Chapter 15

3318 Words
NI WALANG salita ang lumalabas sa bibig nina Neil at Phoebe habang nasa loob sila ng sasakyan. Naghahari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kasalukuyang bumabiyahe sila upang makauwi na sa tinutuluyan nilang bahay sa Cavite. Matapos na mahuli ni Phoebe na nakikipaghalikan si Neil sa ex-girlfriend nitong si Sofia, halos hindi na rin niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. May kaunting kirot na naman siyang nakakakapa na dumadaloy papunta sa kanyang puso nang mga oras na iyon. She tried to remain calm at hindi na niya nagawang pansinin pa si Neil matapos ang eksenang iyon. Sobrang nagulat lang talaga siya sa kanyang nakita. Hindi rin maintindihan ni Phoebe ang sarili kung bakit tila parang naiiyak siya kapag naaalala n'ya ang nakita niya kanina. Mabilis naman niyang pinapahid ang kanyang namumuong luha sa gilid ng kanyang mata dahil ayaw niyang makita iyon ng binata. Baka sabihin nito ay apektado siya sa nangyari. Apektado ka naman talaga, Phoebe. Bakit mo ba hinahayaan ang sarili mo na maging manhid kahit alam mong nasasaktan ka na? Ito na lamang ang mga pahayag na lumalabas sa kanyang isipan habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Nakasandal ang kanyang ulo sa tinted na salamin at parang wala siya sa kanyang sarili. She doesn't have to. Dapat hindi siya nagpapaapekto dahil wala siyang karapatan para maapektuhan. Wala naman silang relasyon ng among binata, 'di ba? Oh, eh, bakit parang nage-emote siya ngayon? Nagseselos ba ako? bigla na lamang nasabi niya sa kanyang sarili. Bakit nga ba niya na-conclude sa sarili na nagseselos siya? Ibig bang sabihin nito ay inaamin na rin niyang may pagtingin siya kay Neil? Tuluyan na bang nahuhulog ang puso niya sa mokong na ito? Yes, her heart said. Siguradong-sigurado ang puso niya sa sagot na iyon. Talaga ba? Nakasisigurado kang bang mahal mo na si Neil? Paano kung hindi ka niya magustuhan? against by her mind. Parang tangang nagkibit-balikat si Phoebe sa kanyang kinauupuan. Mukha yatang nababaliw na siya dahil kinakausap na niya ang kanyang sarili. Hindi niya tuloy namalayan na nasa tapat na pala sila ng bahay at huminto na ang sasakyang sinasakyan niya. Pinatay ni Neil ang makina ng sasakyan. Kinuha pa nito ang susi at hindi agad lumabas. Binalingan niya ng tingin si Phoebe na patuloy pa ring walang kibo sa tabi niya. Nananatiling nakasandal ang ulo nito sa bintana. "H-Hey. A-Are you okay?" mahinang tanong ni Neil kay Phoebe. Umayos sa pagkakaupo si Phoebe at tiningnan niya ang binata. Pekeng ngumiti siya upang ipakita rito na hindi siya nasasaktan. "Okay lang naman ako." Naikagat ni Neil ang kanyang labi. Nagsunod-sunod din ang kanyang paglunok ng laway. Nate-tense siya kay Phoebe dahil nga sa nangyari. "Look. You have to keep it as a secret, okay. 'Wag mong ipagsabi sa iba ang nakita mo kanina. Lalo na kay mama at kay Kenneth," seryosong tugon ni Neil sa dalaga. "Bakit? Natatakot—" "I said keep it a secret!" Medyo tumataas na ang boses ni Neil dahil sa inis. Bakit ba sobrang hirap pagsabihan nitong babaeng 'to!? "Don't tell anyone or else..." Hinintay ni Phoebe ang karugtong ng sasabihin nito. Ngunit bigo itong mangyari dahil napayuko na lang ng ulo si Neil dahil hindi alam nito ang susunod na itutugon para sa dalaga. Nakararamdam ng inis si Phoebe sa kaharap. Pakiramdam niya ay para na siyang tuta sa mga gusto at utos nito. Naiinis din siya dahil kitang-kita sa galaw nito kung paano siya iwasan ni Neil. "Bakit nakikipaghalikan ka sa kanya?" mahinang tanong ni Phoebe. Sa tono ng boses pa lang nito ay parang nagseselos siya. Muli siyang binigyan ng tingin ni Neil. This time, galit na galit ang mga mata nito sa kanya. "As I said, that is beyond on your concern," sarkastik nitong sagot. Kaagad na hinawakan ni Neil ang knob ng pinto at saka siya dali-daling lumabas ng sasakyan. Malakas pa nitong isinara ang pinto na para bang nagdadabog. Hinayaan ni Phoebe ang kanyang sarili na maiwan sa loob ng sasakyan. Sa pagkakataon ding iyon, bigla na lang tumulo sa kanyang pisngi ang kanina pang namumuong luha sa gilid ng kanyang mata. Naiipon na iyon at kailangan na niyang pakawalan. Ang sakit-sakit lang isipin na 'yong lalaking na-realized niya na mahal na pala niya ay may kasamang iba. Ang malala pa ay may kahalikan pa itong ibang babae. At ang mas pinakamalala pa ay ang ex-girlfriend pa nito ang kahalikan. Matagal ng walang ideya si Phoebe kung bakit nga ba nagkahiwalay ang mga ito. Sobrang napakamisteryo para sa kanya iyon dahil pati sina Kenneth at Tita Salud ay hindi masabi-sabi ang totoong nangyari sa dalawa. She wanted to know what's the reason why they broke up. Kasi, parang sa nakikita niya kay Neil ngayon ay mukhang may balak pa itong makipagbalikan kay Sofia. Nangangahulugan iyon na baka mahal pa rin nito ang babae. At sobrang nasasaktan ang puso ni Phoebe sa ganoong ideya kung sakali mang mangyari. And now, she admitted to herself that she's totally, madly, and deeply fall in love with Neil. Ayaw niyang nakikita itong may kasamang iba. Lalo na si Sofia dahil nagseselos siya rito. Oo na. Tama nga ang puso niya. Mahal nga talaga niya si Neil. Ngunit hanggang kailan nga ba siya magiging hopeless para rito? *** GULONG-GULO ang isipan ni Neil nitong mga nakaraang araw matapos siyang mahuli ni Phoebe na nakikipaghalikan kay Sofia. Kasabay ng mga halo-halong ideya na umiikot sa kanyang utak, sumasabay rin ang kanyang puso na wala ring humpay sa pagtibok kung sino ang mas matimbang para sa kanya. Nasa ganoong stage na nga siya. These past few days matapos na makita niya si Phoebe na kasama si Tommy, he was also doubtful to himself if he got jealous of that situation. Ayaw niya kasing makita si Phoebe na may kasama ito dahil bigla na lang siyang naiinis, lalo na kapag kasama nito ang ungas na Tommy na iyon. Ayaw niya na may nakakausap itong ibang lalaki kapag minsan ay nakakasama niya ito school. Nariyan na rin kasi na minsan ay nagkakasabay silang mag-lunch. Ilang linggo na nga ba ang nakakalipas matapos magsimula ang first day of school? Tatlong linggo na rin pala. At sa tatlong linggo na iyon, sobrang nalilito na ang puso niya dahil nariyan din si Sofia—ang minsang babaeng unang minahal niya ng lubusan; na ito rin ang naging dahilan kung bakit siya lubusang nasaktan. Umaaligid ang dalaga sa kanya dahil classmate niya ito sa dalawang minor subject. Hindi naman puwede na hindi niya ito pansinin dahil maayos naman itong nakikitungo sa kanya. But then, he discovered himself na parang naiirita na siya rito. Lahat ng mga tao sa university ay nakatitig sa kanila dahil ilan sa mga ito ay alam ang buong pangyayari noong naging sila ni Sofia hanggang sa maghiwalay sila noon. Alam niya ang pakay ni Sofia kaya ito umaaligid sa kanya—ang magkabalikan muli silang dalawa. And he wanted it, too. Subalit, mas lagi niyang pinapairal ang kanyang utak at ego. Sa totoong lang, nagiging immature na talaga siya sa mga desisyon niya sa buhay. Nakatanggap ng chat message si Neil galing kay Sofia isang araw. Tahimik na binasa niya ito habang nakahiga siya sa kanyang kama. Walang pasok nang araw na iyon dahil araw ng Linggo. "Hello, Neil. I just wanted to apologize to you on what happened last Wednesday. Hindi ko sinasadya na halikan ka. Nadala lang yata ako sa dinaramdam ko para sa iyo. You know, I just realized na mahal pa rin kita despite na ako 'yong may kasalanan kung bakit kita nasaktan. Ang kapal ng mukha ko, right? Pero 'yon ang totoo, Neil. Mahal pa rin kita at totoo iyong sinabi ko sa iyo na sana mabigyan mo pa ako ng pagkakataon to fill your heart again. I hope hindi rin magbago ang isipan mo na pumunta sa birthday party ko next week. I hope you'll come. Thank you and I love you." Napailing na lang siya sa nabasa niyang message ni Sofia. Walang expression sa mukha na sinimulan niyang mag-type upang replayan ito. "Hi, Sofia. I just want you to know na mali pa rin ang nagawa mo. Phoebe saw it at ayokong malaman ni mama ang nangyari noong nakaraang araw sa atin. Sabi ko nga sa iyo, I am willing to forgive you. But don't expect na magiging tayo pa dahil sobrang bigat pa rin ng nararamdaman kong galit sa iyo nang dahil sa ginawa mo sa akin. Though, I am not avoiding your invitation. I will be going to your birthday party soon. Hindi magbabago ang desisyon ko. I just want to be friends with you. 'Yon lang ang kaya kong ibigay sa iyo. I hope you'll understand." Ipinadala naman niya ito kaagad. He leaned his head on the pillow at nakatulalang nakatingin sa puting kisame. Mga ilang segundo ang nakakalipas, tumunog ang kanyang cell phone at nakita niyang nag-reply si Sofia. "Phoebe? Is that her name? Sino ba siya sa buhay mo, Neil? I always noticed her noong unang nagkita tayo sa mall by accident." Nagsimulang magtipa si Neil sa kanyang cell phone. "She's my mother's maid—" Mistulang nagbago ang kanyang isipan sa reply na iyon. At some point, may naisip siyang paraan para hindi na umasa si Sofia sa kanya. And he hoped na sana ay magkatotoo itong iniisip niya. Binura ni Neil ang naunang tinipa niya at pinalitan ito ng bago. "She's the one that I'm talking about. The girl whom I told you about that is better than you. I loved her. And she's my girlfriend. I hope you understand." Matapos niyon ay hindi na muling nag-reply si Sofia sa kanya. Malakas naman ang kabog ng dibdib ni Neil. Did he really meant it? Still, it's complicated. *** LULAN sa nangyari noong nakaraang araw, hindi na halos pinapansin ni Neil si Phoebe. Sobrang cold ng pakikitungo nito sa kanya at madalas pa ay ayaw na nitong makipag-usap ng harapan. Pakiramdam ni Phoebe ay sobrang laki ng kasalanan na nagawa niya sa binata kaya ito naging cold sa kanya. Mas malamig pa yata sa yelo ang pakikitungo nito. At nasasaktan siya habang napapansin niya iyon. Phoebe wanted to talked to him. Naroon sa kanyang puso na kausapin ito para aminin sa binata na may pagtingin siya rito. At dahil nga magkalaban ang puso at utak, malakas na pinipigilan naman siya ng kanyang isipan na huwag gawin iyon at baka ikakasira pa ito ng relasyon nilang dalawa bilang mag-amo. Naibuhos na niya yata ang kanyang luha tuwing gabi kapag siya ay nag-iisa sa kabilang kuwarto. Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi tanggapin ang sakit na iyon. Sino ba naman kasi siya para mahalin din ni Neil? Sa pakikitungo pa nga nito sa kanya, napakalabo ng mangyari na magustuhan siya nito. Lagi siya nitong sinusungitan. At kahit ganito ang katangian ng pagkatao ng binata, gustong-gusto pa rin niya ito. Nami-miss niya tuloy 'yong mga araw kung paano siya nito asarin. Ngayon kasi ay hindi na siya nito inaasar. Lagi na talaga siya nitong sinusungitan. Habang malalim ang kanyang iniisip sa loob ng kuwarto, lulan sa sobrang busy rin siya sa kanyang mga homeworks, bigla na lang dumaan sa utak niya na malapit na pala ang birthday niya. Sa darating na Sabado na pala iyon at mukhang siya lang ang nakakaalam. Wala kasi siyang maalala na naibanggit niya ang birthday kay Salud, at kay Kenneth, at lalong-lalo na kay Neil. May naisip siyang paraan. What if imbitahan niya si Neil na kumain sa labas at i-treat niya ito ng dinner? May pera naman siyang naipon sa kanyang pitaka kasi patuloy pa rin siyang sinusuwelduhan ni Salud kada buwan, kahit na nasa poder siya ngayon ni Neil. Siguro iyon na ang pagkakataon niya upang humingi ng tawad dito kahit wala talaga siyang ideya kung may nagawa ba siyang kasalanan. At kung aaminin din naman niya ang pagmamahal niya sa binata ay hindi niya yata magagawa iyon dahil inuunahan na siya ng hiya at kaba. Paano ba kasi mag-confess ng totoong feelings sa taong gustong-gusto mo? Ang gusto lang talagang mangyari ni Phoebe ay magkaayos sila ni Neil. Para naman hindi na maging cold ang pakikitungo nito sa kanya. Itinigil muna ni Phoebe ang pagsusulat at tumayo sa pagkakaupo. Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto upang hanapin si Neil. Madali niya itong nahanap dahil kaagad na nahagip ito ng mga mata niya sa terrace. Naka-stand by roon ang lalaki habang umiinom ng energy drink. Busy rin ito kakapindot sa cell phone. Kinakabahan naman siyang lumapit dito. "Neil?" Binalingan siya nito at walang reaksyon ang mukha. Hindi rin ito nagsalita. Muli siyang lumapit ng husto rito. "G-Gusto lang sana kitang kausapin. Kung okay lang sa iyo." Tumango si Neil. Poker face ang mukha nito. "Ano iyon?" Ngumiti si Phoebe para maging maganda ang mood ng pakikipag-usap niya sa binata. Baka kasi magalit na naman ito bigla. "Tatanungin ko lang sana kita kung... g-galit ka pa ba sa akin?" Napansin ni Phoebe kung paano nag-iba ang mukha ni Neil. Kumunot ang noo nito dahil sa pagtataka. "What do you mean?" kibit-balikat na sagot ni Neil sa kanya. "'Di mo kasi ako pinapansin lately. Sobrang cold mo sa akin. Nag-aalala ako na baka galit ka sa akin dahil doon sa nakita ko sa inyo ni Sofia." Umiling si Neil. "Don't mentioned it. Ayokong pag-usapan ang nakita mo. As I told you already, that is beyond on your concern. 'Wag mo na lang ipagsasabi sa iba ang nakita mo. Understand?" Tumango si Phoebe habang nananatiling nakangisi ang labi niya. "Yes po, Sir Neil. Crystal clear. Hindi ko ipagsasabi sa iba," she said happily. Subalit biglang nagbago ang kanyang expression. Nagbuga siya ng hangin sa kanyang ilong bago muling nagsalita. "Pero may gusto pa rin po sana akong tanungin sa inyo kung okay lang." Neil rolled his eyes out of irritation. "Ano 'yon?" kalmado nitong tugon. Nagkibit-balikat si Phoebe at sinabayan pa niya ito ng ngiti dahil nasisiyahan siyang nakakausap na niya muli ang binata. "Gusto ko lang po sana itanong sa inyo kung available ka po ba this coming Saturday? Ili-libre lang po sana kita ng dinner." "Saturday? This coming Saturday?" She nodded. "Yes po. Kung puwede lang naman. Espesyal po kasi ang araw na iyon para sa akin." Phoebe heard him scoffed. Sa reaksyon pa lang nito ay parang kinakabahan na siya. "I'm not available. May pupuntahan din ako. Birthday ni Sofia." Namilog ang dalawang mata ni Phoebe. Jusko! Kasabay ko pala ang kumag na babaeng iyon. Sa dinami-daming tao sa mundo, ba't siya pa ang nakasabayan kong mag-birthday!? naiinis niyang sambit sa sarili. She tried to remain calmed and acted out that she wasn't affected sa sinabi nito, kahit na alam niya sa sarili na nagseselos siya. "G-Ganun po ba. Ah, sige. N-Next time na lang po," sabi na lamang niya at pilit na ngumiti rito. Wala na naman siguro siyang masasabi rito dahil tanggap na niya sa sarili na bigo siya na imbitahan ito na mag-dinner para i-celebrate ang kanyang nalalapit na kaarawan. Naiilang siyang nagpaalam. Tatalikod na sana siya ng muling nagsalita si Neil. "Phoebe, wait." Tinaasan niya ito ng dalawang kilay. "Bakit po? May ipaguutos po ba kayo sa akin?" "N-Nothing. I-I just want to ask you something." Bigla siyang kinabahan. "A-Ano po iyon?" Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita. "Did you find me as an immature-minded?" "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Like, parang hindi ba ako mature mag-isip para sa iyo? Parang hindi ba ako mature magdesisyon sa sarili ko?" seryosong tanong ni Neil. Napaka-genuine ng mukha nito. "What do you say?" "Mmm..." Umaakto pa si Phoebe na parang nag-iisip. "Hindi ko masasabi iyon, Sir Neil. No offense pero masungit ka po para sa akin. But I can handle it naman po. Pero pagdating sa ganyang usapan, masasabi ko na kailangan mo pang pag-isipan ng mabuti ang desisyon mo sa buhay. Subukan niyo pong sundin ang nilalaman ng puso mo. Dahil iba po kasi ang resulta kapag ginamit natin ang utak natin minsan. Naniniwala rin po kasi ako na may sign na makikita sa isang tao kapag masasabi mong mature na itong mag-isip o gumalaw." "Like what?" "Mmm. For example, hindi po laging pride ang pinapairal niya sa tuwing may kaaway siya. Lagi po siyang nagpapakumbaba at laging professional ang galaw niya. Kailangan po kasi talaga natin na magpatawad minsan ng tao. Ako nga po, hindi ko pa naikukuwento sa iyo na niloko po ako ng kaibigan ko bago ako maging kasambahay ni Tita Salud. Ninakaw niya po ang pera ko. Tatlong buwan na ang nakakalipas matapos mangyari iyon. Oo, nagalit ako sa kanya. Pero naisip ko na patawarin na lang siya kahit masakit sa aking kalooban 'yong ginawa niya sa akin. Matalik ko po siyang kaibigan, eh." "So sa sinasabi mong 'yan, I'm still immature, ganun ba? Dahil lagi akong ma-pride?" "No offense po, Sir Neil. Pero ganun na nga po. Try to lower you self-esteem po minsan. 'Yon po ang unang step para maging mature ang isang tao." Hindi tuloy makapagsalita si Neil. Mukhang siyang natameme at natamaan sa sinabi ni Phoebe. But deep inside, parang nasisiyahan siya sa pakikipag-usap niya rito. "Gusto ko rin po sana idagdag, Sir Neil. I know this might trigger you na magalit ka na naman sa akin. But I have to try it as a sort of advice na rin. Bukod sa nalaman ko na ex niyo po si Sofia, nasagap ko rin na niloko ka raw niya. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng babaeng iyon sa iyo three years ago. Pero masasabi ko na sobra kang nasaktan nang dahil sa ginawa niya. Kahit na nasaktan ka, kitang-kita ko pa rin na may pagmamahal ka pa ring nararamdaman para kay Sofia. Maipo-proved ko iyan lalo na no’ng makita kita na nakikipaghalikan sa kanya. Bale... napapansin ko na parang nahahati ang nararamdaman ng puso mo kaya ka nagiging tanga. “Pero ito lang ang gusto kong sabihin sa iyo, Neil. Hindi mo kailangan mag-suffer sa sakit na iyan kasi alam mo ang worth mo sa sarili mo. It's better to lose someone than to lose yourself lalo na kapag alam mo sa sarili mo na sinaktan ka talaga ng taong iyon. In that way, sign din po siya sa pagiging mature—ang lumayo sa maling taong hindi deserve para sa iyo. Sana naiintindihan mo ang sinasabi ko." Nakahinga siya ng maluwag ng sabihin niya iyon. Siguro tama ang advice niya rito kahit na nalilito siya sa pinagsasabi niya. Ang pino-point out niya lang talaga ay kailangan na nitong kalimutan si Sofia. Kailangan na nitong kalimutan ang nakaraan upang hindi na muli ito masaktan. Afterwards, muli siyang napahinto sa paghakbang ng muli siyang tawagan ng binata. "Phoebe, I already ended my love for her." Gulat na gulat si Phoebe sa narinig. "Oo, minahal ko siya noon. Halos tatlong taon din akong nag-suffer nang dahil sa ginawa niya sa akin. But I realized this past few days na oras na para kalimutan siya. This time, I tried to follow my heart. Not my mind. Kasi ngayon, nakasisigurado ako na may isang tao na akong napupusuan." Nagtataka tuloy si Phoebe sa sinasabi ni Neil sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na masaktan ulit kasi nga may bagong karibal na naman siya para kay Neil. "Sino naman po siya?" Biglang naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Kinakabahan si Phoebe sa sasabihin nito. Bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Pinagpapawisan din siya ng malagkit. Maya-maya, he gave her a grin before he spoke. "You will know her soon," nakangiti nitong saad at saka ito tumalikod. Napairap na lamang si Phoebe at muling humakbang para makapasok na sa kanyang kuwarto. Hindi naman niya naiwasan na ma-insecure sa babaeng napupusuan daw kuno ni Neil. Sino kaya 'yong tinutukoy ng mokong na iyon!? Pa-mysterious siya, ah! she said in a displeasure. But deep inside, she's badly jealous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD