ISA SA pinakamagandang nangyari sa buhay ni Phoebe ay nang maging boyfriend niya si Neil. Dalawang linggo na rin ang nakalipas magmula ng aminin nila na mahal nila ang isa't isa, at sa loob ng dalawang linggong iyon ay nananatiling masaya silang dalawa.
Buong akala ni Phoebe ay hindi na magbabago si Neil. Laking gulat niya nang mapansing masaya ang binata sa kanya. Hindi na ito nagsusungit at hindi na rin ito laging moody. Tila parang nawala ang dating personality nito noong unang nagkita sila. Laging nakangiti ito sa tuwing magkasama sila.
Wala na yatang hinihiling na kahit ano pa si Phoebe dahil lahat na nangyayari sa kanyang buhay ay sobrang satisfied na siya. Neil had been always sweet on her. Lagi siya nitong binabanatan ng mga sweet messages sa tuwing magkatabi silang matulog sa gabi. Lagi siya nitong kinakantahan para lang maging masaya siya kahit pa hindi ito kagalingan kumanta. At hindi mawawala sa kanilang dalawa na pagsaluhin ang pagmamahal na gusto nilang ialay sa isa't isa. Every night, they've always made love. Hindi nila pinapalampas ang ganitong experience sa buhay bilang magnobyo't nobya.
Siyempre, nag-aalalangan din si Phoebe sa kung ano ang ikabubunga ng lahat. Natatakot siya sa posibleng mangyari. Hindi naman niya kayang tanggihan ang binata dahil kapag ginagawa nila ito ay nararamdaman niya kung gaano siya kamahal ni Neil. She intended to make love with him kasi mahal niya rin ito at gusto niya ring patunayan sa binata na kaya niyang ibigay ang lahat upang maging masaya ito. Katulad nga ng nasabi niya noon, handa ang puso niya para kay Neil.
Sa loob ng dalawang linggo ay nananatiling sikreto ang relasyon nina Neil at Phoebe kay Salud. Seryosong kinakausap ni Phoebe ang nobyo upang tanungin kung kailan nito sasabihin sa ina ang relasyon nilang dalawa. Bagkus, laging sinasabihan lang siya ng binata na huwag mag-alala dahil ito na raw ang bahala. Kahit hindi pa inaamin ni Neil sa ina nito ang lahat, malakas ang pananalig ni Phoebe na hindi sana magalit si Salud sa kanya. Ikinababahala rin niya ito. Baka kasi kung malaman ni Salud ang relasyon nilang dalawa, baka magalit o tumutol ito. Ang tanong—kaya ba siyang ipaglaban ni Neil kung sakaling tutol ang ina nito sa kanya?
Naliwanagan na rin sa wakas si Phoebe ng i-kuwento lahat ni Neil sa kanya kung paano ito niloko ni Sofia. Simula nang magkakilala ang dalawa, hanggang sa maghiwalay ang mga ito. Naghahalo ang emosyon ni Phoebe nang i-kuwento ni Neil iyon. Nagpapasalamat naman sa kanya si Neil dahil kung hindi raw siya dumating sa buhay ng binata ay baka nananatiling nakakulong pa rin ito sa pagiging tanga kay Sofia.
Biyernes ng umaga ay maagang nagising si Phoebe. Binigyan niya muna ng halik sa labi ang nobyo bago siya bumangon at nagbihis ng damit. Nananatiling tulog-mantika ito ng iwan niya sa kuwarto. Kailangan niya kasing magluto ng maaga dahil maaga rin ang kanilang pasok sa eskwela. Naligo muna siya bago siya naghanda ng breakfast.
Habang nagluluto siya ay sakto namang naalimpungatang lumabas si Neil ng kuwarto. Wala itong suot na pang-itaas na damit at nakapajama lang ito. Lumapit ang nobyo sa kanya at binigyan siya nito ng back hug, sabay halik sa kaliwang pisngi niya. Nagulat naman s'ya sa ginawa ni Neil sa kanya.
"Good morning," inaantok pa nitong bati kay Phoebe.
Mabilis na binalingan lang ni Phoebe ang katipan at sabay na napatingin ulit siya sa kanyang nilulutong pan cake. "Good morning," sambit pa niya rito.
"Naligo ka na?" tanong sa kanya ni Neil. Tumango naman siya bilang sagot.
"Oo. Tapos na. Maligo ka na rin at amoy kama ka," pagbibiro niya.
Ngunit parang wala yatang balak si Neil na kumalas sa pagkakayakap kay Phoebe. Nananatiling nasa likuran lang siya ng dalaga at patuloy na hinahalikan ang leeg niya.
Nakikiliti naman si Phoebe sa ginagawa ni Neil. "Hoy! Tama na 'yan. Maligo ka na."
Tumigil naman si Neil sa ginagawa niya at pinagmasdan si Phoebe. "I love you," sweet na pagkakasabi niya rito. Humarap ulit si Phoebe at ngumiti ng sobrang tamis.
"I love you, too," Phoebe responded at sabay tapik niya sa kamay ng binata na nananatiling nakayakap sa kanyang tiyan. "Kaya umalis ka na at pumunta ka na doon sa CR. Kakain na tayo pagkatapos mong maligo."
Kaagad namang ikinalas ni Neil ang pagkakayakap niya at dali-daling tumungo sa CR, dala-dala ang isang tuwalya.
Saktong paglabas ni Neil ng CR ay nakahanda na ang kanilang pagkain sa lamesa. Sabay silang kumain matapos niyang magbihis ng damit.
Hindi nawawala sa kanilang dalawa ang usapan sa hapag-kainan.
"Siya nga pala, nakalimutan kong sabihin sa iyo na uuwi tayo mamayang hapon sa Maynila. Tutal wala rin namang pasok bukas, eh."
Biglang kinabahan si Phoebe. "Uuwi tayo?"
Tumango si Neil. "Oo. Bakit? May problema ba?"
Wala namang issue para kay Phoebe kung uuwi sila sa bahay ng ina nito. Ang ikinababahala lang niya ay kung ano ang magiging reaksyon ni Salud sa kanya kapag malaman nito na boyfriend na niya ang anak.
"Hindi mo pa ba nasasabi kay Tita Salud ang tungkol sa ating dalawa?"
Uminom muna si Neil ng tubig bago nagsalita. "Yes, I did. Kahapon lang."
Mas umusbong pa sa kanyang dibdib ang kaba. Napansin naman iyon ni Neil kaya hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "Hey, don't worry."
"P-Paano ako magiging okay? Baka galit si Tita Salud sa akin dahil boyfriend kita. Baka tutol siya sa relasyon natin," naghihisterikal niyang tugon kay Neil. Pinakalma naman siya ng nobyo.
"Hey, hey, hey, hindi galit si mama kung 'yan ang inaakala mo."
Natigilan si Phoebe at kunot-noong tumingin kay Neil. "Talaga?" May halong tuwa sa kanyang boses.
Tumango si Neil. "Yes. Besides... she's happy. Kaya nga niya tayo pinapauwi sa Maynila mamaya dahil may inihanda siya dinner party para sa ating dalawa. Kaya don't worry. Magugustuhan ka ni mama para sa akin. Trust me, okay."
Wala na ring nagawa si Phoebe kundi tumango. Bahala na kung ano'ng mangyari mamaya.
Matapos nilang kumain ay mabilis na silang naghanda sa kanilang susuotin na uniporme. Sabay silang dalawa na lumabas ng bahay upang makapunta na ulit sa eskwelahan.
***
KAKARATING lang nila Phoebe at Neil sa eskwelahan. Sabay silang pumasok sa gate at pinagpasyahan ni Neil na ihatid ang nobya sa classroom nito.
Habang papalakad sila sa isang hallway, biglang may isang boses ang tumawag kay Phoebe. Napalingon naman silang dalawa sa likuran at nakita si Tommy na hingal na hingal sa kanilang harapan.
Tila biglang nagalit ulit si Neil kay Tommy nang makita ito. "Ano'ng ginagawa mo rito!?"
Subalit mabilis na inawat siya ni Phoebe at tiningnan ng masama. "Please, Neil. Huwag. Mag-uusap muna kami ni Tommy, okay. Hintayin mo na lang muna ako roon sa may bench."
Mabuti na lang at hindi na nakipagtalo si Neil sa kanya. Kusa na lang itong sumunod sa utos ni Phoebe at saka ito naglakad papalayo sa dalawa.
"Tommy, ano'ng kailangan mo?" tanong ni Phoebe sa kaharap. Nakikita pa ni Phoebe kung paano napuruhan ang mukha ni Tommy dahil sa suntok na natamo nito kay Neil noong nakaraang linggo. Hindi pa ito gumagaling hanggang ngayon.
"Gusto ko lang mag-sorry sa iyo sa nangyaring gulo sa amin ni Neil. I hope you will forgive me."
Napabuga siya ng malakas ng hangin at ngumiti. "Bakit ka naman nagso-sorry sa akin? 'Di mo naman kasalanan. Tsaka nadala lang kayong dalawa sa galit. Kalimutan na lang natin 'yong nangyari. Tapos na iyon, eh."
Napangiti si Tommy. "Yeah, I agree. Pero ikaw? Kumusta ka na nga pala? Parang nakikita ko na masaya ka, ah."
Tumango si Phoebe. "Okay na ako, Tommy. Salamat sa pag-comfort mo sa akin no'ng birthday ko, ah. Pinasaya mo ako. Napaamin pa tuloy ako sa iyo ng mga sikreto ko. Nakakahiya."
"Wala 'yon. Tsaka nandito lang ako para sa iyo. Deserve mo kasing maging masaya," sagot ni Tommy. "At mukhang masaya ka na yata sa kanya."
Napatingin si Tommy sa kinauupuan ni Neil. Tinutukoy niya kasi ito. Napatingin din naman si Phoebe kay Neil at muling ibinaling ang sarili kay Tommy. "Alam mo namang mahal ko siya, ‘di ba. At sobrang saya ko dahil boyfriend ko na siya."
"Me too. Masaya ako dahil... m-masaya ka."
Natawa si Phoebe sa sinabi nito. Wala na yatang masabi ang binata sa kanya.
"Pero nandito lang ako, Phoebe. I will be your friend forever. Basta sabihan mo lang ako kapag sinaktan ka ng ungas na iyan. Gagawin ko ang lahat para mabawi ka sa kanya."
Muling tumango si Phoebe. "Sana hindi niya ako saktan. Para naman hindi na madagdagan 'yang pasa sa mukha mo kapag nakipag-away ka ulit sa kanya."
Hindi nagsalita si Tommy sa kanya, bagkus ay ikinangisi niya lang ang sinabi nito.
"So, mukhang hanggang dito na lang muna tayo ngayon. Good luck, Phoebe. Good luck sa inyong dalawa."
Inilahad ni Tommy ang isa niyang kamay para makipag-shake hands sa dalaga. Nalilitong inabot naman ni Phoebe iyon at nakipagkamay ng tuluyan kay Tommy. Afterwards, nagulat siya ng bigla siyang hilain ni Tommy at binigyan ng mahigpit na yakap.
"Kung ako lang talaga sana ang nakakita sa iyo noong wala kang malay sa kalsada, eh, 'di sana ako ang nasa posisyon ngayon ni Neil. Eh 'di sana ako 'yong boyfriend mo ngayon."
Naalala tuloy ni Phoebe noong minsang dinala siya ni Tommy sa isang lugar na hindi na niya matandaan kung saan iyon. Kaarawan niya iyon at may inamin si Tommy sa kanya matapos niyang aminin dito na mahal niya si Neil.
Tommy absolutely liked her. Matapang na inamin niya iyon sa dalaga isang gabi. Magmula ng magkakilala sila ni Phoebe ay mabilis namang nahulog ang puso niya rito. Hindi dahil sa nahulog siya sa kagandahan nito kundi dahil sa personality nito.
Oo. Totoo ang mga paratang sa kanya ni Neil. Babaero siya. Playboy. Cassanova. But he set aside that deeds magmula ng makilala niya si Phoebe. As what he said before, ibang-iba si Phoebe sa mga babaeng nakilala niya. That Phoebe's personality made her heart changed and fell in love for the first time. At ngayon, sobrang nasasaktan siya dahil hindi maganda ang wakas nilang dalawa.
Subalit, gusto niyang maging masaya si Phoebe kung saan man ito sasaya. Kaya kailangan niyang magpaubaya dahil ito ang nararapat. As time goes by, naniniwala siya na balang araw ay may isang babaeng katulad din ni Phoebe ang muling makakabihag ng kanyang puso. Iisipin na lang ni Tommy na isa siya sa mga taong nabiktima ng pinagtagpo ngunit hindi itinadhana na sitwasyon. Masakit man tanggapin para sa kanya ang lahat, susubukan pa rin niyang alisin ito sa kanyang puso.
Napayakap na lang din ng tuluyan si Phoebe dahil alam niyang kailangan niyang bigyan ng lakas ng loob si Tommy. Nang aminin ng binata sa kanya ang pagmamahal na gustong ialay nito, tumanggi siya. At ngayon, nakararamdam tuloy siya ng guilt sa sarili.
Mga ilang saglit pa ay biglang naputol ang kanilang pagyayakapan ng biglang itulak ni Neil si Tommy.
"Tama na! Sobra na 'yang ginagawa mo sa girlfriend ko!" nagseselos na tugon ni Neil dito. Hindi naman nagsalita si Tommy sa ginawa nito.
Mabilis na hinawakan ni Neil ang kamay ni Phoebe at sabay na umalis sila sa lugar na iyon. Habang papalayo silang dalawa, hindi naiwasan ni Phoebe na balingan ng tingin si Tommy. Nakita pa niyang nananatiling nakatayo ito sa mismong kinatatayuan nito habang nakangiti sa kanya. Binigyan ni Phoebe ng kaway si Tommy, at ganun din ito sa kanya.
Iisipin na lang siguro ni Phoebe na sana okay lang si Tommy ngayon. Naniniwala din siya na makakaya ni Tommy na makalimutan siya balang-araw.
***
MASIGLANG sinalubong sina Neil at Phoebe ni Salud nang makarating ito sa Maynila nang gabing iyon. Halos hindi na mabura sa mukha ng ginang ang saya nang makita niyang magkahawak-kamay ang dalawa papalapit sa kanya.
"Phoebe," masayang bati niya sa dalaga at binigyan niya ito ng isang mahigpit na yakap. Nang kumalas siya ay kitang-kita ni Salud kung paano nangangamba ang mukha nito sa kanyang harapan.
"Tita Salud, gusto ko pong humingi ng sorr—"
Itinaas ni Salud ang kanyang kamay upang patigilin ito sa pagsasalita. "Huwag kang humingi ng sorry sa akin. Hindi ako galit sa iyo. Sa katunayan nga ay napakasaya ko dahil ikaw ang girlfriend ng anak."
"H-Hindi ka po galit sa akin, Tita Salud?"
Umiling siya. "Hindi. Ba't naman ako magagalit?" Matapos niyang kausapin si Phoebe ay dumako naman ang tingin niya sa kanyang anak. Kaagad niya itong sinalubong ng yakap at halik sa pisngi. "Congratulations to you, anak."
"Thanks, 'Ma," masayang sagot ni Neil sa ginang.
"Mamaya na tayo mag-usap. Mabuti pa ay pumasok muna tayo sa bahay. Naghanda ako ng dinner para sa ating lahat. Ice-celebrate natin ang relasyon ninyong dalawa."
Sabay-sabay naman silang pumasok sa loob. Pagkapasok nila ay sinalubong naman sila ni Kenneth na sobrang tuwang-tuwa. Marahil ay nalaman na rin nito ang totoo.
"Pareng Neil is in the house!!!!" masiglang sigaw ni Kenneth sa kababata niyang si Neil na sinabayan naman ito ng malakas na pagtawa. Nilapitan ito ni Neil at nakipag-fist bomb habang nagtatawanan.
"Siya nga pala, meet my girlfriend—Phoebe," pagpapakilala pa ni Neil sa kanya sa harapan ni Kenneth.
"Nice to meet you, my lady," formal pang bati ni Kenneth kay Phoebe at sinabayan pa nito ng pag-bow sa huli.
"Tse! Pinagsasabi mo diyan!? 'Di na kailangan 'no. Kilala na kita!" sambit ni Phoebe nang makita niya ang ginawa ni Kenneth sa kanyang harapan. Natatawa naman si Neil.
"Sungit ng girlfriend mo, Pareng Neil, ah!" panunukso pa ni Kenneth sa kanya ngunit 'di na lang niya pinansin iyon.
Nagpaalam na lang muna si Phoebe kay Neil dahil mukhang busy ito sa pakikipagkuwentuhan kay Kenneth. Napag-isipan na lang niya na pumunta sa kusina. Pagdating niya roon ay nakita naman niya si Tita Salud na busy sa pagluluto ng spaghetti sa isang kawali.
Dali-dali siyang lumapit dito upang tulungan ang ginang. "Tulungan ko na po kayo diyan, Tita Salud."
"Naku! 'Wag na. Ako na ang bahala rito," tugon sa kaniya ng ginang.
"Hindi po. Tutulungan ko po kayo. Nakakahiya naman kung papanuorin ko na lang po kayo diyan."
Nang mailagay ni Salud ang kawali sa lababo upang ihain ang spaghetti roon, tiningnan niya si Phoebe. "Oh, sige. Ikaw bahala, hija. Maghanda ka na lang ng mga plato sa lamesa at kakain na tayo."
"Sige po."
Sinunod naman ni Phoebe ang inutos ni Salud sa kanya. Maya-maya, kinausap na naman siya nito.
"Mabuti naman at sinagot mo si Neil. Natutuwa ako sa inyong dalawa."
Naihinto ni Phoebe ang pag-aayos ng plato sa lamesa at hinarap ang ginang. "Sana po hindi po kayo galit sa akin, Tita Salud."
"Bakit naman ako magagalit sa iyo, Phoebe? Hindi ako galit," nakangisi pa nitong saad sa kanya. "Wala ka talagang ideya, 'no?"
Biglang nagtaka si Phoebe sa sinabi nito. "Bakit po? Ano'ng meron?"
Bumuntong-hininga muna si Salud bago siya nagsalita. "Tingnan mo si Neil. Tingnan mo kung gaano siya kasaya ngayon," ani ni Salud.
Binalingan naman ng tingin ni Phoebe ang binata at nakita niya ito sa sala na masayang nakikipagtawanan at kuwentuhan kay Kenneth.
"Ngayon lang naging ganyang kasaya ang anak ko sa loob ng tatlong taon na naghiwalay sila ni Sofia. Naging ganyan 'yan dahil sa iyo."
"Po?" nagtatakang sambit niya.
"Hija, hindi ka ba nagtataka kung bakit kinuha kitang kasambahay rito noon, na kung puwede naman din kitang tulungan na makauwi sa inyo sa Leyte?"
Hindi siya nagsalita. Naguguluhan pa rin siya sa sinasabi ni Salud sa kanya.
"Kinupkop niyo po akong kasambahay dahil nangangailangan po ako ng trabaho?"
"Sort of. Pero alam mo ba ang dahilan kung bakit kinuha kitang kasambahay talaga?"
Umiling siya. "Hindi po."
"Kasi gusto kong paglipitin kayo ng anak ko."
Gulat na gulat naman siya sa sinabi nito. "T-Talaga po?" hindi makapaniwalang tugon niya kay Salud.
Tumango naman ang ginang sa kanyang bilang pagsang-ayon. "I know it's too risk to do that. Iniisip ko rin na nahihibang na ako. But for the sake of my son, gusto ko siyang magbago at magmahal ulit. Nalulungkot kasi ako na nakikita siyang nasasaktan sa tuwing nag-iisa siya. Hindi siya maka-move on kay Sofia at nakababahala na dahil tatlong taon na ang nakalilipas matapos silang maghiwalay. Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan upang magmahal siyang muli. Para maging masaya siya ulit.
"Phoebe, hindi mo ba naaalala noong unang pinagluto ka ni Neil ng ulam? Ako ang nagsabi sa kanya ng ideya na iyan upang pasalamatan ka sa pagliligtas mo sa kanya noon. Hindi mo rin ba naaalala noong sinabi ko sa iyo na pag-aaralin kita dahil sabi nga ng anak ko? Ang totoo niyan, ginawa ko lang talagang dahilan si Neil para hindi ka tumanggi. Alam ko kasing tatanggi ka sa kagustuhan kong mag-aral kang muli kasi nahihiya ka na sa akin. Ginawa ko lang din iyon dahil naisip ko na magkakalapit pa kayong dalawa kapag nasa Cavite kayo. At hindi ako nagkakamali dahil nagbunga nga ang ideya ko."
Halos hindi makagalaw si Phoebe sa kanyang kinatatayuan. Napapatulala siya. Kaya pala no'ng isang araw na pumunta sila sa Cavite ni Neil upang magpa-enroll ay nagtataka siya kung bakit galit na galit ang binata sa ina dahil ginawa raw siya nitong dahilan para pag-aralin siya ni Salud. Isa rin pala iyon sa mga plano ni Salud para paglipitin sila ni Neil. Kahit minsan ay hindi niya naisip iyon.
Nakita ni Phoebe na hinarap siya ni Salud. Hinawakan pa nito ang magkabilang kamay niya. "Phoebe, hija, nagpapasalamat ako sa iyo dahil binago mo ang anak ko. Utang ko ang loob ko sa iyo. Maraming salamat dahil minahal mo si Neil. At gusto ko sanang ipagpatuloy mo pang mahalin ang anak ko hanggang sa makakaya mo."
Naluluha tuloy si Phoebe. 'Di na niya napigilan ang sarili at napaluha na siya sa harapan ng ginang. "Sobrang mahal ko po si Neil, Tita Salud. Nangangako po ako sa inyo na hindi ko po siya sasaktan. Mamahalin ko po siya habang buhay."
"'Wag mong sabihin iyan sa akin. Sabihin mo iyan kay Neil. I think magiging masaya pa siya lalo kapag narinig niya iyan mismo sa iyong bibig."
"Salamat po ulit, Tita Salud."
"Don't call me 'Tita', hija. From now on, you can call me 'mama'."
Tumango si Phoebe at naramdaman niyang pinahid ni Salud ang luha na tumulo sa kanyang luha. "Yes po... Mama."
"Oh siya, tawagin mo na 'yong dalawa para makakain na tayo."
Tumatalon ang puso niya sa tuwa. Iba ang pakiramdam ni Phoebe ngayon. Parang nabubuhayan siya ng loob. Hindi siya makapaniwala na si Salud pala ang naging tulay upang makilala pa niya ng lubusan si Neil. At para sa kanya, hindi siya nagsisisi na nahulog ang loob niya rito.