Chapter 17

2589 Words
MABILIS na inawat ni Phoebe ang dalawa. "Neil! Tama na! Tama na sabi, eh!" mangiyak-ngiyak niyang sigaw habang hinihila niya ang damit nito upang itigil ang pakikipag-away kay Tommy. Ngunit parang bingi yata ang binata. Patuloy pa rin ito sa pakikipagbugbugan kay Tommy. Halos napupuruhan na ang dalawa dahil hindi na rin napigilan pa ni Tommy na lumaban kay Neil. "Sabing tama na sabi, eh! Hindi ka ba makaintindi, ah!" Napasigaw na ng malakas si Phoebe kay Neil nang pumagitna siya sa dalawa. Malakas na naitulak din niya ito. Hindi puwedeng tumayo na lang siya at panuorin ang dalawa. Kailangan niyang kumilos at awatin ang mga ito. Bukod sa namumublema si Phoebe kung paano patitigilan ang dalawa sa pakikipagsuntukan, nababahala na rin siya dahil nagsisilabasan na rin ang mga kapit-bahay nila upang makiisyoso. "T*ngna mo, ah! Hindi ka ba marunong makinig sa akin!? Sinabihan na kita dati na layuan mo si Phoebe! Ano'ng ginawa mo!? Nilapitan mo pa rin siya! Umiinit na talaga ang ulo ko sa iyong hayop ka!" Susugod sana ulit si Neil para bigyan niya ng suntok si Tommy. Mabuti na lang at mabilis naman siyang inawat ni Phoebe. "Please, Neil! Tama na!" "Eh g*go ka pala, eh! Kung iba ang iniisip mo sa tungkol sa akin, puwes, nagkakamali ka! Bakit ko naman siya lolokohin!? Hindi ko kayang lokohin si Phoebe dahil iba siya sa mga babaeng nakilala ko! Nagpadala ka naman sa mga sinabi ko sa iyo noon! Ang tanga mo rin, ano!?" namumula na ang mukha na sigaw naman ni Tommy kay Neil. Dinuduro-duro pa niya ito. "Ul*l! Meron pa bang tao ang kayang maniwala sa mga pinagsasabi mo!? Kahit magmaang-maangan ka pa sa akin, hindi pa rin kita paniniwalaan. Dahil simula't sapul ay alam ko ang baho mo! Babaero ka! Lahat ng babaeng tinitipuhan mo ay sinasaktan mo! Wala kang pinipili, g*go ka! Tapos si Phoebe na naman ang tirada mo ngayon! Ano pa nga ba ang ginagawa ko!? Pinoprotektahan ko lang siya sa marumi mong kamay!! Dahil alam kong hindi siya sasaya sa 'yo!" Muling kumilos si Neil upang sugurin niya si Tommy. Nakayapos naman si Phoebe sa katawan ng binata dahil ayaw niyang nakikipagsuntukan ito kay Tommy. Nagkakagulo lang ang lahat! "Please, Neil, tama na kasi!" naiiyak na tugon ni Phoebe rito ngunit parang hindi yata naririnig ito ng binata. "Talaga lang!?" matigas na napasagitsit si Tommy na may halong pangungutya. "Bakit ko nga ba kasama si Phoebe ngayon!? Sige nga, isipin mo ngang mabuti! Bakit ko siya kasama ngayon!?" "Please, Tommy, 'wag!!!" singhal naman ni Phoebe kay Tommy. Hindi nakasagot si Neil sa tanong ni Tommy sa kanya. Patuloy ang panginginig ng bagang niya dahil sa galit na nadarama. "Dahil hindi siya masaya ngayon!! Dahil hindi siya masaya sa iyo!! Alam mo ba kung bakit!? Dahil mas pinipili mo pa rin ang babaeng alam mong niloko ka na nga, ngunit patuloy mo pa ring nilalapitan!! Hindi mo alam na may nasasaktan na pala nang dahil sa ginagawa mo!" "Tommy, please! Huwag!" Naluluhang napatingin si Phoebe kay Tommy at binigyan niya ito ng iling. Sa pagkakataong ito, hindi naman maintindihan ni Neil ang pinagsasabi ng kanyang katunggali. "Hindi, Phoebe! Sasabihin ko ang totoo sa ungas na ito kung bakit ka nasasaktan ngayon ng dahil sa kanya!!" galit na wika ni Tommy kay Phoebe at muli niyang binalingan si Neil. "Dahil tanga ka! Manhid ka! Mas pinipili mo pa rin na lapitan si Sofia kaysa kay Phoebe. Hindi mo alam na may isang babae na palang nagseselos at nasasaktan ng dahil sa iyo!! Tanga ka, Neil! Tanga ka!" "WALA KANG KARAPATAN PARA DIKTAHAN AKO NG GANYAN!!" Hindi na napigilan ni Neil ang kanyang sarili dahil malakas niyang itinulak si Phoebe upang makawala sa pagkakayapos nito. Nilapitan niya si Tommy at binigyan niya ito ng suntok sa mukha. Gumanti naman ang binata sa kanya pagkatapos. Napangiwi si Phoebe sa sakit na natamo niya nang bumagsak siya lupa matapos siyang itulak ni Neil. Hindi na niya nagawa pang tumayo dahil sobrang hapdi ng gasgas sa kanyang kaliwang kamay at kanang tuhod. Wala na rin siyang kibo sa nangyayari sa dalawa. Mabuti na lang at mabilis na rumesponde ang dalawang barangay tanod sa dalawa. Pumipito pa ang mga ito upang pigilan ang pagsusuntukan nina Neil at Tommy. Sobrang dami na ring tao ang nanunuod at nakikiisyoso. Mukhang di na yata tama ang nangyayari. Naawat naman ng mga tanod sina Neil at Tommy. Pero patuloy pa rin ang mga ito sa pakikipagsagutan sa isa't isa. "T*ngna mo ka! Huwag na huwag mo kong gagalitin dahil hindi kita uurangan!" "Mas lalong hindi rin kita uurungan! G*go ka!" "Sir, tama na!" sabi pa no'ng isang tanod kay Tommy. Matigas na inalis niya ang kamay ng tanod na nakahawak sa kanya at inayos ang suot niyang damit. Pilit namang tumayo si Phoebe sa pagkakabagsak at napatingin sa dalawang lalaki. Halos matigilan si Neil nang mabalingan niyang umiiyak ang dalaga. Dali-daling umalis si Phoebe sa kinatatayuan at padabog na binuksan ang gate upang makapasok. Kumawala naman si Neil sa pagkakahawak ng tanod sa kanya at sinundan ito. "Phoebe! Wait! Mag-usap tayo!" sigaw pa niya kay Phoebe. May halong pag-aalala na ang boses nito. Hindi niya pinansin si Neil. Nilalakihan na ni Phoebe ang kanyang hakbang upang mabilis na siyang makapasok sa bahay. Ayaw niya ang nakikita. Ayaw niya ng gulo. Feeling niya kasalanan niya ang lahat. Saktong pagpasok ni Phoebe sa sala ay naabutan naman siya ni Neil. Pinigilan siya ng binata. Hinawakan nito ang isa niyang kamay. "Please, let's talk!" pagmamakaawa niya kay Phoebe. Matapang naman na humarap siya kay Neil at inambunan niya kaagad ito ng malalakas na suntok at sampal sa dibdib. "Ayoko! Ayoko! Bitawan mo ako! Ayokong makipag-usap sa iyo!" umiiyak si Phoebe habang patuloy niyang sinasaktan si Neil. Habang ginagawa niya iyon ay parang nanghihina siya. Pakiramdam niya ay hindi niya nakakayanan ang sitwasyon. Mahigpit na hinawakan ni Neil ang dalawang kamay ni Phoebe habang pilit pa rin nitong sinasaktan siya. "Mag-usap tayo!" he said. "Ayoko! Sabing bitawan mo ako! Kahit kailan talaga ang sama-sama mo! Napapagod na ako sa kasungitan mo! Napapagod na ako sa iyo! Napapagod na ang puso ko sa iyo!" Patuloy ang pag-iyak ni Phoebe habang pinipilit niyang piglasin ang dalawa niyang kamay sa pagkakakapit ni Neil. "Mag-usap muna nga tayo!" "Ayoko! Umalis ka rito! Doon ka sa Sofia mo! Akala mo naman na naniniwala ako sa pinagsasabi mo na hindi mo na siya mahal! Na may mahal ka ng iba! Na may iba ka ng napupusuan! Eh, nakayanan mo ngang pumunta roon! Hindi mo alam na nasasaktan na ako sa ginagawa mo!" "Phoebe, please. Stop!" Nagsimula ng tumulo ang luha ni Neil dala na rin siguro ng bugso ng kanyang damdamin. Ayaw niyang nakikita si Phoebe na umiiyak. Pakiramdam niya ay nasasaktan din siya. He barely cupped her face para pigilan ito. Inilapit niya ang kanyang mukha sa dalaga upang titigan ito ng malapitan. Natigilan naman si Phoebe sa kanyang ginagawa. Ngunit patuloy pa ring umaagos ang mga luha niya sa kanyang pisngi. "I love you. I love you, Phoebe. Ikaw ang babaeng tinutukoy ko. Ikaw ang mahal ko. Hindi si Sofia. Kaya, please, tumahan ka na. Nasasaktan ako, eh," umiiyak na pagmamakaawa ni Neil kay Phoebe. Natigagal si Phoebe sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig siya kay Neil. Gulat na gulat siya sa pinagsasabi nito sa kanya. At some point, she also confused. "Ikaw ang babaeng tinutukoy ko, Phoebe. Ikaw 'yong babaeng mahal ko. And I meant it. Sana patawarin mo ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa iyo noon at hanggang ngayon. Sana pagbigyan mo ulit akong magbago para sa iyo. Ayokong nakikita kang umiiyak. Ayoko 'yong umiiyak ka ng dahil sa akin." "Ano ba ang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Phoebe. Sobrang lakas na rin ng pintig ng kanyang puso. Kinakabahan siya sa sasabihin nito. "Phoebe, I think I am already falling into you," seryosong tugon ni Neil. Sa ikalawang pagkakataon, muling tumulo ang masaganang luha ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Mahal siya ni Neil. Nahuhulog na ang loob ng binata sa kanya. "Kung ayaw mong maniwala, I will prove to you that I love you." Mabilis na sinunggaban ni Neil ng halik ang labi ni Phoebe. Ito ang unang pagkakataon na nagawa niya iyon. Sa unang pagkakataon na dumampi ang mga labi nila sa isa't isa, mabilis silang nadala sa kanilang nararamdamang sensasyon. Nang-iinit ang kanilang mga katawan. Hindi na nila ito mapigilan. Naipikit nilang dalawa ang kanilang mga mata habang nilalasap ang pag-ibig. Neil started to pull her body close to him. Naglalakbay na rin ang kanyang mga kamay sa katawan ng dalaga, even Phoebe had also done that to him. Habang patuloy ang mapupusok na halik na iyon, dahan-dahan namang iginiya ni Neil si Phoebe patungo sa pintuan ng kanyang kuwarto. Binuksan niya ito at malaya silang dalawang pumasok doon. When they got into the room, Neil decided to lift her body. Dahan-dahan naman niyang inilagay ang katawan ng dalaga sa malambot na kama at patuloy pa rin niyang inaangkin ang labi nito. Phoebe insisted to do that also. Ayaw na niyang pigilan ang sarili. She also wanted to kiss him back dahil nga sa mahal niya ito. At handa siya sa kung ano man ang mangyari sa kanilang dalawa ni Neil. Though, she was always ready for him. Neil stopped kissing her lips. Mabilis nitong hinubad ang suot-suot nitong collared shirt at muling inokyupa ang labi ni Phoebe sa ikalawang pagkakataon. Nagsisimula ng gumala ang halik ni Neil. Galing sa kanyang labi ay unti-unting ng nilalakbay nito ngayon ang kanyang leeg. Nang mapansing nakaharang pa ang suot-suot na damit ni Phoebe, tumigil si Neil sa kanyang ginagawa at siya na rin mismo ang nagtanggal ng kasuotan ng dalaga. Napaungol siya nang makita niya ang hubog ng katawan ng katalik. Naging dahilan iyon para maging mapusok siya. Muli niyang inangkin ang labi ng dalaga at saka muling nilakbay iyon patungo sa leeg hanggang sa dibdib. Napapapikit na lamang si Phoebe sa ginagawa ni Neil sa kanya. Mahina siyang napapaungol. Nilalakbay rin ng dalaga ang dalawang mga kamay sa matitigas at mainit nitong katawan. At that moment, they've become one; cherishing every moment that they want to share. And decided not to regret this in their entire life forever. *** HAPONG-HAPO silang dalawa nang dahil sa pagod. Sa ngayon, magkatabi sila na nakahiga sa kama. Walang sino man sa kanila ang nagsasalita. Pinapakinggan lang nila ang ingay ng katahimikan. Kasalukuyang ginagawang unan ni Phoebe ang dibdib ni Neil. Habang ang isang kamay naman ng binata ay nakaakbay at nakahawak sa kanyang balikat. Hinihimas-himas din ni Phoebe ang maninipis na buhok sa dibdib ng binata. Mga ilang saglit pa ay narinig niyang nagsalita si Neil sa kanya. "Okay ka lang?" mahinang sambit nito. Walang tinging tumango siya. Napapangiti si Phoebe dahil nasa isipan pa rin niya ang nangyari sa kanila ng binata ngayong gabi. Ninanamnam pa rin niya iyon kahit tapos na. "Hindi ba kita nasaktan?" muling sambit ni Neil kay Phoebe. Sa pagkakataong ito ay binalingan na niya ang katabi. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Malapad na ngumiti si Phoebe at walang salitang binitawan dito. Muli niyang isinandig ang ulo sa dibdib ng lalaki. "I hope I already proved to you that I love you," muling wika ni Neil. "Sana naman ay maniwala ka na sa akin ngayon." "May dapat pa ba akong hindi paniwalaan," mahinang sagot niya. Ikinatingin niya ito sa binata. "Matapos mong angkinin ang katawan ko, hindi pa ba ako maniniwala na mahal mo talaga ako." Ikinatawa ito ng mahina ni Neil at muli niyang niyapos ang dalaga upang ilapit ang katawan nito sa kanya. Napangiti si Neil sa nangyayari. Minsan lang siyang kiligin ngunit sa puntong ito ay walang humpay ang kilig na nadarama niya pagdating kay Phoebe. Muling naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago muling nagsalita si Neil. "Second thought, totoo ba iyong sinabi ni Tommy sa akin? Na nasasaktan ka dahil sa akin? Bakit naman niya nasabi iyon?" "Kasi mahal din kita," may kaunting pagtatampong tugon ni Phoebe. Umismid siya sa binata matapos niyang sabihin iyon. "Tama talaga si Tommy, ang manhid mo. Hindi mo iyon naisip?" "Mare-realized ko pa ba ang lahat? Hindi ko na alam ang iniisip ko dahil galit ako kanina. Bakit ba kasi kasama mo siya? Kung nag-stay ka na lang sa bahay at hinintay ako. Naupakan ko pa tuloy 'yong kapreng 'yon." "Kasi nakita niya akong mag-isa sa mall kanina. Nang umalis ka papunta sa birthday party ni Sofia, nalulungkot ako kasi hindi kita makakasama sa birthday ko." Kumunot ang noo ni Neil. "Wait? Ano'ng sabi mo?" "Sabi ko malungkot ako kasi hindi kita makakasama sa birthday ko. Hindi mo ba naalala no’ng isang araw na lumapit ako sa iyo para tanungin ka kung libre ka sa Sabado? Gusto ko kasing i-treat ka mag-dinner no'n tapos sabi mo sa akin a-atend ka sa birthday party ni Sofia. Kaya hindi ko na lang sinabi sa iyo ang totoo. Totoo 'yong sinabi ni Tommy sa iyo, nasasaktan ako. Alam na kasi niya na mahal kita, eh. Inamin ko sa kanya kanina." Biglang kumilos si Neil upang abutin niya ang kanyang relo na nakapatong bedside table. Nakita niya na pasado ala-una na pala ng madaling araw. Napapikit siya dahil hindi man lang niya nabati ang dalaga sa kaarawan nito. Hindi naman kasi niya alam na birthday rin pala ni Phoebe. Ipinatong muli ni Neil ang relo sa bedside table at niyakap si Phoebe. "Sorry. Sorry talaga. Hindi ko alam, eh," pagpapaumanhin niya. Nakita naman ni Phoebe kung gaanong sobrang sincere ng mukha ni Neil ng sabihin iyon sa harapan niya. Gustuhin man niyang magtampo rito ay hindi naman niya magawa. Wala na lang siyang nagawa pa kundi ngumiti na lang. "Wala 'yon. 'Wag kang humingi ng sorry sa akin. Okay lang." "Hindi. Hindi ka okay. Di bale. Babawi ako sa iyo. Pangako iyan," genuine na pagkakasabi ni Neil sa kanya. "Belated Happy Birthday. Siguro naman, eh, hindi pa huli ang lahat," ngiti niyang dagdag dito. Binigyan din siya ni Phoebe ng ngiti sa labi. "Salamat. Tsaka okay na rin naman ako kahit hindi ka bumawi. Ang gusto ko lang naman, eh, makasama ka. Na maamin ko sa iyo na mahal kita. At heto na nga iyon. Masayang-masaya na akong makita kitang kasama." "Me too." Binalot ulit sila ng katahimikan bago nagsalita si Phoebe. "Sasabihin ba natin ito kay Tita Salud?" "We will. Don't worry about it. Ako na ang bahala na magsabi sa kanya ng totoo. For the mean time, gusto kong ayusin nating dalawa ang lahat. Gusto ko maging maayos ang buhay natin. Maging maayos ang relasyon nating dalawa." "Eh, paano si Sofia?" "Hindi na mahalaga si Sofia sa akin. Nang dumating ka sa buhay ko, akala ko habang buhay na akong magiging tanga sa babaeng 'yon. Inaamin ko talaga sa sarili ko na mahal ko siya noon kahit na niloko niya ako. Pero nagbago ang pananaw ng puso ko nang makilala kita. You saved me from my past, Phoebe. At gusto kong i-cherish nating dalawa ang present at future na darating sa ating buhay." Kinikilig naman si Phoebe sa pinagsasabi ni Neil sa kanya. "And by doing that, can I ask you one more thing?" "Ano 'yon?" Nagkatinginan muna silang dalawa bago nagsalita si Neil. "Can you be my girlfriend?" Napailing si Phoebe at napairap. Akala niya kung ano na. She gazed intently into his eyes again with a contented look before she smiled. "Yes," Phoebe said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD