kabanata 40

1090 Words
Tahimik na nakamasid ako kay Jupiter na kasalukuyang nakahiga sa mababang lamesa na nandito sa rooftop. Kalahating katawan niya lang ang nakahiga at nasa sahig ang paa niya, ginagamit niyang unan ang kaliwang braso niya habang nakapikit. "Wag mo na isipin 'yon." Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita. Idinilat niya ang isa niyang mata para silipin ako. "Paano kayo naging magkakilala?" Tanong ko. Imbis na sumagot ay umupo siya at kinamot ang itaas ng kilay niya. "Ayokong pag-usapan." Sabi niya saka tumayo at sakto naman na dumating sila Domino na may hawak na mga pagkain. Bumagay sa kanila ang bagong labas na uniform ng school. "Dami palang bagong chiks dito." Sabi ni Joaquin saka kumagat sa pagkain na hawak niya. "Yung pangako niyo na hindi kayo mapapaaway, siguraduhin niyong tutuparin niyo. Wag niyong sayangin 'yung pera na ginastos dito." Sabi ko kaya sabay na sumaludo 'yung tatlo. "Masusunod, master." Hindi ko na sila pinansin at nilingon na lang ulit si Jupiter na tahimik na umiinom ng softdrinks na nasa lata. Halatang wala siya sa mood. Kitang-kita ko 'yung galit niya kanina habang kinu-kwelyuhan si Rigo. Hindi rin nakasagot ang isang 'yon dahil halata na nagulat din siya na makita si Jupiter. Simula ng mag-aral siya dito, kanina ko lang siya nakita na nag-iba ang emosyon sa mukha. Para siyang nakakita ng multo kanina. Lalo tuloy akong naku-curious kung paano sila nagkakilala nitong si Jupiter. Hindi ko na ulit tinanong si Jupiter hanggang sa matapos ang lunch break. Si Domino lang ang kaklase ko sa susunod na klase kaya siya ang kasabay ko ngayon na naglalakad. Pinagtitinginan na naman kami. "Master, pasensya ka na nadadamay ka pa. Alam mo naman na magandang lalake ang kasama mo." Bulong niya kaya tinignan ko siya ng masama. Ang kapal talaga ng mukha nito. Dumating kami sa room. Naboboring na sumandal si Domino sa upuan niya dahil akala niya ay walang nakakapansin sa kanya, hindi niya alam ay nakatingin ang lahat ng nandito sa kanya na agad lang nag iiwas ng tingin kapag lumilingon siya. Kaya lang naman siya hindi pinapansin ng mga tao dito dahil natatakot sa kanya. Kilalang-kilala sila sa school na 'to dahil sila ang number one dati at hindi ang Sinosijak. Kaya may usap-usapan na hindi raw magiging number one ang Sinosijak kung hindi nawala ang Safari. Wala naman pakialam sila Jupiter do'n, ano bang napapala nila sa ranking na 'yan? Pero may kutob ako na hindi na naman matatahimik sila Sebastian dahil sa nandito na ang mahigpit nilang kalaban na sila Jupiter. Ang tagal din nilang nanahimik. "Domino." Tawag ko sa katabi ko na tahimik na nakamasid sa paligid. "Bakit, master?" "May kilala ka bang Rigo Ignacio?" Kumunot ang noo niya at saglit na nag-isip bago umiling. "Wala, master. Bakit? Sino ba 'yon?" Umiling na lang ako sa tanong niya. Hindi rin kilala nila Domino ang lalake na 'yon, ibig sabihin ay dati pa talaga magkakilala si Jupiter at Rigo. Dating-dati pa na hindi pa sila magkakilala o pwede rin na bago lang silang nagkakilala at may nangyari? Sinantabi ko ang iniisip ko na 'yon nang dumating ang prof at magklase. Matapos ng klase ay hinanap ko agad ng tingin sila Jupiter pero sila Joaquin at Tobi lang ang nakita ko na naglalakad na papunta sa pwesto namin ngayon. "Nasaan si boss?" Tanong ni Domino sa kanila. Nagkibit-balikat sila at nilibot ang tingin sa paligid. "Hindi nga namin alam e, lumabas kanina sa gitna ng klase." Tinaas ni Tobias 'yung bag ni Jupiter. "Naiwan pa nga 'yung bag." Kumunot ang noo ko. Pumasok pa siya kung aalis din siya at iiwan ang klase? Wag niyang sabihin na napilitan lang siyang pumasok ulit dahil sa sinabi ko? Nilibot ko ang tingin sa paligid dahil baka sakaling makita ko ang Jupiter na 'yon. Napapansin ko na napapalingon talaga ang lahat sa'min at nagugulat kapag nakita ang tatlong kasama ko, kilalang kilala talaga sila rito. Malamang ay nagtataka ang lahat kung paano sila nakabalik. "Master, may pumoporma ba sayo rito habang wala kami?" Mahinang tanong ni Tobias na sinisilip ang mukha ko. Umiling ako. Kumunot ang noo ni Domino. "Imposibleng wala." "Wala nga." Mariin na sabi ko. "Bakit naman may poporma sa'kin?" "Eh, nasaan 'yung nag bigay sayo ng mga chocolate?" Tanong ni Joaquin kaya nag kibit balikat ako. "Hindi ko kilala 'yon." Naningkit ang mata ni Tobias at tumango. "Posible rin talaga na wala, matatakot ang ibang lapitan 'tong muse natin dahil sa tingin pa lang." Umirap ako sa hangin nang sumang ayon sila Domino. Sa totoo lang ay may pa-ilan ilan na sumubok nang mawala sila sa school na 'to pero siguradong wala nang magtatangka ngayon. "Kilala mo ba 'yung lalakeng 'yan, master?" Napalingon ako sa tinuturo ni Tobias nang magsalita siya. Si Rigo Ignacio 'yung tinuturo niya. "Bakit?" "Kaklase namin kanina 'yan. Eh, mukhang balak sumipsip kay boss." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Sumisipsip?" "Kailangan namin ng libro kanina, eh matik na wala kami no'n nila boss. Nagulat na lang kami na pinaubaya niyan 'yung libro niya at ang pinag tataka namin ay nagalit si boss." "Oo, master. Bigla na lang lumabas si boss at hindi na bumalik simula no'n, balak niya pa ngang suntukin 'yan—mabuti't napigilan." Kumakamot na sabi ni Joaquin. "Dean's office agad ang bagsak namin kung nagkataon. "Oh? Baka naman magkakilala sila?" Tanong ni Domino. "Mukha bang makikilala ni boss 'yon? Eh halatang rich kid." "Malay mo naman ay boss ng ibang gang 'yon, karamihan ngayon sa mga gang ay mayayaman na ang mga boss kahit mahina naman. Pag mayaman kasi ay malakas ang kapit." "Imposible, tol." Lumingon sa'kin si Domino. "Master, tanungin mo na na lang si boss kapag nagpakita na." Hindi ako sumagot. Tinanong ko na siya pero ayaw niyang sagutin, ano ba talagang kinalaman ng dalawang 'yon sa isa't isa at grabe ang galit ni Jupiter sa kanya? Nag buntong hininga ako. Maiwan ko na nga 'tong tatlo na 'to, maghahanap pa ko ng bagong trabaho. Kung posible, babae na ang pipiliin kong boss. Ayoko nang maulit 'yung nangyari sa'kin no'ng nakaraan. "Umuwi na kayo, nasa bilyaran si Safari." Sabi ko sa tatlo kaya sabay-sabay sana silang aangal dahil mukhang may mga lakad pa sila pero tinignan ko na agad sila ng masama. "Sabi nga namin uuwi na." "Ano kayang pinakamahal at pinakamalinamnam na pwedeng ipasalubong kay Safari?" "Siguraduhin mong masarap ang maiisip mo, tol. Dahil sensitive ang Safari natin." "Ginagago niyo ba ko?" Tanong ko sa kanila kaya humalakhak sila at ngumiti. Tumango si Tobias. "Ingat sila sayo, master."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD