Ilang araw pa ang lumipas at isinunod na inasikaso ni Copper na mabawi ang isa pa niyang tauhang nabihag ng kung sinumang kasalukuyang namamahala ng plantang pinuntahan nito noong nakaraan. Ang plantang usap usapang orihinal na pagmamay-ari daw ng mga magulang at inagaw lang ng mga lalaking pinaghihinalaan niyang pumatay sa mga ito. Ngayon lang niya mas napagtanto kung gaano pala ka-delikado ang sinalihang organisasyon ng mga Mafia na siyang kinabibilangan ng malalaking tao sa lipunan na karamihan ay kumakalaban sa pamahalaan. Ngunit gaano pa man kadelikado ang lahat, handa na siyang suungin iyon makuha lang ang minimithing hustisya para sa mga magulang. Ngayon pa ba siya aatras eh konting konti na lang ay tukoy na niya ang mga salarin? Ipinarada ng kanyang driver ang bagong magarang

