MAITUTURING ni Phoebe sa kanyang sarili na sobrang suwerte niya para kay Neil. Ang saya-saya ng puso niya matapos nitong magpropose. Hindi na rin niya nagawang tumanggi pa dahil wala siyang rason para tanggihan ito. Bukod doon, mahal na mahal niya ito at handa siyang maging asawa ni Neil balang-araw.
Nalaman na rin nila Salud at Kenneth ang tungkol sa pagpo-propose ni Neil kay Phoebe. Hindi lang gulat ang bumalot sa mga mukha ng mga ito kundi tuwa ng malaman na engaged na ang dalawa.
Matapos ang araw na iyon, napag-isipan nina Neil at Phoebe na bumalik na sa Cavite dahil may pasok pa sila kinabukasan. Nagpaalam naman sila sa mabait na ginang at masayang binigyan ng yakap at halik sa pisngi ang magkatipan.
Nang gabing iyon, pinuyat ni Neil si Phoebe. Hindi kasi nila mapigilan na mag-share ng kung ano-anong mga topic habang nagpapaantok silang dalawa. 'Yon nga lang, masyadong naging masarap ang kuwentuhan nila kaya mga alas-dos na sila ng madaling araw nakatulog. Mugto ang mata ni Phoebe nang magising siya ng alas-singko upang maghanda ng breakfast.
As usual, naging daily routine na rin siguro nila ang maglambingan habang nasa kusina. Medyo nababahala pa rin si Phoebe sa kanyang sarili dahil lagi siyang nagsusuka tuwing umaga. Umiinda rin ang sakit ng kanyang ulo at nahihilo rin siya. Napagdesisyunan na siguro niya na magpa-check up sa doctor sa susunod na araw para malaman niya kung ano ang kalagayan niya ngayon.
Subalit ang gusto niya ay siya lang ang mag-isang pumunta sa hospital upang magpa-check up. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa kanyang dibdib ang pag-aalala na baka nga ay buntis siya.
Kung malalaman ni Phoebe na buntis nga siya kay Neil, wala naman din siyang magagawa kundi sabihin ito sa katipan. May karapatan itong malaman dahil si Neil lamang ang kaisa-isang lalaking gumalaw sa kanya. Si Neil lang ang kauna-unahang lalaki na nagdala sa kanya sa kalangitan nitong mga nakaraang araw.
Siguro naman ay hindi magagalit ang binata sa kanya kung sabihin ni Phoebe rito na buntis siya. Nagpropose nga ito sa kanya, paano na lang kaya kung malaman nitong magkakaroon na sila ng anak balang-araw.
Pero ang bata ko pa para maging magulang, naisambit ni Phoebe minsan habang nakatulala siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Sabay sila ni Neil na pumunta sa eskwelahan isang umaga.
"Phoebe, okay ka lang? Ba't parang kanina ka pa tahimik diyan?" Napalingon si Phoebe sa kanyang katabi nang marinig niyang kinakausap siya ni Neil. Nang balingan niya ito ay nakita niya kung gaano ito nag-aalala.
Ngumiti naman siya para ipakita na okay lang siya. "May iniisip lang," tipid na sagot na lamang ni Phoebe.
"Tungkol saan naman? Sa honeymoon natin pagkatapos ng kasal?" pagbibiro sa kanya ni Neil na nakapaismid sa kanya.
"Loko! Hindi 'no."
Tumawa si Neil. "Biro lang. Puwede naman tayong mag-honeymoon kahit sa bahay lang. Basta 'wag ka lang maingay kung ginagawa natin 'yon. Baka marinig tayo ni mama," biro pa sa kanya nito.
"Neil! Ano ba!?" saway naman ni Phoebe na ikinapula naman ng kanyang pisngi. Muling tumawa si Neil at hindi na lang ito nagsalita.
Maya-maya pa ay nagsalita ulit si Phoebe. May gusto siyang sabihin dito. "Neil, m-magpapaalam nga pala ako sa iyo, ah."
Kumunot naman ang noo ni Neil habang tutok na tutok ang kanyang pansin sa kalsada. Nagmamaneho kasi siya ng sasakyan. "Ha? Saan ka pupunta?"
Sa hospital. Magpapacheck-up. "B-Basta."
"Basta? Walang lugar na ganon."
Napakamot tuloy si Phoebe sa kanyang ulo. Paano ba niya sasabihin ito sa nobyo?
"Secret. Gusto ko lang magpaalam sa iyo. Sa Sabado pa naman, eh. Please," pagmamakaawa niya.
"Sabado? Eh, uuwi tayo sa Maynila niyan."
"Eh, kaya nga. Magpapaalam din ako sa iyo niyan kasi may pupuntahan ako."
"Oh, sige. Papayag ako basta ihahatid kita kung saan man 'yang punta mo."
"'Wag na. Ako na lang."
Medyo naguguluhan na tuloy si Neil. Namumutawi sa mukha ng binata ang katanungan na kung saan nga ba pupunta ang nobya at bakit nagpapaalam ito. Nang biglang nag-red light ang street light, naihinto ni Neil ang sasakyan at kunot-noong tumingin sa nobya.
"Sure ka? Baka kay Tommy ka pupunta?" sabi pa ni Neil sa kanya.
Mabilis na umismid si Phoebe. "Hindi 'no. Ano ka ba!?"
"Eh saan ka nga pupunta? Sagutin mo muna ako para payagan kita," pagpupumilit pa ni Neil sa dalaga.
"Basta nga. Ako na bahala. May iche-check lang ako. Please, payagan mo na ako. Baka kasi magalit ka sa akin kapag hindi ako nagpaalam sa iyo. Ayokong magalit ka sa akin 'no. Tsaka kung iniisip mo na pupuntahan ko si Tommy, hindi na mangyayari iyon dahil ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa akin si Tommy. Kaya please na, payagan mo na ako," naka-pout pa ang lips ni Phoebe habang nagmamakaawa siya kay Neil. Hinawakan pa niya ang kamay nito na nasa manibela upang pilitin na payagan siya.
Napairap na lamang si Neil dahil sa kakulitan ng nobya. Wala siyang nagawa kundi tumango at payagan ito. "Oh, sige. Pero umuwi ka ng maaga, ah. 'Wag magpagabi," sabi ni Neil. "Mamimiss kasi kita, eh," dagdag pa nito.
Parang batang nagpapalakpak si Phoebe nang payagan siya nito. Paulit-ulit naman siyang nagpapasalamat at napangiwi siya ng marinig niya ang huling sinabi ng nobyo.
"Sira," nasabi na lamang niya.
Matapos ang pag-uusap na iyon, si Neil na naman ang nagsalita. "Siya nga pala, ako rin. Magpapaalam din ako sa iyo ngayon."
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Phoebe at napahinto siya sa pagpipindot sa kanyang bagong cell phone. Napatingin din siya kay Neil.
"Tinawagan ako ng group mates ko sa thesis. Kailangan naming magpuyat mamayang gabi para matapos namin iyon. Kaya huwag mo na lang ako hintayin mamaya. Matulog ka na lang ng maaga at uuwi rin ako. Dadalhin ko na lang 'yong susi para makapasok ako."
Tumango si Phoebe at muling hinarap ang kanyang cell phone. "Okay," tipid pa niyang sagot.
"Hindi mo man lang ako pipigilan?" tanong naman sa kanya ni Neil.
"Bakit naman kita pipigilan? Tawagan mo na lang ako kapag may emergency."
Napailing na lang ang binata at muling itinutok ang sarili sa pagmamaneho. Pambihira! Bakit parang okay lang sa kanya na payagan ako? At least, ibang-iba 'tong si Phoebe sa mga babae, sambit na lamang ni Neil sa kanyang sarili.
***
WALANG PINAGBAGO nang umagang iyon. As usual, busy sa buong umaga at tanghali sina Neil at Phoebe dahil sa kani-kanilang mga classes. Nagkikita lang naman silang dalawa tuwing lunch break at uwian.
Sa tuwing pumapasok sina Neil at Phoebe ng sabay, halos hindi maalis-alis ang mga matang mapanghusga sa kanilang dalawa. Dahil nga sa kilala si Neil sa university na iyon, at ng malaman ng mga ito na may bago na itong girlfriend na si Phoebe, may ibang natuwa sa balitang iyon at mayroon din namang nagalit at sinisiraan siya.
Hindi na lang pinansin iyon ni Phoebe at nag-focus na lang sa kanyang pag-aaral.
Kasalukuyang naglalakad mag-isa si Phoebe papunta sa kanyang classroom. Galing siyang canteen dahil bumili siya ng buko juice. Hindi rin niya kasama si Eunice ngayon dahil ilang araw na itong absent. Nag-aalala tuloy siya sa kaibigan.
Napahinto na lamang siya sa paglalakad nang makasalubong niya ang isang babaeng pamilyar sa kanya—si Sofia. Naka-crossed arm itong huminto sa kanyang harapan at nginitian s'ya. May suot-suot pa itong sun glass. Nang hubarin ito ng dalaga ay napansin ni Phoebe na namumugto ang mata nito.
Napayuko na lang siya at sinubukang umalis sa dinaraanan nito.
"Phoebe, right?" sarkastik nitong tawag sa kanya.
Napahinto si Phoebe sa kanyang paglalakad nang magsalita si Sofia sa kanya. Dahan-dahan siyang humarap dito at tumango.
"I see," napakapait na sagot ni Sofia. "Congratulations nga pala dahil engaged na kayo ni Neil. Masaya ako sa para sa inyong dalawa," nakangiting pagbati pa ni Sofia.
Napangiwi si Phoebe sa inakto nito. Alam niyang peke lang ang ngiti na ipinakita ni Sofia sa kanya. Alam niyang galit ito sa kanya. Gustuhin man niyang patulan ang dalaga, pero bakit tila parang 'di niya magawa? Bakit parang nanghihina siya sa harapan nito?
"Saan mo nabalitaan iyan?" mahinang tanong niya kay Sofia.
"Nag-post siya kagabi sa kanyang IG. Engaged na raw siya sa iyo. Noong una ay hindi ako naniniwala dahil sabi niya sa akin noong isang araw ay mahal pa raw niya ako. Gusto raw niyang makipagbalikan sa akin."
Biglang umusbong sa dibdib ni Phoebe ang sama ng loob na kanina pa niya pinipigilan. Ang kapal din talaga ng apog ng bruhildang 'to!?
Pinigilan niya ang sarili na huwag patulan ang babae. Para na rin siyang tupa sa harapan nito. Naduduwag siyang kaharapin si Sofia. Feeling kasi ni Phoebe ay parang ang liit-liit niya sa paningin ng dalaga.
Wala tuloy siyang masabi kay Sofia. Tumahimik na lamang siya at naisipang umalis na lang. Kung pakikinggan pa niya ang sasabihin nito, baka mabuwisit lang siya. Baka ito pa ang maging dahilan upang masira ang kanyang araw.
Nang tumalikod siya, muli na naman itong nagsalita. Napahinto ulit si Phoebe sa paghakbang. "Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko? Akala mo ba ay niloloko kita?"
Umismid siya sa sinabi nito. Nananatiling nakatalikod siya kay Sofia at hindi niya naisipang humarap dito. Sino bang tangang tao ang maniniwala sa iyo? Eh, mukha nga'ng niloloko mo lang ako ngayon. Manloloko ka kaya, remember!? sabi ni Phoebe sa kanyang sarili.
"Kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko, you will see it from me soon," may halong pagpipighati na wika ni Sofia. Nakalolokong ngumiti muna ito bago muling nagsalita. "Well, maging masaya sana kayong dalawa ni Neil. I hope 'di ka niya saktan.” Matapos niyon ay mabilis na naglakad si Sofia papalayo sa lugar na iyon. Naiwan si Phoebe na parang nagpupusok sa galit ang kanyang puso. Gaga talaga 'yong babaeng 'yon! Walang magawa sa buhay!
Kumaripas naman sa paghakbang si Phoebe upang makaalis na rin sa lugar na iyon habang nakakuyom ang kanyang kamao dahil sa nararamdamang galit.
***
MAGA-ALA-UNA na ng madaling araw matapos ang group work nina Neil. Kasalukuyang nasa bahay siya ngayon ni Cindy dahil dito nila napag-isipang tatlo na ipagpatuloy ang mga plano para sa gagawing thesis study nila next semester. Kasama niya si Calix ngayon at sabay silang dalawa na lumabas ng bahay upang makauwi na. May kanya-kanya naman silang sariling sasakyang dala.
"Bro, congrats nga pala sa iyo dahil engaged ka na nga pala. Kung 'di lang ako nag-online kanina, hindi ko pa malalaman," masayang bati sa kanya ni Calix habang nakaakbay ang isang kamay nito sa kanyang balikat.
"Thank you," tipid namang sagot ni Neil.
"Mabuti na lang at napag-isipan mong mag-girlfriend ulit. Napapansin ko kasi na ang daming nagbago sa iyo nitong nakaraang araw magmula ng maging girlfriend mo si Fobi."
"It's Phoebe. Not Fobi," pangongoreksyon naman ni Neil.
"Ayy! Sorry. Akala ko kasi Fobi 'yong pagkakabasa ng pangalan niya. Phoebe pala as in Fibi," sagot naman ni Calix at napakamot na lang siya sa kanyang ulo.
Bago pa man sila nagkanya-kanya ng sasakyan, tinawag muna sila ni Cindy at nag-iwan ng pamamaalam sa dalawa. "Bye. Ingat kayo sa biyahe!" sigaw pa nito sa kanilang dalawa. Nilingon naman nina Calix at Neil ang dalaga at kumaway.
"Salamat din sa masarap na dinner! Sa uulitin!" pabalik na sigaw pa ni Calix dito.
Nang makalabas sila sa malaking gate ng bahay ay nagkanya-kanya na sila ni Calix na pumunta sa kani-kanilang sasakyan. Naunang umalis si Calix sa kanya. Bumisina lang sa kanya ang kaibigan upang magpaalam muli at ganoon din ang kanyang ginawa.
Mga ilang minuto pa ay nakarating na si Neil sa bahay na tinutuluyan. Sobrang tahimik na rin ng paligid at mukhang tulog na yata si Phoebe dahil nakapatay na ang ilaw sa kuwarto.
Excited siyang bumaba ng sasakyan upang makita muli ang minamahal na nobya. Ngunit sa kanyang paghakbang papunta sa gate, bigla siyang napahinto nang may tumawag sa pangalan niya.
"Neil?"
Napalingon si Neil sa kanyang kanang bahagi at laking gulat niya ng makita si Sofia.
"Sofia? Ano'ng ginagawa mo rito? Gabi na, ah!" nagtatakang tugon pa ni Neil sa dalaga.
"Neil, I'm sorry."
"Ha—"
Naputol ang pagsasalita ni Neil ng biglang may sumulpot na isang tao sa kanyang likuran at mabilis na tinakpan nito ang bibig at ilong niya gamit ang isang panyo. Sinubukan niyang kumawala ngunit 'di niya magawa. Naramdaman na lamang niya na parang nahihilo siya sa baho ng kanyang naaamoy galing sa panyong iyon. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
***
NAPAMULAT ng mata si Phoebe kinabukasan. Napansin niyang wala si Neil sa kanyang tabi ngayon. Hindi umuwi ang mokong na iyon kagabi? naitanong na lamang niya sa kanyang sarili.
Dali-dali siyang bumangon at iniisip na baka nasa labas lang ito. Ngunit nang makalabas siya ay wala rin doon si Neil. Ni anino nito ay hindi niya mahagilap. Bigla tuloy siyang kinutuban. Mabilis niyang kinuha ang cell phone na nakapatong sa bed side table at sinimulang tawagan ito.
Isang prompt call ang pumutol sa kanyang pagtawag. Nangangahulugang naka-off ang linya ng binata o 'di kaya'y busy ang linya nito.
"Nasaan na ba 'yong lalaking iyon!? Akala ko ba uuwi 'yon pagkatapos nang group thesis nila?" Hindi na tuloy maipinta ang mukha ni Phoebe. Nag-aalala na rin siya.
Binuksan niya ang pintuan ng bahay. Napansin niyang wala pa roon ang sasakyan ni Neil. Mukha nga'ng hindi ito umuwi kagabi. Saan naman kaya 'yon natulog!? Baka naman doon sa ka-group mates niya.
Napailing na lang siya at sinimulan na lang niyang magluto. Siguro hihintayin na lamang niya si Neil at nagbabaka-sakali siyang dumating ito mamaya.
***
UNTI-UNTING iminulat ni Neil ang kanyang mga mata. Bigla niyang naramdaman na sumasakit ang kanyang ulo. Nang tuluyang mawala ang pag-aalimpungat sa sarili ay saka niya natagpuan ang kanyang hubo't hubad na katawan. Wala siyang kahit anong saplot na suot at natatakluban lang iyon ng makapal na kumot.
Bigla siyang nataranta. Nasaan ako!? nasabi niya sa kanyang sarili.
"Gising ka na pala."
Napalingon si Neil sa isang dako at nakita roon si Sofia na nakasuot lamang ng panty at bra habang nakaupo sa isang malambot na single sofa. Tumayo pa ito at nagsimulang magsuot ng damit.
Malakas na kinabahan si Neil. "Ano'ng ginawa mo sa akin!?" galit na galit niyang tanong kay Sofia. "Bakit ako nakahubad!?"
"Hindi mo ba natatandaan? You make love to me last night."
"Ha!?" naguguluhan na si Neil. Tumayo siya at mabilis niyang kinuha ang kanyang damit na nakahandusay sa sahig. Nakita niya sa digital clock na alas-singko kuweranta na ng umaga. Naisip niya tuloy bigla si Phoebe. Baka hinahanap na siya nito.
"Ayaw mo kasi akong pakinggan, eh. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para magkabalikan tayong dalawa," sambit pa ni Sofia sa kanya. Napalingon siya sa sinabi nito at naiintindihan na niya ang ginawa ng dalaga sa kanya kagabi. Napailing siya. Nagsunod-sunod na ang kanyang iling.
"No! No! Walang nangyari sa atin!"
"Yes, we had. Masaya ka pa nga kagabi habang katabi mo ako." Nakakapanloko ang pananalita ni Sofia.
"Nababaliw ka na ba!?" Nilapitan ni Neil si Sofia at mahigpit na hinawakan ang isang braso nito. "Kung ano man 'yang binabalak mong plano, binabalaan kita! Oras na malaman kong may ginawa kang masama kay Phoebe, ako ang makakaharap mo! Naiintindihan mo ba ako!!?" napapataas na ang boses ni Neil.
Malakas na binawi ni Sofia ang kanyang braso sa binata at masamang napatingin sa kaharap. "Mahal kita kaya ko ginagawa ito. Gusto kitang bawiin sa babaeng iyon."
Muling hinawakan ni Neil sa magkabilang braso si Sofia at galit na galit siyang nakatitig dito. Nanginginig na rin ang kanyang bagang dahil sa galit.
"Bakit ba hindi ka makaintindi!? Sabi ko wala na tayo! Niloko mo nga ako, 'di ba!? Pinatawad na nga kita sa mga kasalanan na ginawa mo sa akin! Pero ano 'tong ginagawa mo!? Bakit ba ayaw mo kong maging masaya!? Bakit ba ayaw mo kong maging malaya!? Bakit ba ayaw mo kong tigilan!? Ayoko na sa iyo dahil si Phoebe ang mahal ko!!" nanlilisik ang mga mata ni Neil habang galit na galit siyang kinakausap si Sofia. "At oras na mabalitaan ko na may balak kang sirain ang relasyon naming dalawa, puwes, hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong kitang hayop ka!"
Malakas na tinulak ni Neil si Sofia at ikinatumba naman ito ng dalaga. Kumakaripas siyang lumabas ng kuwarto upang makaalis na sa lugar na iyon. Napagtanto niyang nasa private club siya dinala ni Sofia at kinakabahan siya sa posibleng mangyari kapag malaman ni Phoebe ang tungkol sa nangyari sa kanya kagabi.
Naiiyak na lamang siya habang nagmamaneho ng sasakyan papauwi ng bahay.