Samantala… Sa itinuturing na headquarters nila Copper. Habang tinitingnan ang tambak na mga dokumento na nakapatong sa harapang lamesa ay tumunog ulit ang telepono ng lalaki. “Yes, Mr. X?” isinandal niya ang likuran sa sandalan ng upuan ng sagutin ang tawag ng isa rin sa pinakamataas na kasamahan nito sa Mafia world. Ilang minuto lang din ang pagitan ng ibaba nito ang telepono matapos tawagan ni Yani. “Lord, I want you to do me a favor,” bungad ng lalaki sa kabilang linya. Malaki at maawtoridad ang boses nito, tila kumpiyansa na hindi ito bibiguin ng kausap anuman ang ipag-uutos. “I will be out of the country in the next few weeks. Gusto kong hawakan mo muna ang mga transactions ko na paparating sa susunod na mga araw,” dugtong nito na wala nang paligoy ligoy sa gustong sabihin sa bin

