Chapter 16

2503 Words
GUSTUHIN man ni Phoebe na maging masaya siya ngayong kaarawan niya subalit hindi niya iyon magawa. 'Di pa rin niya tanggap sa sarili na hindi niya makakasama si Neil ngayon gabi. Ang lungkot-lungkot niya tuloy. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nakikita niya ang binata na nag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin. Nagwawalis siya sa sahig ng sala at palihim na tinitingnan niya ang binata sa kanyang peripheral eyes. Naiinis siyang makita ang sobrang maaliwalas na mukha nito, pati na rin ang suot ng binata. Nakasuot ito ng collared shirt na kulay maroon. Wala itong sapaw na sando at hinayaan lang ng binata na suotin iyon. Pinarisan naman ito ng black fitted jeans at puting sneakers. Nakasuot din ito ng isang magarang relo sa palapulsuhan. Excited na excited yata sa lakad dahil pupunta nga ito sa birthday party ni Sofia. 'Di na rin niya sinabi kay Neil na magkaparehas pala sila ng kaarawan ng bruhildang iyon. Ang malas-malas niya talaga! "Alis na ako," nakangisi pa nitong paalam sa kanya nang lagpasan siya nito sa sala. Wala siyang binitawang salita dahil dare-daretso na itong naglakad papalabas ng bahay patungo sa nakaparada nitong sasakyan. Naitigil niya ang pagwawalis at tumayo sa may pinto. Napapabuntong-hininga na lang siya nang makitang papalayo na ang sasakyan nito. Napangiwi si Phoebe nang dahil sa kalungkutang nadarama. Nasasaktan din siya sa katayuan niya ngayon. Ano bang magagawa ko? Hindi naman ako special para kay Neil, eh. Mukhang mas special pa yata sa buhay nito ang bruhildang iyon, saad niya sa sarili na ang tinutukoy ay ang ex-girlfriend ni Neil na si Sofia. Napailing siya at muling ipinagpatuloy ang pagwawalis sa sahig. Mga ilang minuto pa ay natapos na siya paglilinis. Napatingin siya sa wall clock at nakitang maga-alas-sais na ng gabi. Ano kaya ang magandang gawin? Ang boring naman! Kung magluto na lang kaya ako ng spaghetti dito tapos i-celebrate ko ang birthday ko ng ako lang? Naku! Boring din! napapaisip niya. Napaupo siya sa malambot na sofa at malakas na bumuntong-hininga. Nag-isip pa siya ng ibang paraan upang maging masaya siya ngayong araw. Dahil maaga pa naman, naisip na lang ni Phoebe na umalis at kumain mag-isa sa labas. Siguro iti-treat na lang niya ang kanyang sarili para naman hindi siya malungkot ngayon. Pinilit niyang ngumiti at alisin ang bad vibes na nararamdaman niya. Napag-isipan niyang maligo muna at mag-ayos ng sarili. She chose to wear a vintage t-shirt and paired it up with high-waisted jeans. Nagsuot na lang din siya ng low shoe blocked heels para maging kumportable ang paglalakad niya. Naglagay lang siya ng kaunting polbo sa mukha at kaunting lipgloss sa labi. She also loosens her black hair at hindi na niya naisipan pang itali iyon. Bago siya makaalis ng bahay, sinigurado niya munang naka-lock ang pinto. Maaliwalas ang kanyang mukhang umalis roon. Wala naman siguro masama kung ise-celebrate niya mag-isa ang kanyang kaarawan, 'di ba? *** PASADO alas-sais trenta na ng gabi nang saktong dumating si Neil sa bahay ng pamilya ni Sofia. Sa nakalipas na tatlong taon magmula nang huling pumunta siya rito, hindi pa rin niya akalain na walang nagbago sa exterior design ng malaking bahay. Napapalibutan pa rin ito ng sandamakmak na ilaw sa labas at may malaking fountain pa ito sa gitna ng facade. Sandamakmak din ang mga halamang naging disenyo para sa landscape. Pinagbuksan siya ng gate ng in-house guard at malayang ipinasok niya ang kanyang sasakyan sa malawak na dayag. Nang iparada niya sa isang gilid ang sasakyan, sakto namang lumabas sa dalawang malalaking pinto si Sofia upang salubungin siya. She wore a simple golden-colored skirt paired up with a golden-colored camisole that made her more gallant. Her long and curly brownish-black hair have been loosened up, at tinernuhan lang nito ang outfit ng isang mala-edgy na low lie shoes na kulay brown. Binigyan naman ni Neil ng isang kaway ang dalaga habang papalapit ito sa kanya. She genuinely smiled afterwards. "Ang aga mo naman yata," saad ni Sofia sa kanya matapos siya nitong halikan sa kanyang pisngi. He's not comfortable with that. Ngunit hinayaan na lamang niya. "I don't like to be late," sagot ni Neil rito. "Yeah, I remember. Most punctual ka nga pala," pagbibiro pa ni Sofia na ikina-awkward na ngiti naman ni Neil. "Come on. I will show you to Dad." Nagulat siya nang biglang hawakan ni Sofia ang isa niyang kamay at iginiya siya nito papasok ng malaking bahay. Bigla siyang nailang sa pagkakahawak ni Sofia sa kanyang kamay. Gustuhin man niyang bawiin ito ngunit hindi niya magawa. Pagkapasok nilang dalawa ay nadatnan ni Neil na maraming tao sa loob. "Akala ko ba pamilya mo lang ang nandito? Ba't ang daming tao?" tanong ni Neil kay Sofia. Patingin-tingin naman siya sa paligid. Nakikita niya na may mga matatandang lalaki ang nagtatawanan sa malaking sala habang nag-uusap ang mga ito, mga batang naghahabulan kahit saan, mga matatandang ginang na tahimik na humahalakhak na animo'y meron silang pinagchi-chismisan, at hindi mawawala ang mga nakaunipormeng kasambahay na palakad-lakad kahit saan. "Yes. They're my family. Mga tito at tita ko sila. Mga pinsan ko naman ang iilan na nandito at mga anak ng pinsan ko yung iba sa mga bata. Mamaya na kita ipapakilala sa kanila. Puntahan na lang muna natin si Daddy sa likod ng bahay." Hindi na lamang nagsalita si Neil at hinayaan na lamang niya kung saan siya dalhin ni Sofia. Nang makarating sila sa malawak na likod ng bahay, lumapit silang dalawa sa isang matandang lalaki na nakasuot ng pormal na damit. May kausap itong mga lalaki na kasing edad lang nito. "Dad," tawag ni Sofia rito. Nagtatakang napalingon ang matandang lalaki sa kanilang dalawa. "Dad, do you remember him? Si Neil," pagi-introduce ni Sofia sa kanya. Ngumiti naman si Neil ng balingan siya nito. Umaakto pa ang matandang lalaking parang nag-iisip. "Ah, Neil? Neil John Escara, right? My daugther's boyfriend." Pinilit ni Neil na ngumiti. "Noon po. But as for now, we're friends," sagot ni Neil sa ama ni Sofia. Nakipagkamay naman siya rito. "Nice to meet you again, Sir Nestor. I am glad to meet you." Nestor Exclamador was one of the richest business man in the country. Isang tao na nirerespeto ng lahat. Ang kumpanya nito na nagsu-supply ng softdrinks sa bansa ang siyang nagpapayaman sa pamilya Exclamador. Kaya ganito ang respetong ipinapakita niya sa ginoo. "Ako rin, hijo. Mabuti na lang at nakadalo ka sa munting salo-salo para sa birthday ni Sofia. At mabuti na rin ay nakumbinsi ka niya na pumunta rito. I hope you are happy to see me and my daughter again," nakangiting saad ni Nestor sa kanya. "O-Opo naman po." Maya-maya pa ay nagpaalam si Sofia sa kanya na may pupuntahan muna ito saglit. Nang makalayo na ito, humarap siya sa ama nitong si Nestor upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap. "Kamusta ka na nga ba, hijo?" "Okay naman po ako." "Mabuti naman dahil masaya ako na makita ko kayo ulit ni Sofia na magkasama." Napatawa siya. "Hindi ko nga po akalain na babalik siya sa kanyang page-eskwela." "After all she suffered to that guy, Kristofer, she deserved na bumalik siya sa aking poder. Nakalulungkot lang isipin na naghiwalay kayo ni Sofia nang dahil lang sa lalaking iyon. At ako na ang humihingi ng pasensya sa iyo kung may nagawa mang kasalanan ang anak ko." Parang biglang pumait ang kanyang ngiti nang sabihin iyon ni Nestor sa kanya. Hindi tuloy siya makapagsalita. "But then, nang malaman ko ang lahat na nangyari sa anak ko, ginusto kong bumalik siya sa akin para baguhin n'ya ang kanyang sarili. Alam kong may nagawa akong mali at pagkukulang sa kanya noon. Sobrang lupit ko sa kanya kaya siya parang nagrerebelda sa akin. Kaya, heto, binibigay ko ang lahat ng gusto niya para lang makabawi. At gusto ko sana na kayo rin ng anak ko ay magkabalikan muli." Hindi ulit siya nakapagsalita sa sinabi ni Nestor sa kanya. Nababahala si Neil sa pinagsasabi nito. But then, he acted out like he's doing fine. Ngunit, sa kanyang saloobin, alam niyang hindi mangyayari na magkakabalikan ulit sila ni Sofia. Because he already loved someone better than his daughter. And he already meant it. At si Phoebe iyon. Oo, nakasisigurado na talaga siya na si Phoebe ang mahal niya, ang gusto niya. He's already falling into her. Ngunit, humahanap pa siya ng tiyempo upang sabihin dito ang totoong nararamdaman. Kaya sobrang naaatat na siyang umuwi ngayon dahil gusto niyang makita si Phoebe. Ang lungkot pa naman ng mukha nito ng iwan niya kanina. *** ILANG ORAS ng palakad-lakad si Phoebe sa loob ng Robinsons Place Tejero. Kakatapos lang niya kumain sa isang fast food restaurant at sa ngayon ay nagpapatunaw na lang siya ng kanyang kinain. Napaupo siya sa mga naka-display na public chair doon ng makaramdam siya ng pagod sa sarili. Kanina pa rin niya kinakain ang binili niyang ice cream at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nauubos. Kung kanina ay nakararamdam siya ng lungkot, ngayon naman ay nakararamdam na siya ng saya sa sarili. Nawawala na 'yong pagkabagot niya at nae-enjoy niya ang pagsi-celebrate ng kanyang kaarawan kahit siya lang mag-isa. Lulan sa pagkakaupo, napaigtad siya ng biglang may nagtakip ng kanyang mga mata. Dahil sa gulat at kaba, hinawakan niya ang kamay na nagtatakip sa kanyang mga mata upang subukang tanggalin ito. Isang mainit na hininga ang dumampi sa kanyang tenga at binulungan siya ng taong iyon. "Guess who?" Sa tinig pa lang ng boses na kanyang narinig ay mabilis na lumitaw sa kanyang labi ang ngiti. "Tommy," she confidently said. Natatawang tinanggal ni Tommy ang kanyang mga kamay sa mata ng dalaga at tumabi sa kinauupuan nito. "Iba ka rin, eh, 'no. Akala ko hindi mo mahuhulaan kung sino ako," natatawang tugon ni Tommy kay Phoebe. "Ano'ng pinagsasabi mo diyan? Sa boses mo pa lang, kilala na kita," sabi ni Phoebe. "Wait. Bakit nandito ka? May kasama ka ba?" Umiling si Tommy. "Wala. Gumala lang ako dahil boring sa bahay. Sobrang ingay ni Eunice. Nakikinig ng mga kantang 'di ko naman maintindihan ang lyrics." Napatawa si Phoebe. Marahil ang tinutukoy ni Tommy ay ang mga KPOP songs na minsan na ring sini-share ni Eunice sa kanya. "Eh, ikaw? Ba't ka nag-iisa? Kasama mo ba 'yong may high blood mong amo? Baka tulakin na naman niya ako rito," saad pa ni Tommy. "Hindi 'no. 'Di niya tayo matutuntunan dito kasi busy 'yon," may halong inis sa kanyang boses. "Busy saan?" "Basta. 'Di ko na lang sasabihin." "Eh, ikaw nga? Ba't ka nag-iisa rito?" Binigyang pansin niya si Tommy bago nagsalita. "Birthday ko kasi ngayon kaya ako nandito." "Oh! Happy Birthday!" sweet na pagbati ni Tommy sa kanya. "Ba't parang ang lungkot mo naman yata? Ba't parang 'di ka masaya ngayon?" Bigla tuloy siyang nalungkot. Ayaw pa naman niya na malungkot siya sa birthday niya. "Wala lang. Sanay na rin akong ganito. 'Wag mo na lang tanungin." Hindi na muling nakapagsalita pa si Tommy. Pinagmasdan na lang niya si Phoebe at pansin niya kung paano ito nagpupumilit ngumiti sa kanyang harapan para ipakita nito na masaya ito ngayon. Isa siyang BS Psychology student at masasabi niya kung malungkot ba ang tao o hindi. This time, he concluded na hindi masaya si Phoebe. So he got a better idea para pasayahin ito ngayon. Tumayo si Tommy sa harapan ni Phoebe. Inilahad nito ang kamay sa dalaga. Nagtatakang napatingin naman si Phoebe sa kamay nito. Naguguluhan siya kung ano'ng meron. "Ano'ng meron?" "Do you want to be happy?" Malungkot na nagkibit-balikat siya sa tanong ng binata. "Just hold my hand and I'll make sure you'll be happy. Do you trust me?" napaka-genuine na sabi ni Tommy sa kanya. Walang kasiguraduhang hinawakan ni Phoebe ang nakalahad na kamay ng binata. Tumayo siya at iginiya siya nito papalabas ng mall. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakasakay siya sa sasakyan ni Tommy at wala siyang ideya kung saan sila pupunta. *** IT’S ALMOST ten o' clock in the evening. Hanggang ngayon ay nananatiling nasa bahay pa rin ng pamilya ni Sofia si Neil. Ilang oras na nga ba siyang nakatambay rito? Limang oras na pala siyang naroon. Gustong-gusto na niyang umuwi dahil nababagot na siya, ngunit hindi naman niya magawa dahil pinipigilan siya ng ama ni Sofia na mag-stay muna ng ilang oras. Nag-iinuman ang mga ito kasabay ang mga tito at pinsang lalaki ni Sofia. Medyo nalalasing na ang mga ito. Napatayo si Neil matapos niyang uminom ng alak. Nakakalimang bote na rin siya at pakiramdam niya ay umiikot na ang paningin niya. Paikang-ikang naglakad siya upang lapitan si Sofia. "Saan ka pupunta?" "I am going home. It's already ten." "Talaga ba? Wait. Ihahatid kita. Lasing ka na yata, eh," nag-aalalang tugon ni Sofia. "No. Kaya ko pa naman." "Oh sige. Ihatid na lang kita sa labas." Nagpaalam na muna si Neil kay Nestor at sa kasamahan nito bago siya lumabas ng bahay kasama si Sofia. Nang nasa tapat na sila ng sasakyan, nilingon niya muna si Sofia bago siya makapasok sa loob. "Thank you for inviting me." "Thank you rin dahil dumalo ka," Sofia said and she gently occupied his lips for a second. Mabilis na pinutol ni Neil ang halik na iyon at mahinang tinulak niya si Sofia. He meant it to stop that kasi baka kung saan pa iyon mapunta. Hindi niya kayang balingan ng tingin ang dalaga sa pagkakataong ito. "Sofia, please, not now. I told you that I already loved someone. You cannot force me to kiss you back. I hope you'll understand." Mabilis na sumakay ng sasakyan si Neil at binuhay ang makina niyon. Ilang saglit pa ay malaya na siyang umalis. Iniwan niya si Sofia na wasak-wasak ang damdamin na may halong galit at poot sa dibdib. Don't worry, Neil. We will be together soon. Hindi ako makakapayag na maangkin ang puso mo sa iba. Gagawin ko ang lahat para maging tayo ulit, nasabi na lamang niya. *** MABILIS na nakarating sa bahay si Neil. Nang makababa siya ng sasakyan, maingat siyang naglakad papasok ng gate hanggang sa makarating siya sa terrace. Napansin niya na nakasarado ang pinto at tila parang walang tao. Kumatok siya at tinawag si Phoebe. "Phoebe!?" Ngunit walang sumasagot. Nasaan na kaya 'yong babaeng 'yon? Napaupo muna siya sa isang upuan na gawa sa rattan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang mawala ang dinadamdam na hilo dahil sa kalasingan. Subalit, isang sasakyan ang huminto sa harapan ng gate. Nagtatakang iminulat niya ang kanyang mata at napatingin doon. Halos umakyat ang kanyang dugo at biglang nawala ang nararamdaman niyang sakit sa ulo ng mahagip niya si Phoebe... na kasama si Tommy. Naghari sa kanyang puso ang galit. Naikuyom niya ang kanyang kamao at dali-dali naglakad papalapit sa mga ito. "Hoy!! G*go ka talagang hayop ka!!" sigaw niya habang nakaturo siyang papalapit kay Tommy. Nang makalapit siya sa binata, agad na kinuwelyuhan niya ito at mabilis na sinunggaban ng malakas na suntok sa pisngi. Nagsisisigaw naman si Phoebe sa nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD