Chapter 14

2767 Words
HINDI naging madali para kay Phoebe ang unang araw niya sa school. Bukod sa hindi na siya sanay magsulat at nakalilimutan na rin niya ang mga discussions na natutunan niya noong nag-aaral pa siya, naa-awkward din siya sa kanyang katayuan ngayon. Mukhang siya lang yata ang pinakamatanda na estudyante sa high school department at ang lahat ng mga kasabayan niyang estudyante sa Grade Nine ay sobrang liliit. Akala mo'y parang mga batang nasa elementarya pa lang. Noon kasing kapanahunan niya ay puro mga matatangkad ang kanyang mga kaklase. Mukhang siya nga lang yata ang pandak noon. Hindi maipaliwanag ni Phoebe kung bakit nagkaroon yata ng changes ang height ng mga estudyante sa panahon ngayon. At dahil siya ang pinakamatanda sa kanilang section, maraming sa mga kaklase niya ang nagtatanong kung bakit nag-aaral pa siya ng high school. Sinasagot naman niya ang mga ito ng daretsahan. Simple lang, huminto siya sa pag-aaral noon at ngayon lang nakabalik sa pag-aaral. Mabuti na lang at matatalino ang mga kaklase niya. Nakakaintindi sa sitwasyon niya. Sa first day of school, maraming nakilala si Phoebe na posible yatang maging close friend niya. Isa sa naging kaibigan ni Phoebe ay si Eunice, ang bunsong kapatid na babae ni Tommy na siyang nakasabayan din niya sa enrollment noong nakaraang linggo. Napaka-shy type nang babaeng ito at laging nag-iisa. Pero hindi niya akalain na katulad lang niya si Eunice, sobrang daldal nito kung tutuusin. Maraming pinagsasabi si Eunice kay Phoebe tungkol sa mga hobbies nito katulad ng pagpipinta at pagbabasa ng fiction books sa bahay. Meron pa itong pinagkukuwento sa kanya tungkol sa KPOP at SB19 na hindi naman niya kilala ang mga boy's group na iyon sa totoo lang. Saan bang kuweba siya nakatira at bakit hindi niya alam ang mga uso ngayon!? Break time. Sabay ulit sila ni Eunice na kumain malapit sa oval. Naging puwestuhan na rin nilang dalawa ang upuang bato na nasa lilim ng puno ng talisay. As usual, walang preno ang bibig ni Eunice sa kanya tungkol kuno sa new song ng Black Pink. Wala talaga siyang ideya sa pinagsasabi nito. Hinahayaan na lang niya talaga itong magsalita hanggang sa mapagod. "Ate Phoebe?" "Bakit?" "May boyfriend ka na po ba?" daretsahang tanong ni Eunice sa kanya. Muntikan na tuloy siyang mabulunan sa kinakain niyang sandwich. Mabuti na lang at nasa tabi lang niya ang kanyang tumbler. Kinuha niya ito at uminom ng tubig. "Bakit mo naman naitanong 'yan sa akin?" gulat na tanong niya sa katabi. "Wala. Wala akong boyfriend." "Sure na, ate? Hindi mo pa nae-experience na magkaboyfriend man lang?" Tumango siya bilang sagot. "Oo." "Pero gusto mo pong magkaboyfriend?" Muli siyang tumango. "Oo naman." "Talaga po!? Ate Phoebe, may irereto po ako sa iyo. Baka gusto mo siyang maging boyfriend." Napapataas na ang dalawang kilay ni Phoebe sa pinagsasabi ni Eunice sa kanya. "Sino naman iyan?" Sinasabayan na lamang niya ang kaibigan. "Si Kuya Tommy," kinikilig pa nitong sabi sa kanya. Muli siyang nagulat naman sa sinabi nito. Muntikan na naman siyang maubo. Mabilis siyang umiling. "Naku! 'Wag muna natin pag-usapan ang ganyan. Tsaka lalo na ikaw. Ang bata-bata mo pa, pagboboyfriend na ang iniisip mo." Naiilang na natatawa si Eunice sa kanya. "Naisip ko lang kasi na bagay kayo ni Kuya Tommy, eh." Ano ba 'tong batang 'to!? Bakit niya nirereto ang kuya niya sa akin! nasabi na lamang ni Phoebe sa kanyang sarili. Hindi na lang siya nagsalita kay Eunice at napagpasyahan na lang nilang bumalik sa classroom dahil mukhang malapit ng matapos ang kanilang break time. Nang hapon ding iyon, halos hindi pa natatapos ang discussion ng kanilang huling teacher. Medyo inaantok na rin si Phoebe at sobrang pagod na pagod na siya sa mga discussions buong araw. Mga ilang saglit pa ay biglang nagtiliin ang mga kaklase niyang mga babae kaya pati siya ay napamulat nang marinig niya iyon. "Oh my God! Si Kuya Neil, nandito! Kinikilig ako!" "Bakit nasa labas siya ng pintuan ng classroom natin!? Ako ba ang hinihintay niya!? "Nakakaloka! Ang guwapo talaga ni Kuya Neil!" Ito ang mga naririnig ni Phoebe sa mga kaklase niyang babae matapos siyang maalimpungatan sa mga tili nito. Kahit nasa unahan pa nila ang kanilang teacher ay parang hindi na yata nakatutok sa discussion ang mga ito dahil nakatutok ang mga mata ng mga kaklase niyang babae sa labas ng bintana at parang may tinitingnan. Napatingin naman si Phoebe sa bintana at laking gulat niya nang makita niya si Neil na nakatayo roon habang nababagot itong nagse-cell phone. Shuta! Ano'ng ginagawa ng pesteng mokong na 'yan dito!? natataranta tuloy niyang tugon sa sarili. Ang usapan kasi nila noong nakaraang araw ay walang bibisita na kahit sino man sa kanilang dalawa kung nasaan man sila sa school. Ayaw raw kasi ng binata na iniistorbo ito habang nag-aaral. Pati rin siya ay pinagsabihan niya ito. At dahil mukhang wala na yatang nakikinig sa teacher nila, napag-isipan na lamang nito na i-dismiss ang klase. Kumakaripas ng takbo ang ilan sa mga babaeng kaklase ni Phoebe papalabas ng classroom. Nagtutulukan ang mga ito at kinikilig na pinapanuod nila si Neil na parang wala yatang pakialam sa mga iyon. Jusko! Type na type pala ng mga bagets itong mokong na 'to! Bakit ngayon ko lang ‘to nalaman!? Natatawa si Phoebe sa nangyayari. Hindi niya akalain na pinagkakaguluhan pala itong mokong na ito sa high school department. Magtatanong na lang siya kay Eunice kung bakit ganto nagkakandarapa ang ilan sa mga babae sa high school kay Neil. Hindi ba alam ng mga ito kung gaano ito kasungit at bipolar? Pilit na lumabas si Phoebe sa pintuan ng classroom. Nakipagsiksikan pa talaga siya para lang makalabas. Nang makalabas siya, napansin kaagad siya ni Neil. "There you are! Ang tagal mo! 'Di ba sabi ko, five o' clock tayo uuwi. Hindi pa kita matawagan dahil hindi ko naman alam ang number mo." "Wala akong cell phone, 'no, for you information. Tsaka, eto naman! Five thirty ang tapos ng klase ko. Hindi naman yata pwede na mag-skip ako ng klase para lang makauwi tayo ng five," sagot ni Phoebe sa masungit niyang amo. Hindi naman nakasagot si Neil sa kanya. Inirapan lang siya nito at mabilis na inalis ang nakasabit na bag sa likuran. Napansin naman ni Phoebe na parang natahimik yata ang mga kaklase niya ng kausapin siya ni Neil. Hindi yata alam ng mga ito na amo niya ang masungit at bipolar na lalaking tinatangkilik ng mga ito, sa kasamaang palad. "Kuya Neil, puwede po magpapicture sa iyo?" May isang babae na kaklase niya ang lakas loob na lumapit kay Neil. "No," sarkastik nitong sagot. Pagkatapos ay bigla na lang siyang napaigtad sa pagkakatayo ng itapon sa kanya ni Neil ang bag nito. Muntikan na niyang hindi masalo iyon. "Dalhin mo 'yan at sumunod ka sa akin," masungit na utos sa kanya ni Neil. Walang nagawa si Phoebe kundi dalhin ang mabigat nitong bag at sumunod siya sa binata. Mukhang nireregla na naman ang amo niya. Bakit kaya? *** MEDYO naba-badtrip si Neil nitong mga nakaraang araw magmula ng magsimula ang kanilang pasukan. Nalaman niya kasi na magbabalik-eskwela pala si Sofia at naging classmate pa niya ito sa dalawang minor subjects. Hindi niya yata pumasok sa isipan niya noon na kung bakit naroon si Sofia noong araw na pumayag siyang kausapin ito. Nagpa-enroll din pala ito at wala siyang kaalam-alam. Gustuhin man niyang hindi ito pansinin, hindi naman niya kayang balikwasan ito dahil laging nakaantabay ito sa kanya. Nariyan pang niyayaya siya nitong sumabay sa lunch at tumungo sa library, na minsang hindi naman nila nagagawa rati noong sila pa. Lagi kasi silang pumupunta noon sa isang club tuwing vacant nila. Minsan nga ay hindi na sila pumapasok sa kani-kanilang klase kasi gusto nilang tumambay sa club na iyon. Ngunit ibang Sofia yata ang napapansin ni Neil ngayon. Hindi na ito katulad ng dati na parang walang pakialam sa academics. Laging wal-wal. Napapansin niya kasing tutok na tutok na ito sa discussions at laging seryoso pagdating sa pag-aaral. Sumagi tuloy sa isipan ni Neil na baka nagbago na nga itong si Sofia. Minsan isang araw ay napilitan siyang sumama kay Sofia mag-lunch sa fast food restaurant ng university. Gusto niya talagang tumanggi dahil gusto na niyang iwasan ito. Sa kasamaang palad, parang may kusang tumutulak sa kanya na sumama sa dalaga. Kaya natagpuan na lamang niya ang sarili na kasama niya ito sa fast food. Pinagtitinginan din sila ng mga estudyante dahil marami ring nakakaalam sa relasyon nila noon pa man. Hindi sa pagmamayabang, isa si Neil sa pinakasikat na estudyante sa university na iyon. Bukod sa kaguwapohang taglay ng binata, bilib ang mga estudyante sa kanya dahil tinaguriang matalino siya pagdating sa academics. 'Yon nga lang, nagbago ang tingin ng mga tao sa kanya ng maging sila ni Sofia. Nawala kasi siya sa landas at lahat ng mga estudyante sa university na iyon ay nagulat ng makitang hindi na masyadong seryosong nag-aaral si Neil. Bumaba ang grado nito hanggang sa tuluyang bumagsak. Lahat yata ng mga tumatangkilik sa binata ay sinisisi si Sofia sa pagkabagsak ni Neil sa ranggo ng mga matatalino. Ibinuhos kasi ng binata ang atensyon kay Sofia. Naging bulag siya sa kanyang sitwasyon noon. Kaya, heto, patuloy pa rin siyang nag-aaral na dapat sana ay graduate na siya noong nakaraang taon. Tahimik lamang sina Sofia at Neil na kumakain sa isang lamesa. Tila parang wala yatang balak magsalita ang isa sa kanila at parang nagpapakiramdaman pa ang mga ito. Nang hindi na matiis ni Sofia ang nakabibinging ingay ng katahimikan, nagsalita na siya sa kaharap. "Okay lang ba 'yong chicken pop na binili ko sa iyo?" masayang tanong ng dalaga kay Neil. Binigyan ni Neil ng pansin ang dalaga bago siya nagsalita. "Oo naman," maikling sagot niya rito. "Mabuti naman. Naalala ko kasi na paborito mo iyan, eh. Nagpapabili ka nga sa akin niyan kapag lunch time." Automatic na natigilan si Neil sa pagnguya niya sa kanyang pagkain dahil sa sinabi nito. Hindi niya ini-expect na ipapaalala iyon ni Sofia sa kanya. Magmula kasi ng maghiwalay sila, tuluyan na niyang kinalimutan ang lahat ng mga masasayang pinagdaanan nila ng dalaga. Ayaw na niyang balikan iyon o pag-usapan pa. Hindi na lang sumagot si Neil at pinagpatuloy niya ang kanyang pagnguya sa pagkain. Mga ilang saglit pa ay muling nagsalita si Sofia sa kanya. "Neil, can I ask you a favor?" "Ano?" Umismid pa ito bago nagsalita. "Akala ko kasi maaalala mo. Birthday ko next Saturday. Gusto ko lang sana kitang imbitahin na dumalo sa konting salo-salo. Gusto ka rin ma-meet ni daddy." Kunot-noong binalingan niya ng tingin si Sofia. "A-Ako? Gustong makita ni T-Tito—n-ng daddy mo?" Nakangising tumango si Sofia. Kitang-kita sa mukha nito ang kaligayahan. "Oo naman. Ilang taon na ba kayong hindi nagkikita ni daddy? I'm sure he will glad to meet you again," saad nito. Biglang nagbago ang expression ng dalaga. Biglang naging seryoso ang mukha niya ng may dumaan na ala-ala sa isipan. "Gusto raw niya kasing bumawi sa akin. Natutuwa naman ako dahil nagkakasundo na kami ni daddy. Noon kasi hindi kami magkasundo, 'di ba? Kaya ko nga pinapabayaan ang studies ko dahil sa pagmamalupit niya sa akin noon. Noong tanggapin niya ulit ako sa poder niya matapos akong iwan ni Kristofer, pinilit ko ang sarili ko na magbago. Kaya, heto, pinapakita ko rin sa iyo na seryoso na ako sa pag-aaral ko." "B-Bakit naman ako gustong ma-meet ng daddy mo?" "I don't know," kibit-balikat na tugon ni Sofia. "Punta ka, ah. He will expect you to come." He doesn't even know what to answer. Nagdadalawang-isip siya kung papayag ba siyang dumalo sa birthday party nito. Mayroong bumubulong sa kanya na huwag pumayag sa alok nito ngunit may nagtutulak naman sa kanya na pumayag siya. But then, he nodded afterward. Siguro naman ay walang masama kung dadalo siya sa birthday ni Sofia. He wanted to meet his father again. Matagal na rin kasi niya itong hindi nakikita. "S-Sige. I will come." Natuwa naman si Sofia kaya ngumiti na lang siya at hindi na nagsalita pa. Tahimik na pinagpatuloy na lamang nila ang kanilang pagkain doon. *** MAGA-ALAS-SAIS na ng gabi ngunit wala pa rin si Phoebe. Naiinip na si Neil kakahintay sa kanyang sasakyan. Hindi naman niya ito matawagan dahil sa pagkakaalam niya ay walang cell phone ang dalaga. Sinabihan na niya ito na five o' clock ang kanilang call time para umuwi, at pinagbigyan pa niya ito ng ilang minuto dahil five thirty ang labasan ng mga ito. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalaga. Maga-alas-sais na ng gabi at isang oras na siyang naghihintay sa kanyang sasakyan. Nasaan na ba kasi 'tong babaeng 'to!? Ba't ang tagal!? nababagot niyang saad sa sarili. Nabubuwisit siyang lumabas ng sasakyan at malakas na isinara ang pinto. Pupuntahan na lang niya siguro ito sa high school department para sunduin. Papahakbang na sana siya ng bigla siyang napahinto nang makita niya si Sofia na papalapit sa kanya. Nagtataka siya kung bakit nandito pa ito ngayon. Akala kasi ni Neil ay umuwi na ito kanina. "Nandito ka pa? Sino hinihintay mo?" nakangiting tanong ni Sofia nang makalapit ito sa kanya. "Ahm... 'yong... 'yong—" "'Di bale, may favor sana ako sa iyo. Kung puwede lang." Hindi na siya pinatapos nito sa pagsasalita. "Ano iyon?" he asked. "Puwede bang maki-hitch? Nasiraan kasi ng sasakyan 'yong driver namin. Mukhang matatagalan pa bago niya ako masundo. Puwede bang magpahatid sa iyo?" Nagugulantang si Neil sa pinagsasabi nito. Teka? Si Phoebe? Naghihisterikal na sabi naman ng kanyang utak. "M-May hinihinta—" Muli siyang hindi pinagsalita nito dahil laking gulat ng kanyang mga mata ng bigla siyang sunggaban ni Sofia ng halik sa labi. Mabilis na itinulak ni Neil si Sofia upang itigil ang kahibangang ginagawa nito sa kanya. Naguguluhan naman ang kanyang isipan kung bakit nagawa iyon ni Sofia sa kanya. Hindi tuloy siya makapagsalita ng tingnan niya ito. Litong-lito ang expression ng kanyang mukha. "Neil, I know you still love me. Kitang-kita ko pa rin sa mga mata mo ang lahat. Kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon na mahal mo pa ako. Kaya nga ako nagbalik kasi alam kong may pag-asa pa na magiging tayo. Please, let me fill your heart again," may pagmamakaawa ang boses na tugon ni Sofia sa kanya. Napatigagal si Neil. Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Gulat na gulat siya sa pinagsasabi ng dalaga. Pati na rin ang kanyang puso, halos matanggal na ito sa kanyang dibdib dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Maya-maya pa ay parang napagtanto niya na tama ang sinasabi ni Sofia sa kanya. Ever since they broke up, may pagmamahal pa rin siyang natitira para kay Sofia. Oo, inaamin niya talaga iyon. But he always tried to remove that feeling kasi nga niloko siya nito. Sinaktan nito ang puso niya. Unfortunately, kusang naglalaban ang galit at pagmamahal niya para sa dalaga kaya nga hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya. He wanted to felt mad at her dahil sa pangloloko nito, pero ano nga ba ang ini-expect niya sa puso niyang tanga? Si Sofia ang kanyang unang pag-ibig. Si Sofia ang kanyang unang minahal. Ngunit galit naman siya rito. Nakakalito at pabalik-balik. Tuluyan na yata siyang sasabog dahil sa kalituhan ng kanyang puso at isipan kung ano ang dapat niyang sundin. Sofia pulled him closer to her body and gently occupied his lips again. This time, the pleasure had begun to prevail on his body. Bumababa-paakyat ito sa buong katawan niya na naging dahilan upang pang-initan siya ng katawan. Neil suddenly saw himself grabbing her waist, also pulling it close to his body. Sumasabay na rin siya sa indak ng halik nito. He missed that taste, the taste of her love and her lust. Sa pagkakataong ito, gusto niyang angkinin ulit ang dalaga dahil ito ang gusto ng kanyang puso at katawan. On the other hand, his mind urged him to stop the pleasure moment. May biglang sumagi sa isipan niya na mali itong ginagawa niya ngayon. Mali itong kahibangan na nangyayari sa kanilang dalawa ni Sofia. Pinutol niya ang halik na iyon. Napaatras si Neil at napayuko. Umiling pa siya sa dalaga as a sign na hindi dapat na nangyayari ito. After that, he looked on his right side para maiwasan niya ang tingin nito. Ngunit biglang namilog ang mga mata ni Neil nang makita si Phoebe na parang estatwang bato na nakatayo hindi kalayuan sa kanilang dalawa ni Sofia. Gulat na gulat ang mukha ng dalaga sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD