NAPAGISING NA lamang si Phoebe isang umaga nang maramdaman niyang parang nasusuka siya. Mabilis siyang bumangon sa kama at nagtatatakbo papunta sa loob ng CR. Dito niya inilabas ang sama ng sikmura. Napapaluha si Phoebe nang maisuka niya iyon. Bigla siyang napapikit ng mata dahil nakaramdam din siya ng sakit sa ulo. Hindi lang iyon, parang umiikot din ang kanyang paningin.
Nang tuluyan ng mawala ang p*******t, napatingin siya sa kanyang reflection sa salamin. Kaagad siyang kinutuban sa nangyayari sa kanya.
'Wag naman sana, 'yon ang kanyang hiling nang minsang dumaan sa kanyang isipan na baka nagdadalang-tao siya. Imposible ding mangyari ang kanyang kahilingan. Ilang beses na nga ba siyang nakipagtalik kay Neil nitong nakaraang linggo? Hindi niya matandaan. Oo nga't handa siya sa posibleng bunga ng kanilang pagmamahalan. Ngunit malakas din ang kanyang kahilingan na sana huwag mangyari ang nasa isipan. Natatakot siya sa posibleng reaksyon ni Neil kapag nalaman nito na buntis siya.
Ang advance mo namang mag-isip, Phoebe. Wala pa nga, eh. Baka nasuka ka lang kasi nakadalawang bote ng light beer ka kagabi, wika ni Phoebe sa kanyang sarili habang inaaalala niya ang mga nangyari kagabi.
Umiling siya at naisipang lumabas na lamang ng CR. Saktong hindi pa siya nakalalabas ng may kumatok sa pintuan at narinig niya ang boses ni Neil.
"Phoebe? Are you there? Okay ka lang?"
Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang magulong buhok bago niya pinagbuksan ang pinto. Tumambad sa harapan ni Phoebe ang nag-aalalang mukha ng nobyo. As usual, naka-topless lamang ito at nakasuot lamang ng manipis na pajama. Hinahayaan lang nito ang sarili na ipakita sa kanya ang hubog ng katawan. That made her gulped every moment dahil nakatatakam naman talaga ang katawan ni Neil sa totoo lang. Nasanay na rin siguro siya na naka-topless lagi ang kanyang nobyo kapag matutulog.
Tumango si Phoebe bilang sagot at hindi nagsalita. Pagkatapos ay lumabas siya ng CR.
Bago pa man siya makapanhik sa kama, bigla siyang pinigilan ni Neil sa pagkakahawak sa kanyang braso. Nagtatanong ang mukha nito at saka niya naramdaman na kinakapa-kapa siya nito sa kanyang noo at leeg.
"Wala ka namang sinat. Bakit namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Neil.
"Okay lang ako."
"Pa-check up kaya tayo," nag-aalangang suggest ni Neil sa kanya. Mabilis siyang umiling sa sinabi ng binata. Ayaw niyang magpa-check up dahil ayaw niyang malaman ng nobyo na baka nga ay nagdadalang-tao siya.
"'Wag. Ayoko. Dito lang tayo sa bahay," pagpupumilit ni Phoebe.
"Sure ka? Kasi parang 'di ka yata okay ngayon," muling tugon ni Neil. "I'm sure dahil yan sa ininum mong beer kagabi. Sabi ko na nga ba kay Kenneth 'wag kang painumin, eh."
"No. Okay lang talaga ako, Neil. 'Wag kang mag-alala." Pilit siyang ngumiti para ipakita niya na maayos lang talaga ang kanyang pakiramdam. Pero ang totoo, parang umiikot na naman ang ulo niya dahil sa hilong nararamdaman. Hindi na lang niya ininda iyon.
Napatingin si Phoebe sa digital clock na nakapatong sa bedside table. Maga-alas-sais trenta na. Napag-isipan ni Phoebe na huwag na lang bumalik sa pagtulog at bumaba na lang siya para makapaghanda ng breakfast. Nagpaalam naman siya sa binata pagkatapos.
Habang nagluluto siya ng umagahan sa kusina ay napansin niyang nilapitan siya ni Neil. Hindi na ito naka-topless ngayon at nakasuot na ito ng blue na t-shirt. Pinarisan pa ito ng binata ng manipis at comfortable na maroon short.
Naramdaman na lamang ni Phoebe na niyakap siya nito sa kanyang likuran. Sa loob ng dalawang linggo na naging boyfriend niya si Neil ay nakasanayan na rin siguro niya na laging malambing ito kapag nagluluto siya. Hinayaan niya lang ang binata sa kanyang likuran at maya-maya pa ay nararamdaman na niya ang labi nitong tumutungki sa kanyang pisngi at leeg. Nakikiliti tuloy siya kaya sinaway niya ito.
"Hoy! 'Wag dito. Baka biglang pumasok si Tita Salud sa kusina. Makita niya tayo."
"Wala yan," sagot ni Neil at ipinagpatuloy pa nito ang paghalik sa kanyang leeg at pisngi. Muling sinaway ni Phoebe ito.
"Hoy! Puwede ba? 'Wag muna ngayon. Baka makita tayo ni Tita Salud." Hindi na napigilan pa ni Phoebe na magsungit sa katipan. Nagulat naman si Neil sa inakto ng nobya niya sa kanya. Ngayon lang kasi siya sinungitan nito. Kaya bigla siyang natigilan at nagtatakang tiningnan si Phoebe habang naka-back hug pa rin siya rito.
"Galit ka?" maikling tanong ni Neil. Tiningnan naman siya ni Phoebe na nakasalubong na ang dalawang kilay.
"Bakit naman ako magagalit?"
"Ang sungit mo kasi ngayon, eh. Teka? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo? Magso-sorry ako kung gusto mo."
"Wala," sagot ni Phoebe. Binalingan niya ang kanyang hinihiwang sibuyas para sa corned beef na niluluto.
"Ah, alam ko na," wika pa ni Neil. "Kung hindi ka galit sa akin, at nagsusungit ka ngayon... baka naman... nireregla ka? Tama ba ako?"
Biglang natigilan si Phoebe sa kanyang paghihiwa at napaisip sa iwinika ng nobyo. Mas lalo pa tuloy siyang kinabahan sa sinabi nito. Naalala niya kasi na hindi na rin siya nireregla noong nakaraang linggo.
Umismid si Phoebe nang mapatingin siya kay Neil. Nakangisi lang ito sa kanya. "Joke lang," natatawa pa nitong sagot.
"Hindi maganda ang joke mo," masungit na sagot naman ni Phoebe. Kahit isang ngiti ay hindi nasilayan sa labi nito. Kaya unti-unting nawala ang pagkangisi ni Neil at parang na-guilty siya sa kanyang nasabi. How he wish na sana hindi na lang siya nagbiro ng ganun sa nobya. Alam naman niyang wala sa mood ito ngayon, ba't pa niya binibiro?
Matamlay na inalis ni Neil ang kanyang mga kamay sa pagkakayakap sa dalaga. Gusto niyang magalit kay Phoebe dahil sa inaakto nito ngunit hindi niya kayang gawin iyon. Baka kasi lumaki pa ang gulo. Nangako pa naman siya sa dalaga na hindi sila mag-aaway at magiging masaya ito sa piling niya. Siguro siya na lang ang umintindi sa inaakto nito dahil minsan talaga ay hindi niya alam kung bakit laging nag-iiba ng mood ang mga babae.
Walang nagawa si Neil kundi umalis sa kusina at umakyat sa hagdanan upang makapanhik sa kuwarto. Niligo na lamang niya iyon kahit na nasa isipan pa rin niya kung bakit nagkakaganoon ang nobya. Habang naliligo, biglang may naisip siyang ideya upang manumbalik ang saya nito. Ayaw kasi ni Neil na maging masungit si Phoebe sa kanya. Kung may nagawa man siyang kasalanan dito ay kailangan niyang mag-sorry at gumawa ng paraan upang magkaayos sila. Napapangiti na lang siya habang nagkukuskos na siya ng tuwalya sa kanyang ulo. May gagawin siyang surpresa para kay Phoebe ngayong araw.
***
HINDI ALAM ni Phoebe kung saan siya dadalhin ng binata ngayong araw. Habang bumabiyahe sila ay napapatingin naman siya sa kalsada. Nagdadasal na sana ay huwag siya nitong dalhin sa hospital upang magpa-check up. Pinipilit kasi siya nito kanina na sumama dahil may pupuntahan daw sila. Dahil sa napilitan na rin naman siya, wala siyang nagawa kundi sumama kay Neil.
"Saan mo ba kasi talaga ako dadalhin?" wala pa rin sa mood na tanong ni Phoebe rito.
"Basta. Chill ka lang," nakangiting sagot sa kanya ni Neil. Nag-crossed arm na lamang si Phoebe at hinayaan na lamang niya ang binata na magmaneho ng sasakyan.
Hindi aabot sa sampung minuto magmula ng umalis sila sa bahay ay nakita niyang dinala siya nito sa SM Mall of Asia. Ipinarada muna ni Neil ang kanyang sasakyan sa isang open parking lot ng mall bago sila pumasok sa loob.
"Akala ko kung saan mo ako dadalhin. Dito lang pala," Phoebe uttered nang makababa ito ng sasakyan. Nilapitan naman siya ni Neil.
"Gusto ko lang nai-spend natin 'tong araw na ito na magkasama tayong dalawa. Ang init kasi ng ulo mo. Nagsusungit ka. 'Di ka naman ganyan. Kaya ituro mo lang kung ano ang gusto mong bilhin, ako ang magbabayad."
Napangiwi si Phoebe. "Akala mo ba ay madadala mo ako sa ganito? Hindi 'no. Hindi ako sobrang materialistic na babae." Napasagitsit pa siya. "Pero dahil nandito na rin tayo, ano pa nga ba ang magagawa ko. Tara na! Kumain na lang muna tayo. Nagugutom na ako, eh."
Nakangising tinapik ni Neil ang ulo ni Phoebe at magkahawak-kamay silang dalawa na pumasok sa loob ng mall.
Naisipan ni Neil na igala ang nobya sa mall dahil baka ay tinotopak lang ito ngayon. Baka may gusto lang itong ipagbili. Ngunit, naalala niya na hindi ganoon kahilig si Phoebe sa mga gamit o kung ano pa mang kagamitan na gusto nito. Napakasimpleng babae lang nito at satisfied na sa kung ano'ng meron. Napabuntong-hininga siya. Ba't hindi niya naisip iyon?
Dinala ni Neil si Phoebe sa isang Korean Restaurant. Nag-order lamang sila ng dalawang order ng large size bowl na ramen at dalawang order ng kimchi. Sinubukan na rin ni Neil na mag-samgyupsal silang dalawa para masubukan naman ni Phoebe ang ganitong klaseng pagkain.
Noong una ay naguguluhan si Phoebe kung paano siya gagamit ng chopstick. Buong buhay niya ay nakakutsara't tinidor siya kapag kumakain. Natatawa na lang si Neil habang nakikita niya si Phoebe na hindi marunong gumamit ng chopstick. Wala na rin siyang nagawa kundi turuan ito. Mabuti na lang at fast learner ang nobya. Mabilis itong matuto. 'Yon nga lang, hindi pa talaga ito sanay.
Habang kumakain sila ng ramen ay niluluto naman ni Neil ang mga maninipis na karneng baboy sa isang maliit na barbeque grill. Pumapagitna ito sa kanilang dalawa at sobrang naa-amazed si Phoebe habang pinapanuod niya ang ginagawa ni Neil.
"Samgyupsal ang tawag rito," narinig niyang sabi ni Neil sa kanya. Napapalakpak naman siya. Sobrang bango pa ng karne habang niluluto. Inaamin ni Phoebe na minsan na rin niya nakita ang ganito. Napapanuod niya kasi ang samgyupsal na tinutukoy ni Neil sa mga palabas na napapanuod niya sa cell phone ni Eunice. Hindi niya alam na best experience pala ang mag-samgyupsal.
Jusko! Saan ba akong kuweba galing at bakit hindi ko alam ang ganito!?
Matapos nilang kumain sa restaurant na iyon ay napagpasyahan ni Neil na maglibot sa mall.
Ilang oras din silang naglilibot at nang mapatingin si Neil sa kanyang suot na relo ay nakita niyang maga-alas kuwatro na pala ng hapon. Maaga pa ito para sa kanya dahil balak niyang dalhin si Phoebe sa isang fancy restaurant mamayang gabi.
Nananakit naman ang mga paa ni Phoebe sa kakalakad kaya napagdesisyunan nilang magpahinga muna. Pinaupo naman siya ng binata sa bakanteng upuan at nagpaalam pa ito sa kanya.
"Alis muna ako, ah. May bibilhin lang ako."
"Ha?"
"Mabilis lang. Basta 'wag kang aalis diyan, okay."
Tumango na lang si Phoebe at hinayaan na umalis si Neil. Habang naghihintay si Phoebe sa binata, patingin-tingin naman siya sa mga taong naglalakad kahit saan. Hanggang sa mabalingan niya ng tingin ang isang t-shirt shop. Napaayos siya ng upo nang biglang may mapansin siyang napakapamilyar na mukha.
Napatayo tuloy siya at kunot-noong lumapit sa shop na iyon. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa isang saleslady na busy na nakikipag-usap sa mga costumer.
Nang makalapit siya, biglang naibuka niya ang kanyang bibig sa nakita. At ibinanggit ang pangalan ng babaeng iyon.
"Dana!?"
Saktong napalingon ang saleslady na iyon sa kanya at gulat na gulat ang mukha nito nang makita rin siya.
"P-Phoebe!?" nanginginig ang labing tugon ni Dana.
Walang salitang binitawan si Phoebe sa kaharap. Halos nabalutan ang kanyang katawan ng galit nang maalala niya ang ginawa nito sa kanya. Niloko siya nito. Pinaasa. Iniwan sa ere. Sino ba ang hindi magagalit kung ang kaisa-isa niyang kaibigan ay nagawa siyang lokohin nito noon?
Gustong saktan ni Phoebe si Dana habang kaharap niya ito. Subalit hindi niya talaga kayang manakit ng tao kahit pa na malaki ang kasalanan ang nagawa nito sa kanya. May malambot kasi siyang puso at sobrang naaawa siya kapag sinaktan niya ito.
Napailing na lang siya at napag-isipang umalis sa kanyang kinatatayuan. But Dana called her once at muli siyang napatingin sa dating kaibigan.
"Phoebe... s-sorry," naiiyak na sabi ni Dana sa kanya.
"Sorry? Sa ginawa mong pang-iiwan sa akin sa ere noon, sorry ang unang maririnig ko sa bibig mo?" may halong galit at sama ng loob na sagot niya kay Dana.
Napatungo tuloy ng ulo si Dana dahil sa kahihiyan. Naiilang din siya sa tuwing makikita niya ang mata ni Phoebe na parang mangangain na ng buhay. Nakararamdam din siya ng guilt sa kanyang ginawa. Nagawa lang naman niya iyon dahil may pangangailangan siya sa buhay.
Sinubukan ni Dana na lumapit kay Phoebe upang kausapin ito. Tuluyan ng tumulo ang luha niya kahit hindi pa siya nagsasalita.
"Nangangailangan kasi ako ng pera noon, Phoebe. Nagtanan kasi kami ni Edward. Nalaman ni Tita Josephine na may boyfriend ako kaya niya ako pinapabalik sa Leyte. Baka raw kasi masayang ang pera na gagastuhin niya sa pag-aaral ko kapag inuna ko ang pagbo-boyfriend. 'Yon nga lang, sinundan ako ni Edward sa Leyte at napilitan akong sumama sa kanya. Nalaman ko na nangangailangan ka ng trabaho kaya nagawa kong lokohin ka. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, Phoebe. Sobrang mahal na mahal ko si Edward. Hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko. Kaya nga naiiyak ako noong pinapabalik ako ni Tita Josephine sa Leyte at baka hindi ko na siya makita.
"Binalibad ko rin si mama. Hindi ako nakinig sa kanya. Kaya, heto, para akong nakarma ngayon sa buhay ko. Akala ko magiging masaya kami ni Edward pero hindi pala. Iniwan niya ako. Niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa ibang babae. Nagtatrabaho ako ngayon dahil nag-iipon akong pamasahe para makauwi sa Leyte. Gusto kong humingi ng tawad kay mama sa mga nagawang kasalanan ko. Sana ikaw rin. Sana patawarin mo rin ako, Phoebe," humahagulhol sa iyak na pagpapaliwanag ni Dana sa kanya.
Hindi na rin napigilan ni Phoebe ang kanyang damdamin. Napaiyak na rin siya. Naikuyom na rin niya ang kanyang kamao dahil sa galit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Pero naaawa siya sa kaibigan habang pinapakinggan niya ang hinanaing nito. Hindi niya alam na ganoon pala ang pinagdaanan nito kaya siya nito niloko.
"Kung sinabi mo na lang sa akin ang totoo na nangangailangan ka ng pera, eh, di sana hindi aabot ito sa ganito," nasabi na lamang ni Phoebe. Pinapahid niya ang kanyang luha ngunit patuloy pa rin ito sa pag-agos.
"Kaya nga humihingi ako ng tawad sa iyo ngayon. Alam kong mali ang nagawa ko. Sorry. Nagkamali rin ako ng desisyon sa buhay. Hindi ka sana naligaw rito sa Maynila matapos kitang hindi sipotin. Nakukunsensya ako sa ginawa ko sa iyo, Phoebe. Sana mapatawad mo pa ako."
Napailing siya. "Kalimutan mo na 'yon. Matagal na kitang napatawad."
Biglang nagliwanag ang mukha ni Dana ng sabihin ni Phoebe iyon. Hindi siya nagsalita at hinintay niya lang na ipagpatuloy ni Phoebe ang sasabihin. "Pero nagpapasalamat din ako sa iyo. Dahil kung hindi mo ko sinipot noong araw na iyon, hindi ko rin makikita ang sarili ko ngayon. Sana maging maayos ang relasyon niyo ni Tita Agnes. Umuwi ka sa Leyte at naniniwala ako na mapapatawad ka ng mama mo," sabi na lamang ni Phoebe sa dating kaibigan.
"Thank you, Phoebe. Thank you!" naiiyak sa tuwa si Dana at mabilis niyang niyakap ng mahigpit si Phoebe. Hindi na rin napigilan ni Phoebe na yakapin ang dating kaibigan. Kahit malaki man ang naging kasalanan nito sa kanya, ayaw pa rin niya na maging mapait ang relasyon nilang dalawa ni Dana bilang magkaibigan. Simula't sapul na nag-aral siya ng high school ay si Dana na ang naging kasama niya. Hindi niya kayang magalit dito at hindi niya kayang saktan ito. Sa pagkakataong ito, naliwanagan na ang puso ni Phoebe. Parang nabunutan siya ng tinik. Parang nawala ang lahat na sakit na ginawa nito sa kanya noon.
Nang kumalas sa pagkakayakap si Dana, pinahid ni Phoebe ang luha nito. "'Wag ka ng umiyak. Masisira 'yang make up mo. Magiging panda ka niyan, sige ka."
Napatawa tuloy si Dana sa isinaad niya. At saka niya dahan-dahan pinahid ang kanyang luha.
Napalingon na lang si Phoebe sa kanyang likuran nang tawagin siya ni Neil. Nagtataka pa ito kung sino ang kausap niya. Muli siyang humarap kay Dana at nagsalita.
"Alis na ako."
Ngumiti lang si Dana sa kanya at kaagad na lumapit si Phoebe kay Neil. Bago pa man makaalis ang dalawa, muling tinawag ni Dana si Phoebe. Lumingon naman ito sa kanya.
"See you soon," sabi pa niya at kumaway siya rito upang magpaalam. Ganun na lamang ang kanyang kasiyahan sa dibdib nang makita niyang ngumiti si Phoebe sa kanya at kinawayan din siya ng pabalik. Sa wakas, nawala na rin ang kanyang pag-aalala kay Phoebe.
***
PASADO ALAS-siyete ng gabi ay dinala na nga ni Neil si Phoebe sa isang fancy restaurant na kanina pa niya pina-reserved para sa kanilang dalawa ng nobya. Sobrang nagagalak ang puso ni Phoebe nang makita ang samo't saring palamuti na naka-display sa isang lamesa. Napapalibutan iyon ng mga kandila at red petals ng rosas. May tatlong waiter din ang nakaabang doon upang asikasuhin sila. Bukod doon, mas sobrang nagagandahan din si Phoebe sa overlooked ng ka-Maynilaan dahil nasa rooftop mismo sila ng isang five-star hotel.
Namumula tuloy ang pisngi niya sa pinaggagawa ni Neil. Parang nawala naman bigla 'yong dinaramdam niyang pag-alala.
"Ano'ng meron ngayon?" naitanong bigla ni Phoebe ng iginiya siya ng nobyo papunta sa center table.
"Ice-celebrate lang natin ang birthday mo."
"Ha?" gulat niyang tanong kay Neil. "Pero tapos na ang birthday ko." Napaupo siya sa isang upuan na gawa sa bakal ng hilain iyon ni Neil.
"Tapos na nga. But for me, hindi pa. 'Di ba sabi ko sa iyo, babawi ako. Kaya, heto, para sa iyo itong lahat."
Nata-touched ang puso ni Phoebe sa ka-sweetan ni Neil sa kanya. Mukhang 'di na niya napigilan ang sarili na kiligin sa kanyang kinauupuan. Baka nga mangisay na siya dahil sa sobrang kilig. Tumataas na rin ang balahibo niya hindi dahil sa malamig ang lugar doon kundi dahil iba ang pakiramdam niyang tuwa.
Nang makapuwesto na silang dalawa, inutusan naman ni Neil ang isang waiter na dalhin na ang mga pagkain sa lamesa. Sobrang dami niyon at mukhang natatakam na si Phoebe na matikman ang mga iyon. At siyempre, namangha siya ng makita ang sobrang pamilyar na pagkain para sa kanya. Naisambit niya iyon.
"Chicken pop."
"Pinaluto ko talaga iyan dito," sabi pa ni Neil sa kanya.
Napapangiti na lang si Phoebe at sinimulan na nilang kumain dalawa.
Maya-maya pa ay nagsalita si Neil sa kalagitnaan sa kanilang pagkain. "Wait. Muntik ko ng makalimutan. May regalo nga pala ako sa iyo."
"Talaga?"
"Oo. Hindi 'yan mawawala kasi birthday mo."
May kinuha lang na isang kahon si Neil sa ilalim ng upuan at saka niya ibinigay iyon sa dalaga. Tinanggap naman ni Phoebe ang regalong iyon.
"Ano 'to?"
"Buksan mo."
Dali-daling binuksan ni Phoebe ang box at nakita niya ang isang brand new cell phone sa loob nito. Naiiyak tuloy siya sa regalo ng binata.
"Hala! Bakit mo ako niregaluhan ng ganto? Dapat hindi ka na nag-abala pa."
"Don't worry. Gusto ko talagang regaluhan ka ng cell phone noon pa dahil sa pagkakaalam ko ay wala ka niyan. Gusto ko kasing matawagan ka in case na malayo ako sa iyo. Para naman makamusta kita, 'di ba."
"Wow!" mangha pa niyang sabi habang pinagmamasdan ang cell phone na iyon. Saka naman niya muling binalingan ng tingin si Neil. "Salamat."
"Hindi pa iyan. May regalo pa ako sa iyo."
"Ows! Di nga!?"
"Oo. Meron pa."
Napatayo si Neil sa pagkakaupo at lakas loob na lumapit sa nobya dahil nakararamdam siya ng kaba.
"Phoebe, alam kong medyo mabilis lang ako sa iyo. Pero sobra ko itong pinag-isipan noon pa man na naging tayo kasi gusto ko na maging masaya tayong dalawa balang-araw. At dahil sobrang mahal na mahal kita, ayoko na mawala ka pa sa akin."
Inilabas ni Neil sa kanyang bulsa ang isang parihabang box na kulay pula. Walang ideya si Phoebe kung ano ang laman niyon. Nang makita niyang lumuhod si Neil sa kanya, bigla siyang kinabahan.
Binuksan ni Neil ang takip ng kahon. Tumambad sa harapan ni Phoebe ang isang mamahaling kuwintas na may pendant na heart shape. Sa hitsura pa lang ng kuwintas ay masasabi ni Phoebe na mahal iyon dahil napapalibutan ang heart shape ng mga mamahalin at malilit na diyamente upang maging maganda at kaakit-akit tingnan.
"Kuwento ni Mama sa akin, binigyan daw siya ni Papa ng kuwintas noon. Simbolo raw ito ng pagmamahal ni papa bago ito sumakay ng barko para magtrabaho. Kaya ngayong gabi, gusto ko rin maging katulad ng ama ko sa iyo, Phoebe. Gusto kong iparamdam sa iyo na mahal kita. Gusto ko na maging simbolo rin ang kuwintas na ito ng pagmamahal na gusto kong iaalay sa iyo habang buhay," sobrang genuine na wika ni Neil. Tuluyan na yatang naluha si Phoebe nang dahil sa saya na nadarama.
"Phoebe, hindi ako nagsisisi na nakilala kita. At hinding-hindi ako magsisisi na mahalin ka pa habang buhay. Gusto ko lang sanang magtanong sa iyo ngayon." Muling huminto ng ilang segundo si Neil bago nagsalita. "Phoebe, will you be my wife? Will you marry me?"
Napatakip na lang si Phoebe ng kanyang bibig nang makitang nagpo-propose sa kanya ang nobyo. Naiiyak siya sa galak. Hindi niya mapigilan ang tuwang nadarama sa kanyang puso.
Hindi na rin siya nagdalawang-isip sa sagot niya. Tumango siya. Gusto rin niyang pakasalan ito. Gusto niyang maging asawa ni Neil.
Sabay silang napatayo sa kani-kanilang puwesto. Mahigpit na niyakap ni Phoebe si Neil at binigyan ito ng isang mainit at matamis na halik sa labi.
"I love you," tugon ni Neil sa kanya. "Please promise me na huwag mo akong iiwan."
"Pinapangako ko sa iyo iyan. I love you," sagot ni Phoebe. At muli nilang nilasap ang tamis ng pag-ibig sa isa't isa.
Sa isang banda, hindi kalayuan sa puwesto ng magkasintahan, hindi alam nina Phoebe at Neil na may isang tao na kanina pa nagmamasid at sinusundan silang dalawa. Nang makita nito na sobrang saya ng dalawa, halos madurog ang kanyang puso dahil sa galit at selos. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao at nagbitaw ng salita.
Hindi ako makakapayag na maging masaya kayo, Neil. Gagawin ko pa rin ang lahat para maging akin kang muli, naisaad na lamang ni Sofia at tahimik na umalis siya sa lugar na iyon.