bc

Falling Into You (FREE TO READ | COMPLETED | OLD VERSION)

book_age16+
5.0K
FOLLOW
17.9K
READ
friends to lovers
pregnant
drama
bxg
campus
city
slice of life
virgin
friends
like
intro-logo
Blurb

Phoebe thought her life would finally change when her friend Dana promised her a job in Manila. Ngunit gumuho ang lahat nang matuklasan niyang niloko lang pala siya nito. Alone, betrayed, and lost in a city she barely knew, Phoebe had no one, until a kind old woman named Salud took her in as a housemaid. But fate had more in store for her... including meeting Salud's grumpy, short-tempered, and arrogant son, Neil. What happens when two broken souls, forced under one roof, begin to clash, and eventually feel something more?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HINDI na mabilang ni Phoebe kung ilang beses na siyang pabalik-balik na naglalakad sa kanyang kinatatayuan. Nababahala na kasi siya. Hawak-hawak niya ang kanyang cell phone at sinusubukang tawagan ang kaibigan niyang si Dana na noo'y ni-recruit siya nito na magtrabaho sa Maynila habang nasa probinsya siya ng Leyte. Please, Dana, sagutin mo naman... please, hindi nawawala ang pag-asa niya habang sinusubukan niyang tawagan ang kaibigan. Ngunit bigo na naman siya. Isang prompt call ang pumutol sa pagtawag niya, nangangahulugang busy ang linya ng kaibigan o 'di kaya ay nakapatay ang cell phone nito. Umupo muna si Phoebe sa bench na nakahilera roon. Tatlong oras na siyang naghihintay sa bus station matapos niyang makarating sa Maynila, bitbit ang kanyang nag-iisang bag na ang laman ay mga importanteng gamit niya katulad ng damit at extrang pera. Malapit ng gumabi at kanina pa siya nakatambay sa lugar na iyon. Ulila sa ama't ina si Phoebe. Namatay ang mga ito nang tinamaan ng malakas na bagyo ang kanilang lugar noong bata pa siya, na kung saan tinangay ang bahay nila ng malakas na storm surge o baha. Dahil sa trahedyang nangyari sa kanyang pamilya, naiwan siya sa kanyang Lola Wending na noo'y nakaligtas sa sakuna. Pinalaki siya nito ng mabuti at tinuruan ng magandang asal. Pinaaral din siya nito ngunit hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral. Hanggang third year high school lang ang natapos niya at nagtrabaho na lamang bilang tindera sa isang panaderya upang may maabot na tulong pinansyal sa matandang nagpalaki sa kanya. Sa kasamaang palad, namatay rin si Lola Wending dahil sa sakit sa puso makalipas ang ilang taon. Noong mga panahon na iyon, na-realized ni Phoebe na tuluyan na siyang mag-iisa. Wala na siyang karamay na ibang pamilya dahil simula't sapul pa lang ay hindi na nakilala pa ni Phoebe ang mga kapatid ng mga magulang na magsisilbing tito at tita niya dapat. Kung meron man, wala rin siyang alam kung nasaan na ang mga ito. Sa puntong iyon, kailangan niyang magsunog ng kilay para lang mabuhay. Isang araw ay umuwi sa probinsya ang kanyang kaibigang si Dana. Isa ito sa naging matalik niyang kaibigan noong nag-aaral pa siya sa high school. Matapos nitong maka-graduate ng sekundarya, lumipad ito patungong Maynila upang mag-aral ng kolehiyo. Pinaaral ito ng tiyahan nito na matagal ng nakatira sa Maynila. Nang magkita sila ng dating kaibigan, sinabihan siya nito na may kakilala itong isang tao sa Maynila na naghahanap ng bagong empleyado. Hindi nito sinabi ang magiging trabaho. Na-engganyo lang si Phoebe sa kwento ni Dana dahil malaki raw ang suweldo. Ngunit kailangan daw munang mag-down payment ng Limang Libo—requirements daw sa mga maga-aplay. Nagdadalawang-isip naman si Phoebe sa sinabi ng kaibigan sa kanya. Pero dahil gustong-gusto niyang makapagtrabaho na malaki ang suweldo, ginawa niya ang lahat para may maipang-down payment lang siya sa kaibigan. Hindi naman nagtagal ay nakahiram si Phoebe ng pera sa isa ring matalik niyang kaibigan na si William. Si William ay ang lalaking matagal ng nanliligaw sa dalaga. Pero hindi naman ito sinasagot ni Phoebe dahil wala sa isip niya ang magkaroon ng nobyo. Isa itong panadero sa tinatrabahuan niyang panaderya sa Leyte. Ang gusto kasi ni Phoebe ay magkaroon ng malaking suweldo dahil likas ang kanyang pangangailangan sa sarili. Nang makahiram si Phoebe ng pera kay William, kaagad naman niyang ibinigay kay Dana ang down payment na hinihingi nito. Mabuti na lang at may natitirang pera pa naman siya papuntang Maynila. Kinalaunan, naunang umalis si Dana sa Leyte. Binigyan lang siya nito ng contact number. Kaya heto si Phoebe ngayon, paulit-ulit niyang tinatawagan ang kaibigan para lang sunduin siya sa bus station dahil likas na wala siyang alam pagdating sa siyudad, lalo na sa Maynila. Ilang oras na siyang naghihintay roon. Ilang beses na rin niyang kino-contact ang kaibigan ngunit hindi nito sinasagot. Nagsisimula na siyang mabahala at mag-alala. Muling tumayo si Phoebe sa pagkakaupo niya sa bench. Hawak-hawak ang de-keypad na cell phone, muli niyang binuksan ito upang tawagan ulit si Dana. Muling bumalik ang pag-asa sa mukha niya ng marinig na nag-ring ang kabilang linya. Patuloy pa rin ito sa pag-ring hanggang sa bigla na lang itong naputol. Nakasalubong na ang kilay ni Phoebe nang muli niyang kontakin ang kaibigan. Pero sa puntong ito, isang prompt call na naman ang narinig niya sa kabilang linya. Dito na parang nawalan ng pag-asa si Phoebe. Muli siya bumalik sa bench upang umupo. Hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil sa pag-aalala. Palinga-linga siya sa paligid. Nananatiling dumarami ang tao sa bus station dahil siguro ay nagsisidatingan na rin ang mga bus na galing sa ibang probinsya. Nagtatalo ang kanyang isipan. Nalilito siya kung ano ang magiging desisyon niya ngayon. Kukuha ba ulit siya ng ticket para makabalik siya sa Leyte, o ipagpapatuloy niya ang kanyang nasimulan kung bakit siya pumunta rito sa Maynila? Kung uuwi man siya sa probinsya, paano na lamang ang kanyang utang kay William? Paano niya ito mababayaran? Napakamot na lamang ng ulo si Phoebe dahil sa frustration. Mula sa bag, kinuha niya roon ang kanyang wallet. Nakita niya kaagad ang isang maliit na calling card na ibinigay ni Dana sa kanya noon. Kinuha niya ito at nakita niya ang contact number ng kaibigan na isinulat pa ng dalaga. Ngunit nang italikod niya ang calling card, nahagilap ni Phoebe ang isang pangalan ng establisyemento—Hide Out Night Club, at may kasamang address pa ito. Bigla na lang sumagi sa isipan ni Phoebe na baka sa lugar na iyon ay doon niya makikita si Dana. Wala siyang choice. Kailangan niyang subukang puntahan iyon. Dahil kung hindi, mamumuti ang mga mata niya kakahintay sa wala. Tumayo si Phoebe. Niligpit ang kanyang wallet at muling ibinalik sa bag. Binitbit niya ito hanggang sa makalabas na siya ng bus station. *** LULAN sa sinakyan niyang taxi, bumaba si Phoebe sa tapat ng isang two story building na maraming nakaparadang mamahaling sasakyan sa parking lot. Medyo maingay rin sa loob at mukhang may malaking disco party ang nagaganap. Pasado alas-sais na ng gabi. Hindi niya naalintala ang oras dahil busy siya kakatawag kay Dana noong nasa bus station siya. Binasa niya ang karatulang nakapaskil sa itaas ng establisyemento. Napapalibutan ito ng malalaki at makukulay na bumbilya. Hide Out Night Club. Tama ang pinuntahan niya. Heto na nga ang establisyementong nakalagay sa calling card. Nananalingan siya na sana ay makita niya si Dana rito. Hindi pa siya nakakapasok sa loob ay may nahagip na siyang isang lalaki nakatambay sa labas. Mataba ito at malaki ang tiyan. Walang itong buhok dahil na rin siguro sa may edad na. Nakasuot pa ito ng polo na puti at pantalon. Naninigarilyo pa ito habang nakapamulsa ang isang kamay. Hindi na nagdalawang-isip si Phoebe na lapitan ito upang kausapin. Gusto na talaga niyang makita si Dana sa lalong madaling panahon. "Sir, may kilala po ba kayong Dana? Dana Dominguez po na nakatira sa building na ito?" tanong niya. Kinuha naman ng lalaki ang sigarilyo na nakasubo sa bibig nito bago ito nagsalita. "Anong akala mo sa club na 'to? Apartment!? Nakikita mo namang night club 'to!" masungit na pamimilosopo sa kanya ng matandang lalaki. Napangiwi si Phoebe sa tinuran nito. Hindi niya akalain na ganito pala makitungo ang lalaki sa kanya. "Sorry po." "Wala dito ang hinahanap mo. At kung may kakilala man akong G.R.O na ang pangalan ay Dana, baka nasabi ko na sa iyo ngayon," masungit pa nitong wika. G.R.O.? nasambit na lamang ni Phoebe sa kanyang sarili. Batid niya ay hindi magandang abbreviation iyon. Hindi nakapagsalita si Phoebe. Iniisip niya kung saan niya narinig ang salitang G.R.O. noon. Muli naman siyang napatingin sa lalaki ng magsalita ulit ito. "Saan ka ba pupunta? At bakit may dala-dala kang bag? Lumayas ka ba sa inyo? Naghahanap ka ba ng trabaho?" sunod-sunod na tanong ng lalaki sa kanya. Tumango si Phoebe. "Lumuwas lang po ako rito dahil pinangakuan ako ng kaibigan kong si Dana na may trabaho akong mapapasukan kapag pumunta ako sa siyudad. 'Di ko lang po talaga siya ma-contact. Pumunta ako rito at nagbabaka-sakaling makita ko siya. Nakapag-down payment pa nga po ako sa kanya, eh, dahil sabi niya requirements daw para sa a-aplayang trabaho," tugon ni Phoebe. Hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit naiku-kuwento niya sa isang estrangherong lalaki ang buong kwento kung bakit siya napaluwas sa Maynila. Siguro ay dahil nababahala na siya at kailangan niya ng tulong ngayon. "Naku! Mukhang na-budol-budol ka ng kaibigang mong 'yan. Uso dito sa Maynila ang mga scammer. Baka isa sa mga scammer ang kaibigan mo rito sa Maynila," natatawa na sabi ng lalaki kay Phoebe. Nakaramdam naman siya ng insulto sa pagtawa nito. "Scam? 'Di po siguro magagawa iyan ni Dana. Kaibigan ko po siya at hindi niya po magagawang lokohin ako," nangangambang sagot niya sa lalaki. Tumawa muli ang lalaki sa kanya. "Ang tanga mo rin, ano!? Uto-uto ka naman sa kaibigang mong 'yan. Isipin mo nga, sino ba naman kasing employer ang magpapa-down payment para lang makapagtrabaho ka? Niloloko ka ng kaibigan mo. Nagpa-uto ka naman. Kung ako sa iyo, may ire-rekomenda ako sa iyong trabaho. Depende kung willing ka." Parang nabuhayan ng loob si Phoebe sa tinuran ng lalaki sa kanya. Trabaho—iyon lang naman ang kailangan niya kung bakit siya lumuwas sa Maynila ngayon. Gusto niya ng trabaho para hindi masayang ang pawis na inilaan niya para lang makapunta sa siyudad na ito. "Yes po. Willing po ako sa kahit anong trabaho. Marunong po akong magluto, marunong din po akong maglaba at maglinis ng bahay. Marunong din po akon—" Pinutol ng lalaki ang sasabihin ni Phoebe. "Hindi pagiging katulong ang maire-irekomenda ko sa iyo. Iyon, oh." Tumuro pa ito sa isang poster na nakapaskil lang sa gilid ng entrance door ng club. "Magiging G.R.O. ka sa club. Hiring kami ngayon. Naghahanap kami ng mga bagong babae para magpaligaya ng mga lalaki na pumupunta rito sa club. Kadalasan mga foreigners ang kliyente. Malaki ang tip na makukuha mo kapag napaligaya mo sila," page-explain pa nito sa kanya. Natigilan pa ito sa pagsasalita at pinagmasdan siyang mabuti mula ulo hanggang paa. "Pandak ka. Pero okay na rin. Mahilig ang mga foreigners sa mga maliliit na babaeng katulad mo. Maganda ka rin. Ano? Payag ka?" Naiinis si Phoebe sa pinagsasabi nito. Umiinit ang kanyang ulo. Doon lang niya napagtanto kung ano'ng klaseng trabaho ang isang G.R.O. dahil minsan na rin niya itong naririnig noon pa man sa mga palabas na napapanuod niya. At para kay Phoebe ay hindi magandang trabaho ito para sa kanya. Ayaw niyang ibenta ang katawan para lang magpaligaya ng ibang lalaki. Ayaw niya isaalang-alang ang sarili para lang sa kalaswaan. Ni minsan nga ay hindi pa niya nararanasan ang makipagtalik sa lalaki. Maging G.R.O pa kaya? "Ayoko po. Ayoko ko po sa ganyang trabaho. Marangal po ang hinahanap ko. Salamat na lang po at aalis na lang po ako!" nabubuwisit na sagot ni Phoebe. Mabilis siyang tumalikod upang makaalis na sa malaswang lugar na iyon. Narinig pa ni Phoebe ang lalaki na nagsalita. "Bahala ka. Good luck sa buhay mo!" Sinabayan pa ito ng malakas na paghalakhak sa huli. Napapailing na lamang si Phoebe. Nababaliw na siguro ang lalaking iyon. *** PASADO alas otso na ng gabi ay patuloy pa rin sa paglalakad si Phoebe. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi rin niya alam kung saan siya makikituloy muna. Patuloy pa rin naman niyang tinatawagan ang kaibigan ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang kanyang tawag. Nakaramdam ng pagkulo ng sikmura si Phoebe. Naisipan niya na kumain muna sa isang karinderya. Pagkatapos niyang kumain ay nagpatuloy ulit siya sa paglalakad, hanggang sa maisipan na lamang niya na bumalik na lang sa bus station. Mukhang kinakailangan na lang siguro niya na bumalik sa probinsyang kinalakihan dahil wala siya matatamong maganda sa Maynila. At kung niloko nga lang siya ni Dana, hindi niya siguro ito mapapatawad. Sobra siyang nagtiwala rito pero niloko lang siya nito. Naging tanga siya sa mga pinagsasabi nito noon. Umaasa siya sa wala ngayon. Ramdam na ramdam niya sa kayang dibdib ang galit para sa kaibigan. Kinamumuhian niya ito kung mapapatunayan na niloko lang siya ni Dana. Naisip ni Phoebe na humanap ng taxi na masasakyan. Mag-isa siyang naglalakad sa isang tahimik at hindi mataong lugar na kalsada na kung saan napapaligiran ito ng mga saradong establisyemento. Hindi naman gaanong madilim ang lugar na iyon dahil may malalaking poste ng ilaw naman ang malayang nakasindi upang maliwanagan ang madilim na parte ng kalsada. Sa kanyang paglalakad, biglang may isang motor ang huminto sa kanyang harapan. Sakay-sakay nito ang dalawang estrangherong mga lalaki na hindi niya makita ang mukha dahil natatabunan ito ng maskara. Naghari sa kanyang katawan ang takot. Napansin pa ni Phoebe na mabilis na bumaba ang isa sa mga ito at bigla siyang tinutukan ng baril. "Miss, hold-up 'to! Akin na ang gamit mo!" pananakot ng lalaki sa kanya. Nataranta si Phoebe. Lumalakas ang pintig ng kanyang dibdib at lumalalim na rin ang kanyang paghinga. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang bigla siyang hawakan nito sa kanyang braso. "Ano ba!? Bitawan mo ako!" sigaw niya. "Bingi ka ba! Sabi ko akin na ang bag mo!" "Ayoko!" matapang na sigaw ni Phoebe sa lalaking holdaper. Sinubukan niyang kumaripas ng takbo ngunit hinila siya ng lalaki at binigyan siya nito ng malakas na suntok sa tiyan. Napayuko si Phoebe dahil sa iniindang sakit. Naramdaman na lamang niya na kinuha na ng lalaki ang sakbit-sakbit niyang bag. "Pre, bilisan mo. Baka may makakita pa sa atin!" sabi pa ng isang lalaking kasamahan nito habang abala siya sa paghalungkat ng bag ni Phoebe. Tinatapon ng lalaki ang mga damit na nakukuha niya sa loob at kinuha niya lamang ang mga importante gamit doon katulad ng pera, wallet, at cell phone. "Sandali!" sigaw pa nito sa kasamahan niya na animo'y nababahala na rin sa ginagawa. Pero ilang saglit pa ay bigla siyang napaigtad sa pagkakatayo at napasigaw dahil sa matigas na bagay na tumama sa kanyang likuran. Pangiwi-ngiwing tumingin siya sa likod at nakita niya si Phoebe na may hawak ng isang dos-por-dos na kahoy. "G*go ka!" singhal niya kay Phoebe. Mabilis na sinakal ng lalaki sa leeg ang dalaga. Hindi na siya halos makagalaw at makahinga dahil sa higpit ng pagkakakapit ng kamay nito sa kanyang leeg. Pakiramdam ni Phoebe ay bumabaon sa kanyang lalamunan ang kamay nito. Nabitawan na rin niya ang hawak niyang kahoy. "Bitawan mo ako!" pigil-hiningang sabi ni Phoebe. Nasasakal siya. Hindi siya makahingi. Kailangan niya ng hangin dahil namumula na ang kanyang mukha. Biglang binitawan naman siya ng lalaki sa pagkakasakal at binigyan pa ng isang malakas na suntok sa pisngi. Natumba si Phoebe sa kalsada. Tatayo na sana siya nang biglang hampasin siya ng kahoy sa ulo ng lalaking katunggali. Doon na lamang biglang dumilim ang paningin niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
105.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook