kabanata 37

1425 Words
Napapailing na lang ako habang pinakikinggan ang mga nagmumurahan at nag-aasaran na mga kabataan na naglalaro dito sa internet cafe. "Tangina, nagdota ka pa! Bano!" "Wala kang dulot, magaling ka lang ay dumada!" "Tarantado, ikaw nga ang pabigat. Panay kami buhat sayo bobo!" Kanina pa sila nag aaway habang naglalaro, magkakampi silang lima pero ganyan sila kung magsalitaan sa isa't isa. Ayon na rin sa suot nilang uniporme ay nalaman kong kapareho ko lang sila ng school, kaso ay nasa highschool pa lang sila. At ibang school naman 'yung mga kalaban nila. Miyerkules pa lang at mag-aalastres na ng umaga, hindi ba sila hinahanap ng mga magulang nila? "Tangina mo! Dahil sayo natalo!" Bumalik ang tingin ko sa gawi nila nang makarinig ako ng mga natumbang upuan. Napamura ako sa isip ko nang makita na nag-aaway na 'yung magkakampi. Inawat sila ng mga kasama nila, maski 'yung nakalaban nila ay nakisali sa pag-awat. Ano bang pinuputok ng butchi ng mga ito? "Tama na, pre." Awat ng isa habang hinihila sa braso ang kanina pang nang sisisi sa kakampi. "Hindi! Bobo nito e, ang yabang yabang kanina wala naman palang binatbat! Nagpilit pang sumali!" "Gago ka pala e! Bakit sa'kin mo sinisisi ang katangahan mo?!" Nagmura-mura pa 'yung isa at sinugod ang kaaway niya. Dinampot ko 'yung bag na nakalagay sa upuan dito at binato sa mukha ang isa dahilan para mapalingon sila sa gawi ko dahil sa gulat. "Kung mag aaway kayo, doon kayo sa labas." Dinampot ko ang lahat ng bag nila at binato sa sahig malapit sa pinto. "Labas." Lumapit sa'kin 'yung kanina pang nagagalit kaya tumaas ang kilay ko. "Wag kang makialam dito!" Nagbuntong-hininga ako. "Lumabas ka na, kapag may nasira kayo dito ay pagbabayarin ko pa kayo. Wala ka na ngang pakinabang sa magulang mo, gagawa ka pa ng ikagagastos?" Napasinghap siya at tumawa ng pang-asar. Napapikit ako ng mariin nang kunin niya ang isang monitor at ihulog sa sahig. "s**t, pare! Tama na!" Awat ng isa niyang kaibigan. Dinampot ko 'yung monitor at nakitang may basag na ito sa screen. s**t. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. Lumingon ako sa naghulog nitong monitor, kumulo ang dugo ko nang makita na nakangisi siya. Proud pa 'tong gago na 'to? "Bayaran mo 'to." Mahinahon na sabi ko. Ngumisi siya at nilabas ang wallet niya, naglabas siya ng tig-iisang libo mula doon at binato sa mukha ko ang pera. "Bumili ka ng bago." Mayabang na sabi niya at sinukbit ang balikat sa bag bago tumalikod. Kinuyom ko ang kamao ko habang nag-iisip ng gagawin. Kung hahayaan ko na lang ba 'to na umalis at dadamputin ang kumalat na pera o ipapalo ko sa likod niya itong binasag niyang monitor? Binaling ko ang tingin sa CCTV at nag buntong hininga. Ayokong mawalan ng trabaho dahil sa ganito, magpapasensya muna ako. Pagkalabas nilang lahat ay sakto naman na pumasok ang tatlong lalake, nakakunot ang noo nila Joaquin habang nakatingin sa nakakalat na pera sa sahig at sa hawak kong monitor. "Anong ginawa ng mga 'yon?" Galit ang boses ni Domino. Hindi ako sumagot at dinampot ang mga pera sa sahig. "Bakit kayo nandito?" Tanong ko at pinatong sa lamesa ang basag na monitor na sinundan ng tingin no'ng tatlo. Nag-igting ang panga ni Tobias at huminga ng malalim. "Napadaan lang kami, master. Sakto na pauwi ka na kaya sasabay na kami sayo." Tumango ako at lumingon kay Bryan na kakapasok lang, siya 'yung makakapalit ko dito kapag umuwi na ako. "Oh! Anong nangyari, Jack?" Gulat na tanong niya at nilingon sila Tobias na seryosong nakatingin sa kanya. Ang mga gunggong na 'to, magagaling lang ay manakot. "May nag-away lang." Sabi ko at inabot sa kanya 'yung pera. "Binayaran naman, ikaw na bahala magpa liwanag kay ma'am. O kaya ipanood mo 'yung CCTV." "Sige.." Nag-aalangan na sabi niya at pumasok sa counter. "Nabilang mo na ba ang mga ito?" "Tapos na. Nakalista diyan, alis na ko." Kinuha ko 'yung bag ko at nilingon 'yung tatlo kaya agad silang sumunod. "Master, sino do'n?" Tanong ni Joaquin na nasa bandang kanan ko. Medyo nahuhuli sa paglalakad 'yung dalawa ngunit binilisan ang paglalakad nang marinig ang tanong ni Joaquin. "Yung naka uniporme." Napakamot siya sa ulo. "Lahat 'yon naka-uniporme, master. Paano namin mahahanap?" Nilingon ko silang tatlo. "Problema niyo na 'yon." Habang naglalakad ay kinulit nila ako ng kinulit kung sino 'yung nangbasag ng monitor. Hindi ko sinabi, alam ko naman ang balak nila. Babawian nila ang estudyante na 'yon, bata pa 'yon kaya pagbibigyan ko na lang. Pagkadating namin sa bilyaran ay agad na sumalubong si Safari, nilingon ko si Jupiter na nakadapa sa sofa na natutulog. Bukas pa 'yung TV na halatang nakatulugan niya lang. Nagkanya-kanya ang tatlo samantalang ako ay umupo sa one seater na couch sa tapat ni Jupiter. Wala, gusto ko lang siyang tignan. "Master, baka naman matunaw?" Puna ni Domino at bumingisngis. Nilingon ko siya kaya kinagat niya ang kaniyang bibig para pigilan ang pagtawa, 'yung dalawa ay pasimpleng sumusulyap habang napapailing. Anong kinakana ng mga ito? Tinitignan ko lang naman si Jupiter, dami nilang espekulasyon sa buhay. Gumalaw si Jupiter kaya napalingon kaming lahat sa kanya, nagdilat siya ng mata kaya nagkanya-kanya ng iwas 'yung tatlo. Samantalang ako ay nakapako ang tingin sa kanya. Kumunot ang noo ni Jupiter nang makita niya ako na nakatingin sa kanya, umupo siya at ginulo ang kanyang buhok bago ulit lumingon sa'kin. "Durutdut dut durutdut." Pagkanta nung tatlo habang humahagikgik. Nagsalubong ang kilay ni Jupiter dahil sa pagkanta nung tatlo. "Bakit?" Tanong niya. "Inaasar nila ako kasi tinititigan kita." Sabi ko. "Aw, shit." Sambit ni Tobias na nakatakip ang kamay sa bibig habang naghahampasan silang tatlo. Lumambing ang mata ni Jupiter at kinagat ang kaniyang labi habang nakatuon ang mata sa'kin. "Bakit?" Tumaas ang kilay ko. Sumandal siya sa couch at bahagyang ngumuso habang umiiling. "Pakiramdam ko lang ay parang ang ganda ng gising ko." "Ayown!" Halakhak nung tatlo. Tinagilid ko ang ulo ko. "Bakit? Kasi tinititigan kita?" "Tangina, ang bangis!" Mahinang sambit ni Joaquin at mas lalo pa silang nagpaluan tatlo. Napapatalon pa sila dahil sa naririnig. Pinatong ni Jupiter ang braso niya sa sandalan ng sofa. "Bakit mo ko tinitigan?" "Gusto ko lang." Nagkibit balikat ako. Nag-iwas siya ng tingin at nagmura ng mahina, pinaglaruan niya ng daliri niya ang kaniyang labi at mapungay ang mata na lumingon ulit. "Bakit mo ako ginaganito, Jack?" Kahit natatakpan ng daliri niya ang labi niya ay alam kong napapangiti siya. Pinatong ko ang siko ko sa gilid ng sofa at nagpangalumbaba. "Ayaw mo?" Hindi siya sumagot at lumapit sa'kin, tumingala ako dahil tumigil siya sa mismong harap ko. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bewang, parang nag iisip ng kung anong sunod niyang gagawin. Lumingon siya sa tatlo kaya nawala ang ngisi nila. "Bakit kayo nandito?" Tanong ni Jupiter sa kanila. "Ha? Kasi dito kami nakatira, boss." Kumamot sa ulo si Tobias. "Lumabas muna kayo." Utos niya sa tatlo bago ulit ako lingunin. Sabay sabay na napangising aso ang tatlo at nagmamadaling tumayo. "Bakit mo sila pinapalabas?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim at kinamot ang ibabaw ng kanyang kilay habang nakatingin sa labi ko. "Palalabasin ko ba sila o hindi? Kasi kung lalabas sila, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." "Lalabas na kami, boss!" Excited na sigaw nila Domino at nagmamadaling lumabas. Biglang parang umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko nang makalabas 'yung tatlo. Nag iwas ako ng tingin kaya naramdaman ko ang mata sa'kin ni Jupiter, pinapanood niya ang galaw ko habang siya naman ay nakatayo lang. "Nandito pa si Safari!" Tinuro ko si Safari na walang kaalam alam na nakahiga sa sahig. Ilang sandali siyang walang reaksyon. Parang sawi na huminga siya ng malalim at inihilamos ang palad sa kanyang mukha bago tumalikod. Kinagat ko ang labi ko. Hinawakan ko ang tali ni Safari at tumayo. "A-alis na kami." "Magpahatid ka kila Tobias." Malamig na sabi niya nang hindi lumilingon. Tumango ako kahit hindi niya nakikita, naramdaman ko ang titig niya nung tumalikod ako. Narinig ko pa ang mahihina niyang pagmumura bago ko maisara ang pinto. Mabilis na lumingon sa'kin 'yung tatlo na kumikislap ang mga mata. "Master!" Maligayang bati ni Domino. Hindi ko sila pinansin at nilagpasan lang kaya nagbulungan sila. Sinundan nila ako. "Ano nangyari, master?" Usisa ni Tobias kaya mas binilisan ko ang paglalakad. "Tigilan niyo nga ako." Inis na sabi ko. Nababanas ako kay Jupiter, hindi ko alam kung bakit. Kung may gusto siyang gawin edi gawin niya, dami niyang alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD