kinalaman pala ito sa pagpapapatay sa kanyang mga magulang. Ito pa na itinuring na niyang isang matalik na kaibigan. Ang totoo ay parang isang ama na nga ang turing niya dito na madalas niyang lapitan at hingian ng payo kapag may pinagdaraanang suliranin sa buhay. Matagal na silang magkakilala ni Mr. X. Naalala niya pa na nakabangga niya ito noon sa isang parke malapit sa bahay ng dating kasintahan na si Jaifel ilang linggo pagkatapos niyang makipag-break dito. Naging matalik silang magkaibigan hanggang sa tuluyan na nitong nakuha ang kanyang loob at masabi na nga dito ang lahat lahat ng pinagdaanan tungkol sa mga magul

