Hawak ko ang isang brush sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay ang maliit na canvas. Sa harap ko naman ay may palette na nilalagyan ng pintura para doon ipaghalo ang mga gusto kong kulay.
Na ka indian seat ako ngayon sa sahig. Ang kalat din ng palagid dahil sa mga natapong pintura at mga nakakalat na iba't-ibang klaseng brush.
Mahigit tatlong minuto na akong ganito at nakatulala lang sa puting canvas na hawak ko. Wala pang bahid ng pintura ang canvas.
"Kanina ka pa dyan, pero hindi kita nakitang sinawsaw yang brush mo sa kahit anong kulay ng pinturang na nasa harap mo," napatingin ako sa babaeng nagtanong sa akin.
Ang dungis na ng mukha at dalawa niyang kamay dahil kanina pa siya nagpipinta. Nakita ko siyang ngumiti sa akin.
Ba't ba kasi ako pumayag na samahan siyang magpinta, eh wala naman akong talent dito.
"Hindi naman kasi ako marunong magpinta, kahit nga pagguhit, hindi ko rin alam. Stick figure lang ang kaya kong i-drawing," nahihiya kong sabi sa kanya.
Nginitian niya naman ako dahil dun. Ang ganda ng mga ngiti niya, nakakatunaw, ang ganda rin ng mga ngipin nito.
Hindi naman tayo nag d-drawing eh, nagpipinta tayo Clij, at sa pagpipinta, dun ka tunay na nagiging malaya. Ipinta mo lang kung ano ang na sa isip mo, huwag mong isipin kung ano ang magiging resulta, kung maganda ba o hindi. Kung maiintindihan ba ng ibang tao ang gusto mong ipinta, hindi yun mahalaga. Ang importante alam mo sa sarili mo kung anong ipininta mo at sapat na yun," tapos nginitian niya ako nang matamis, at bumalik na siya ulit sa pagpipinta.
"Wala akong maisipi eh," napakamot na lang ako sa batok, dahil wala talagang idea na pumapasok sa isip ko.
"Hmmmm, ipinta mo kaya ang bagay na ayaw mong makalimutan o mawala sa buhay mo, bagay na nagpapasaya sayo, yan ha binigyan na kita ng idea, siguro naman ay may naisip ka na nyan," nagpamewang pa siya habang sinasabi yun.
Ibinaling na niya ang tingin sa ginagawa at nagpatuloy sa pagpipinta.
"Wala akong maisip na bagay, pero tao, meron," tugon ko sa sinabi niya.
"Okay rin yun."
"Ikaw, ikaw ang gusto kong maging paksa," at tinignan ko siya nang mabuti at hindi kinukurap ang dalawa kong mata.
Natigilan siya sa kanyang ginagawa pero hindi siya tumingin sa akin.
Kaya napalunok ako ng laway, ba't ba napaka impulsive ko sa lahat ng bagay, lalo na sa feelings ko.
She heave a deep sigh and smile. Then she continued painting on her canvas. Dahan-dahan lang at swabe ang paggalaw ng brush. Iniingatan niya ang obra at ayaw itong masira.
"Kung yun ang gusto mo, sige gawin mo. Hindi naman kita puwedeng pigilan na gustuhin ang bagay na mahalaga sayo," tapos tumingin siya akin nang sandali at bumalik na sa pagpipinta.
Ang lakas naman ng loob kong sabihin na gusto ko siyang ipinta eh kahit simpleng bulaklak nga ay hindi ko magawa.
Lumipas ang mahigit tatlong oras ay patuloy parin ako sa pagpipinta. Habang siya ay tapos na at tinitignan na lang ako. I love the way she stares at me. Kasi alam kong sa akin niya lang yun ginagawa, ang tinitignan ako habang alam kong nakatingin siya sa akin. Ako naman, I love staring at her secretly, I can admire her naturally and without being caught. At mas lalo siyang gumaganda pag tinitignan ko siya ng palihim.
"Ehem, baka matunaw ako niyan sa ginagawa mong pagtitig sa akin. Pansin kong kanina ka pa nakatitig sa akin, gwapong-gwapo ka ba sa akin Knixx?" I smirked then winked.
Nasamid ata siya ng sariling laway dahil sa sinabi ko, dahil narinig ko siyang umubo ng mahina.
Napailing na lang siya ng marahan at may sumilay na ngiti sa mukha niya.
"Hindi ah, I was observing you kanina pa, kasi mukhang tutok na tutok ka sa ginagawa mo. I also saw you smiling. Iba sa kariniwang ngiti na ipinapakita mo sa akin. Ngiting inspired, at in love. So I enjoyed watching you while painting. Kasi mukhang nawiwili ka na," she crossed her arms in front of her chest while saying.
"Panong hindi ako ngingiti kung ikaw ang subject ng ipinipinta ko."
"Talagang itinuloy mo yun ha, sige nga patingin nang ginagawa mo," she was about to reach my canvas when I immediately raise it above para hindi niya yun tuluyang makuha.
"Teka lang hindi pa ako tapos," tapos sinenyasan ko siyang bumalik sa dati niyang puwesto.
Nakita ko naman siyang bumalik at na ka busangot.
"Malapit na lang to, give me five minutes," I say those words without looking at her.
"Okay"
Lumipas na ang limang minuto at natapos ko rin ang ginagawa ko. I proudly face the paint to her direction. At nakita ko siyang nagulat at napakunot ng nuo.
Sabi ko na nga ba at wala talaga akong ka-talent-talent sa pagpipinta.
Nakita kong may namumuong luha sa gilid ng dalawa niyang mata. Kaya nag panic ako sa naging reaksyon niya. Ganon ba talaga ka pangit ang ipininta ko at napaiyak siya.
"Beautiful," she said at napatakip ng kanang kamay sa bibig niya.
"Tama ba ang pagkakadinig ko, sinabihan mong 'beautiful' ang ginawa ko?" I asked her confused, at dahan-dahan siyang tumango ng kanyang ulo.
"Panong hindi magiging maganda eh ikaw ang ginawa kong paksa," tapos tinignan niya ako habang nakakunot ang mukha.
The painting is about Knixx. She was sitting in a swing while swinging ang laughing at the top of her lungs. She was wearing our school uniform in high school. Sobrang ganda niya dito ng makita ko siyang masayang sumasakay sa isang swing noon.
"Ganon, mo ba talaga ako ka mahal Clij, at nagawa mo akong ipinta kahit wala kang guide, at ang reference mo lang sa pagpinta ay ang sarili mong ala-ala?" I lean towards her and wipe her tears from her right cheek.
"Sobra, na kahit hindi ako marunong magpinta ay susubukan ko, kasi ikaw lang ang gusto kong ipinta at wala ng iba," after I say those words, ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit at narinig ko siyang humikbi.
So I rub her back gently, to tell her that it's fine, she can cry beside me if that's what she wants.
"I-f o-n-ly I can remember something f-ro-m the past. The memories we shared together. I will choose to paint us together. I'm sorry but my memories are blur, and I can't clearly remember everything!" At tuluyan na siyang humagulhol habang yakap-yakap ako ng mahigpit.
Hindi dapat ako umiyak, kailangan ko maging matatag at malakas para sa aming dalawa. Lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
"It's okay, I understand your situation. You don't need to say sorry, because you don't even want that to happen. You don't have to be hard on your self. I'll be patiently waiting for you Knixx, even if it takes for lifetime, and means forever," I conatain all my emotions, kailangang hindi niya mahalata na naiiyak na rin ako. I gently brushed her hair and kissed her above her head.
Na sa ganoon lang kaming sitwasyon makalipas ang dalawang minuto at kalahati. Hindi ko man lang naramdaman ang ngalay sa braso ko.
Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ni Knixx. Dito niya naisipang magpinta, para makapag libang daw kami at hindi mabagot sa sarili naming mga kwarto.
After hugging, we release each other. I saw her wiping all her tears from her cheeks.
"Knixx, may favor ako sayo. Puwede mo bang pintahan yung itim kong sapatos? Kulay black siya. Ikaw na lang mag decide kung anong design. Pero gusto ko sana minimalist style lang," I asked her a favor, at tumango naman siya bilang tugon.
Kaya lumabas ako ng silid niya para pumunta ng kwarto. Pagpasok ko ng elevator ay agad kong pinindot ang third floor. Iniluwa ako ng elevator at pumunta sa aking kwarto. Pagpasok ko ng kwarto ay hinanap ko agad ang plain black, leather shoes ko na may shoe lace pa. Nakita ko ito sa may shoe rack na nasa ilalim ng bedside table ko.
I immediately went out from my room and entered the elevator to ascend me to the next floor above.
Pagkarating ko ng kwarto niya, ay nakita ko siyang titig na titig sa canvas na pinintahan ko kanina. Kaya napangiti ako sa sarili. Masaya ako dahil nagandahan siya sa ginawa ko, kahit first time ko lang magpinta sa isang canvas.
"Can I keep this? If okay lang sayo Clij?" She asked me while raising the canvas above her head.
Na ka indian seat parin siya sa sahig. Kaya tumango ako bilang tugon at nginitian siya ng matamis.
"Edi akin na lang yung sayo," I was searching for the canvas she painted earlier pero hindi ko na ito makita.
"Sa susunod na lang Clij, mukhang mas angat yung obra mo sa ginawa ko," kaya napakamot na lang ako ng ulo. Sayang naman kasi hindi ko man lang yun nakita.
"Heto na yung sapatos na gusto kong pintahan mo. Ang plain niya kasi sa paningin ko, kaya gusto ko lagyan mo ng kahit maliit lang na detalye," he reached out the shoes from me.
"Ang baho naman!" She teased me then smiled playfully.
"Excuse lang ha, pero mabango yata ang ang mga paa ko. Gusto mo amuyin mo pa!" Bulyaw ko sa kanya at itinaas ang kaliwa kong paa at ipapaamoy yun sa kanya.
Todo iwas naman siya sa paa ko at may patakip-takip pa siya ng dalawang kamay sa kanyang ilong. Anong silbi ng pagtakip niya, eh kung malaki naman ang butas ng ilong ng babaeng to. Siguradong amoy na amoy niya ang paa ko.
"Ilayo mo nga yan Clij! Ang baboy mo, kadiri ka talaga!" At sabay kaming natawa dahil sa kakulitan ko.
Kaya nagdesisyon akong itigil ang pangungulit dahil baka hindi na niya gawin ang hiningi kong pabor.
Nakita ko siyang tinignan ang dalawang sapatos habang nakapatong ito sa malamig na sahig. Mukhang nag-iisip siya kung anong design ang gagawin niya.
Lumipas ang tatlumpong segundo ay inabot na niya ang isang sapatos na sinusuot ko sa kanang paa.
Tutok na tutok siya habang nagpipinta. Masaya akong hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagpipinta sa kabila ng kanyang sakit.
Ang dami ko ng nakitang ipininta niya, at hindi ko maitatangging magaganda iyon lahat. Pero sa lahat ng ipininta niya, wala akong ibang lubos na hinagaan dun. Dahil sa kanya lang ako humanga ng sobra. She's an art, and I will never get tired of admiring her," ang lalim na pala ng iniisp ko at hindi ko napansing tapos na siya.
She faces the shoes in my direction para makita ko ito ng malinaw.
"Yan lang ang design na nasa isip ko, it's simple like what you want. So I hope you like it," nginitian niya ako at nagalapat pa ang dalawa niyang palad na nagsasabing, 'sana ay nagustuhan ko ito'.
"Ang ganda, simple pero ang linis tignan. Thank you Knixx. Susuotin ko ito balang araw," I thanked her.
"Walang ano man."
Sabay kaming ngumiti sa isa't-isa.
"Gaano na ba tayo katagal na magkakilala?"
"Since grade seven, pero hindi maganda ang naging una nating pagkakilala," nakita kong kumunot ang nuo niya sa sinabi ko.
"Ganun ba, matagal na pala. Eh paano naman tayo nagkalapit na dalawa?"
"Nung simula akong manligaw sayo, noong Grade eleven tayo," I smirked and I saw her blush.
"Teka nga, bakit ba hindi naging maganda ang una nating pagkikita at pagkakilala?" Tanong niya at puno nang pagtataka ang kanyang mukha.
"I really hate you way back when we were in first year. Inagawan mo kasi ako ng puwesto sa pagiging top one. Kahit makihati man lang sa ganung rank, mukhang ayaw mo akong pagbigyan. Pikon na pikon ako sayo noon, kasi ang talino mo wihout even trying. Your intelligence annoys me, siguro dahil nasanay akong walang nakakaangat sa akin," I explained to her, at nakita ko siyang nakikinig sa akin ng mabuti.
"Kung ganun mo ko ka hate pano mo ko nagustuhan? Kasi nga niligawan mo ako diba?"
"Nung fourth year ako, hindi ko matanggap sa sarili na nagugustuhan na kita. Na palagi kitang hinahanap kapag absent ka, kung may masama bang nangyari sayo o nagkasakit ka ba. At first I thought it was a pure hate feeling towards you, na natural lang hanapin ang karibal sa academics para ma monitor mo ang bawat galaw ng kaaway mo. Hanggang sa hindi ko namalayan na nagugustuhan na pala kita, at nabubulag lang ako galit na nararamdaman ko sayo. Lumipas ang mga araw at ang galit ko ay tinapalan na ng pagmamahal at pagkagusto ko sayo. Nang simula kitang obserbahan ng palihim at hinangaan sa malayo, doon na develop ang feelings ko para sayo Knixx," nagulat siya sa mga nalaman niya. Hindi siya makapaniwala na posible palang mangyari yun sa totoong buhay.
"You made me realize one thing Knixx. That we can love someone or something we used to hate, and I think that's okay," nginitian niya ako ng matamis, pero ang lungkot ng mga mata niya.
"Alam mo maglinis muna tayo, bago matuyo ang mga kumalat na pintura sa sahig," paalala ko sa kanya. At tumayo kami ng sabay para linisin ang kalat na ginawa namin kanina.
As usual siya yung nagtatakip ng mga bukas na pintura sa maliliit na lata, at inarrange lahat ng klase ng brushes niya sa sahig. Inilagay niya iyun lahat sa isang kit. Habang ako naman ay kumuha ng mop at sinimulang maglampaso ng sahig.
Matapos naming maglinis ay sabay kaming napaupo sa couch rito sa kwarto niya. Ramdam namin ang pagod. Nakaupo kaming dalawa at nakasandal sa upuan habang nakatingala sa kisame.
"So, shall we continue the question and answer session?" Tanong niya sa akin habang nakatingala parin.
"Sure, go ahead."
"Kailan naging tayo?" Tanong niya at ibinaling ang tingin sa akin.
"Grade Eleven ng maging tayo," at hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa kilig. Hindi ko kasi makalimutan kung paano niya ako sinagot.
"Ano?" Gulat niyang tanong at napaupo ng maayos sa sinabi ko. Mukang ayawa niyang maniwala.
"Teka, diba Grade Eleven mo ako niligawan?" Kumunot ang nuo niya.
"Tama," sang ayon ko sa sinabi niya.
"Eh pano yan, hindi man lang umabot ng isang taon ang panliligaw mo sa akin?" At bigla niyang tinuro ang kanyang sarili. Nadismaya siguro dahil hindi man lang umabot ng isang taon ang panliligaw ko sa kanya.
"Sabi mo kasi sa akin, relasyon ang pinapatagal at hindi panliligaw," nakita ko siyang napahimas ng sintido niya sa mga narinig at nalaman. Medyo kinabahan ako dun dahil baka atakihin siya ng sakit niya ano mang oras.
"Imposible! Binibiro mo yata ako Clij eh," singhala niya sa akin, tapos hindi ko na napigilan ang sarili kong ibaling sa kanya ang tingin.
"Sinasabi mo bang sinungaling ako Ms. Pangilinan?" I lean towards her at ang lapit-lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.
Nakita ko siyang napalunok ng sarili niyang laway matapos kong ilapit ang mukha sa kanya.
"Hindi naman sa ganon, pero ang bilis naman kasi," paliwanag niya sa akin at halos hindi na maipinta ang mukha niya.
"Kasalanan ko ba kung naging marupok ka sa akin?" At nakita ko siyang kumurap ng dalawang beses.
"Ano ba! Naduduling ako, puwede naman tayong mag-usap ng hindi ganito kalapit," then he pushed me at umusog papalayo sa akin ng dalawang beses.
I bit my lower lip to stop myself from smiling. Tapos tinignan ko siya at hindi siya makatingin sa akin.
"Pero puwede naman kitang ligawan ulit," marahas siyang napatingin sa akin at mas lalong kumunot ang nuo.
"At hindi ako magsasawang gawin yun sayo araw-araw nang paulit-ulit," mababakas ang lungkot sa mata niya dahil sa sinabi ko.
Umiwas siya agad ng tingin sa akin at napatitig sa painiting na ginawa ko kanina. Nakapatong yun sa bedside table niya. Katabi ng mirror.
"Ilang taon nga naging tayo Clij?"
"Almost thirteen years," nakita ko siyang tumango.
"At nakipag hiwalay ako sayo non ng walang dahilan, ako pala ang ex-girlfriend na tinutukoy mo noong una tayong mag usap dito sa loob ng room, tama ba?"
Napakamot ako ng ulo, dahil naalala niya pa pala yun, halos libakin niya kasi ang sarili matapos kong ikuwento sa kanya kung bakit kami naghiwalay.
"I'm sorry, kung iniwan na lang kita basta-basta at hindi man lang binigyan ng dahilan. I'm sorry, hindi ko alam kung bakit ako nakipag hiwalay sayo noon. I'm sorry wala akong dalang sagot sa tanong mo, kasi wala akong maalala hanggang ngayon," tapos tinignan niya ako. Ang mga mata niya na puno ng paghingi nang tawad.
At sa hindi malamang dahilan ay ngumiti ako, para sabihing pinapatawad ko na siya.
Kasi pagmahal mo ang isang tao, hindi man ito humingi ng kapatawaran sayo ay kusa mo siyang patatawarin.
Para na rin yun sa sarili mong kapakanan. Nang wala ka nang binibitbit na mabigat sa iyong dib-dib. Kasi napatawad mo na ang taong nanakit sayo, whether they deserve it or not, choose to forgive, because you deserve peace.
"Salamat," kumunot ang nuo ko ng biglang magsalita si Knixx.
"Para saan?"
"Sa pagpapatawad," at nilapitan ko siya para yakapin. Niyakap niya rin ako pabalik.
"At sa walang sawang pagmamahal sa akin ng paulit-ulit kahit alam kong nasasaktan ka na," I even hug her tight. Parang takot akong mawala siya sa tabi at piling ko.
"Kahit minsan hindi na ako kamahal-mahal ay paulit-ulit mo pa rin akong pinipili upang mahalin," she said in between sobs.
"Shhhh, dont say that, you deserve to be loved, at kahit talikuran ka man ng mundo, nandito lang ako, hindi kita iiwan, kasi alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi mahal na mahal kita," I point her nose and she laugh a bit.
We were hugging so tight, na parang wala ng bukas. Ng biglang mag ring ang phone ko.
I receive a call from skype. Galing yun kay Rems.
"Rems Calling"
Yun ang nakalagay sa screen ng phone ko, kaya dali-dali kong sinagot ang tawag.
"Rems!" I wave my hand.
"Clij! May good news ako para sayo!" Nakita ko siyang ngumiti at mukhang excited sa gustong sasabihin. "I know this is early to celebrate, but at least we have a glimpse of hope," patuloy niya, pero biglang kumunot ang nuo ng makita si Knixx sa tabi ko.
"Si Knixx ba yan?" Tanong niya.
"Oo," pagkumpirma ko sa kanya.
"Hi Knixx!" Nagumiti si Knixx ng makita si Rems.
"Hi Doc," she waved her hand after seing Rems in the screen.
"So I was saying earlier, may good news ako sayo Clij!" He excalimed.
"May gamot na para sa sakit mo!"