AFTER two weeks, mabilis na nakarecover si Phoebe sa fracture ng kanyang paa. Nakalalakad na siya ng maayos matapos niyang magpa-physical therapy at ngayon ay mukhang kailangan na niyang iwanan ang minamahal niyang saklay.
For that two weeks, she has been always hunting by her doubt feeling for Neil. Gusto niyang alisin ito sa kanyang puso ngunit hindi naman niya magawa. Paano nga ba niya magagawa iyon kung ang mismong binata naman ay laging pumapalapit sa kanya. Lalo na't lagi siya nitong inaasar o kung hindi man ay lagi siya nitong inuutusan ng kung ano-anong wala namang kabuluhan. Ang nangyayari lang ay natatagalan ang trabaho niya sa bahay.
She even tried to avoid him para lang mawala itong hindi niya maintindihan na feeling para sa kanyang dibdib. But in the end, Neil had been there for her. Hindi niya kayang iwasan ito lalo na't sila lang dalawa ang naiiwan sa bahay kapag umaalis na sina Tita Salud at Kenneth papunta sa jewelry shop.
Two days before the opening of the school year, nagpaalam si Phoebe sa kanyang amo na si Salud upang mamili ng mga gagamitin niyang gamit para sa eskwela. Pinayagan naman siya nito at mag-isang pumunta sa isang book store sa mall. Nang araw ring iyon ay wala si Neil. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Baka may pinuntahan lang ito saglit. Mabuti na rin iyon para hindi laging bad trip ang araw niya. Wala kasing mokong na mang-aasar sa kanya.
Habang nag-iikot sa mga stall si Phoebe, napatingin siya sa dala-dala niyang checklist. Listahan ito ng mga gamit na bibilhin niya para hindi niya makalimutan. Punong-puno na rin ang dala niyang basket ng mga school supplies, at kasalukuyan English dictionary na lang ang hinahanap niya para matapos na siya sa pamimili.
Muli siyang lumipat ng ibang stall nang mapansing wala roon sa kabila ang hinahanap niya. Mabuti na lang at nakita na niya ang hinahanap sa kasunod na stall. Sa kasamaang palad, hindi niya ito maabot dahil sa sobrang taas ng pagkakalagay nito. Isa siya sa mga henerasyon ng mga babaeng kinulang sa height.
Pinilit pa rin ni Phoebe na abutin ang dictionary na iyon. Ilang saglit pa ay biglang may isang kamay na umabot niyon at kaagad na ibinigay ito sa kanya. Paglingon niya sa kanyang tabi ay tumambad sa kanya ang matangkad na lalaki na minsan na rin niyang nakilala noong nasa Cavite sila ni Neil.
"Hi Phoebe!" masayang bati sa kanya ni Tommy.
"Tommy?"
Tumango ang binata sa kanya. "Yes, ako 'to. Ba’t parang gulat na gulat ka yata na makita ako?" natatawa nitong wika kay Phoebe.
"Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako nag-expect na magkikita tayo rito. Wow! Mabuti na lang at nagkita tayo!" masayang tugon naman ni Phoebe rito. "Bakit nandito ka sa Maynila?"
"Pinagbibili ko lang 'yong kapatid ko ng mga gamit niya sa school," sagot sa kanya ni Tommy. Sa sobrang tangkad nito, halos nakatingala na ang ulo ni Phoebe.
"May book store rin naman siguro sa Cavite, ano? Bakit dumayo ka pa sa Maynila para mamili lang ng school supplies?"
Natawa si Tommy sa saad niya. "Actually, nagbabakasyon lang kami rito sa Maynila. Hindi na namin inaksaya ang araw kasi magpapasukan na. Babalik na kami bukas ng kapatid ko sa Cavite. Eh, ikaw? Kamusta ka na nga pala?"
Nahihiya siyang ngumisi rito. "Eto. Okay lang naman."
"Okay na 'yong paa mo? The last time we’ve met, nakacast pa iyan. Ngayon, nakalalakad ka na."
"Kaya nga, eh. Mabuti na rin iyon para hindi na ako mahirapan sa pagsasaklay," pagbibiro niya sa binata. Biglang naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Sadyang nagkatinginan sila ni Tommy na kaagad namang inalis ni Phoebe rito ang tingin niya dahil nakaramdam siya ng pagkailang sa sarili. Halos sabay silang napangiti dahil mukhang wala na yata silang maisip na puwedeng pag-usapan pa. "Siya nga pala, salamat sa pag-abot ng dictionary na ito. Hindi kasi ako biniyayaan ng height," pagbibiro na lang ni Phoebe sa kanyang sarili, para naman may masabi siya.
For the second time, Tommy laughed at her joke. "Don’t be bad to yourself. Natural lang naman sa mga babae ang ganyang height. Tsaka, walang anuman,” nakangising tugon ni Tommy.
Mga ilang saglit pa ay biglang naalala ni Phoebe ang sinabi ni Neil sa kanya noon na huwag siyang lalapit sa Tommy na ito. Naitanong niya sa kanyang sarili kung bakit ba ayaw no'ng mokong na iyon na lapitan niya ang matangkad at guwapong lalaking ito. Sa nakikita naman ni Phoebe sa inaakto ni Tommy sa kanya ay mukhang mabait ito. Tapos gentleman pa.
But then, nasagi rin naman sa isipan niya na baka tama nga si Neil. Baka nga manyak 'tong si Tommy at kailangan na niyang lubayan.
"A-Aalis na ako, ah. Kailangan ko pa kasing bayaran ito," naiilang niyang paalam kay Tommy at dali-dali siyang umalis sa kanyang kinatatayuan.
But Tommy called her again na ikinahinto niya sa paghakbang. Nilingon pa niya ito. "Bakit?" she asked.
"Can I have lunch with you?" Tommy asked.
Tila nagdadalawang-isip ang utak ni Phoebe nang tanungin siya ni Tommy. Ini-invite siya nitong makipag-lunch. So ano ang magiging desisyon niya?
Hindi kaagad nakapagsalita si Phoebe. Napatingin muna siya sa kanyang suot na relo at nakitang maga-alas-dose na ng tanghali. Her tummy started to grumbled. Mukhang nagugutom na rin siya at tinatawag na siya ng kanyang tiyan upang pakainin na niya ito ng tanghalian.
Pero paano 'yong sinabi ni Neil na layuan ito? Ang panget naman kung tatanggihan ko ang alok niya. Magla-lunch lang naman kaming dalawa. Wala naman yatang masama roon, 'di ba?
Naisipan na lang ni Phoebe na pumayag sa offer ni Tommy sa kanya. Para naman may makasabay siya sa pagla-lunch. Isinantabi na lang muna niya ang sinabi ni Neil. Baka naman kasi niloloko lang siya ng mokong na iyon. Mukhang mabait naman 'tong Tommy na ito. Bahala ka, mokong ka! Sasama ako kay Tommy!
Sabay na pumila sina Tommy at Phoebe sa cashier. Nang matapos nilang bayaran ang kanilang pinamili, saka naman sila lumabas ng book store at sabay na naglakad papalayo sa lugar na iyon. Walang ideya si Phoebe kung saan siya dadalhin ni Tommy. Natagpuan na lamang niya ang sarili na dinala lang siya nito sa isang buffet restaurant. Kuwento pa sa kanya ng binata, sobrang sarap daw ng pagkain doon. Hindi na rin siya nag-alala sa kanyang babayaran na pagkain dahil nagpasya si Tommy na i-libre siya nito kahit sobrang nakakahiya para kay Phoebe.
"By the way, ilang taon ka na nga palang nagtatrabaho kay Neil?" minsang tanong ni Tommy sa kanya habang magkaharap silang kumakain sa buffet restaurant na iyon.
"Dalawang buwan pa lang ako. Hindi naman si Neil ang nagpapasuweldo sa akin eh, kundi 'yong mama niya."
"Ganun ba. Taga-saan ka nga pala? Bakit ka napunta rito sa Maynila para magtrabaho bilang kasambahay?"
"Naku! Ang layo ng pinanggalingan ko. Taga-Leyte talaga ako. Napunta lang ako rito sa Maynila dahil may inirekomenda 'yong kaibigan ko sa akin na trabaho. Nagbayad pa ako sa kanya ng Limang Libong Piso kasi sabi n'ya down payment daw ‘yon. 'Yon pala, niloko lang ako. Ninakaw lang niya ang pera ko."
Nakabuka ang bibig ni Tommy nang dahil sa gulat. "Grabe naman 'yang kaibigan mo! Pero nakuha mo naman siguro 'yong pera mo sa kanya, ‘no?"
Umiling si Phoebe. "Hindi na nangyari iyon. Noong araw kasi na dumating ako sa Maynila, nabiktima rin ako ng hold-up. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Tita Salud niyon dahil nakita nila akong walang malay sa kalsada. Nagpapasalamat na lang din ako kasi hindi ako pinatay ng mga holdaper na 'yon. Kinupkop ako ni Tita Salud no'ng malaman niya na naghahanap ako ng trabaho, at ginawang niya akong kasambahay nila. Kaya heto ako ngayon. Eh, ikaw? Siguro naman, eh, hindi tayo magkapareho ng sitwasyong pinagdaanan, 'no?"
Biglang natawa si Tommy sa sinabi niya. 'Tapos ay umiling siya bilang hindi pagsang-ayon. "Hindi rin. Iba ang kwento ng buhay ko kumpara sa iyo. Sorry for what happened to you, Phoebe. Sobrang tragic pala 'yong nangyari sa iyo no'ng dumating ka rito sa Maynila. Siguro kung ako lang ang nakakita sa iyo noon, malamang at baka kinupkop na din kita bilang kasambahay ko. I just love your personality. Kahit sobrang tragic na ang nangyari sa buhay mo, still, you have the audacity to smile. Bilib ako sa iyo," pagko-compliment naman ni Tommy sa kanya. "At napakasuwerte yata ng mother ni Neil dahil ikaw ang naging kasambahay niya. Also his son—Neil."
Napangiwi si Phoebe. "Masuwerte yata si Tita Salud na naging kasambahay niya ako. Pero mukhang malas yata sa anak niya dahil ako ang naging kasambahay nila. Ang sungit-sungit. Laging may mood swing no'ng unang nakilala ko siya. 'Tapos ngayon naman, parang baliw. Lagi akong inaasar ng mokong na 'yon."
Muling natawa si Tommy sa pagkukuwento niya.
"Magkuwento ka naman ng buhay mo, Tommy. Siguro naman ay puwede kong marinig dahil magkaibigan na tayo, ‘di ba?" confident na saad ni Phoebe sa binata. Natapos na niyang kainin ang mga pagkain na nakalagay sa kanyang plato kaya mabilis naman niyang pinagdiskitahan ang kanyang ice cream na nakalagay sa isang cup upang ito naman ang kanyang kainin.
"Nah! Sobrang boring ng buhay ko. Sabi ko nga, hindi ko naranasan ang naranasan mo. Kaya nga ako bilib sa iyo, eh. Ikaw lang ata 'yong babaeng nakilala ko na sobrang tapang when it comes to life struggles."
"Talaga ba?" She stopped eating her ice cream and stared at him. She's in the middle of shock. "Siguro anak-mayaman ka, 'no? Naku! Nakakahiya! Nakakahiya itong inaasta ko rito sa harapan mo." Ang tinutukoy ni Phoebe ay 'yong pagkilos niya kung paano siya kumain sa harapan nito. Ubos na kasi ang pagkain na nasa plato niya. But when she looked at his plate, punong-puno pa iyon ng pagkain.
"No! It's okay. Kumain ka. I am enjoying your company naman. Narealized ko na ang sarap mong kasama compare sa mga kaibigan kong mga mayayaman," he frankly said.
Umaktong sumimangot si Phoebe. "Ayoko ng kumain. Nakakahiya sa iyo, eh!" sabi pa niya. Ngunit muli na naman siyang ngumiti dahil binibiro lang naman niya si Tommy. "Joke lang! Sarap ng ice cream, eh. 'Di ko kayang tanggihan ito, 'no."
Muling natawa si Tommy sa pagbibiro ni Phoebe sa kanya. He actually liked her. Parang may something kay Phoebe na ikinatuwa ng kanyang puso habang kasama niya ito. He admitted that it was his first time to experience this kind of feeling na hindi man lang niya naramdaman noon. And he's glad to meet this bubbly lady in his life.
Inubos ni Phoebe ang kanyang kinakain na ice cream. Tinunggab pa niya ang cup para ubusin pa lalo ang laman niyon. Nang matapos niyang tunggabin ang cup, napansin ni Tommy na may naiwan pang cream sa itaas ng labi nito. Kinuha ni Tommy ang tissue at malayang pinahid ang dumi sa labi ng dalaga. He genuinely smiled afterward.
"Sorry. Ang takaw ko talagang kumain. Pasensya na," paghihingi ng paumanhin ni Phoebe sa binata.
Isang oras ang nakakalipas ay napagdesisyunan nilang dalawa na lumabas na sa restaurant na iyon. Maga-ala-una na ng tanghali at kinakailangan na ni Phoebe umuwi dahil may trabaho pang naghihintay sa kanya sa bahay.
Bago pa man sila maghiwalay ng daraanan, kinausap muna ni Tommy si Phoebe.
"Thank you for spending your time with me, Phoebe. Sana maulit ito," nakangising tugon ni Tommy.
"Ako rin. Natutuwa ako kasi nagkakilala tayo," sagot naman ni Phoebe. "Alam mo, nagtataka talaga ako kung bakit galit si Neil sa iyo. Bakit kaya?"
Parang may bumaon sa lalamunan ni Tommy nang sabihin iyon ni Phoebe sa kanya. Then, he acted cool about it. "Nah! He is just insecure because I'm more handsome than him," nasabi na lamang niya.
Natawa naman si Phoebe sa sinabi ng binata. Hindi na rin siya nagsalita dahil totoo naman na mas guwapo itong si Tommy kaysa kay Neil. At kung ikukumpara niya sa ugali, mas gusto niya ang ugali ni Tommy kaysa sa mokong iyon na minu-minuto ay bigla na lang nag-iiba ng ugali.
Muling nagpaalam si Phoebe kay Tommy. But before she walked, hinawakan siya ni Tommy sa kanyang braso. She turned around and confront him again. Nagtataka siya kung bakit siya nito hinawakan sa kanyang braso.
"Bakit?" she asked.
"Puwedeng humingi ng cell phone number mo?"
"P-Pasensya na, Tommy, ah. Hindi ko rin nasabi sa iyo na wala akong cell phone. 'Di ba nga, na-hold—"
"HEYYY!"
Napahinto si Phoebe sa kanyang pagsasalita nang biglang may marinig siyang isang malakas na sigaw 'di kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Sabay pa silang dalawa ni Tommy na napatingin sa isang dako.
Namilog ang mga mata ni Phoebe nang makita niya si Neil na mabilis na naglalakad papalapit sa kanilang dalawa. Nakasalubong ang dalawang kilay nito at nanlilisik ang dalawang mga mata. Pagkatapos ay mabilis nitong tinulak si Tommy at sinigawan.
"I'm warning you! 'Wag si Phoebe! Naiintindihan mo ba ako!?"
"TOMMY!" gulat na gulat niyang sigaw nang makita niya ang ginawa ni Neil. Mabuti na lang at hindi natumba si Tommy. "Tommy, okay ka lang!?" nag-aalalang tanong pa ni Phoebe.
Hindi na nagawa pang kausapin ni Phoebe si Tommy dahil mabilis siyang hinawakan ni Neil sa kanyang kamay at hinila papalayo sa lugar na iyon.
***
PILIT NA PUMIPIGLAS si Phoebe sa pagkakahawak ni Neil sa kamay niya. Sobrang bilis nitong maglakad at parang nakakaladkad na siya. Mga ilang minuto pa ay napahinto sila sa isang dako. Hinila pa siya nito sa harapan upang kaharapin siya.
"'Di ba sabi ko sa iyo 'wag kang lalapit sa lalaking 'yon! Hindi mo ba ako naiintindihan!?" Nanginginig ang bagang nito dahil sa galit.
"Bakit ba kasi galit na galit ka kay Tommy!? Wala namang ginagawa 'yong tao sa iyo," sagot naman ni Phoebe.
"Ah so ganun. Ako pa yata ang may kasalanan. Ikaw na nga itong pinoprotektahan ko!"
"Pinoprotektahan ka diyan!? Wala namang ginagawang masama si Tommy sa akin! Hindi mo ko kailangang protektahan. Ang sama mo talaga paminsan-minsan. Sabihin mo nga sa akin! Ano ba ang ikinagagalit mo kay Tommy at bakit galit na galit ka sa taong ‘yon!?"
"Manyak nga 'yon! Babaero 'yon! Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako noon sa iyo nang sabihin kong mas manyak pa 'yon sa akin!? Ang sa akin lang, eh, 'wag kang lalapit sa gag*ng 'yon! Baka saktan ka lang niya!"
Hindi tuloy makapagsalita si Phoebe. Feeling din niya ay parang sasabog na siya kasi naiinis na rin siya sa inaakto ni Neil sa kanya. Bakit ba ayaw ng mokong na ito na maging masaya ako!?
"Wala na ba talaga akong karapatang sumaya!?" singhal pa ni Phoebe.
"Sa tingin mo ba ay sasaya ka sa babaerong 'yon!?" saad naman sa kanya ni Neil. "Pakinggan mo na nga lang ako!"
"Bakit naman kita pakikinggan!? Eh, hindi mo naman hawak ang buhay ko! Tsaka, kaano-ano ba kita!? Amo lang naman kita, eh. Sobrang napakaconcern mo naman yata sa akin," nakabusangot ang mukha ni Phoebe na saad niya rito. Pinipigilan niya ang kanyang luha na huwag tumulo sa kanyang pisngi. "Kahit kaligayahan ko, pinipigilan mo."
Ngunit nabigo siya. Bigla na lang tumulo ang luha niya ng hindi sinasadya. Ayaw niya talaga ng ganitong eksena dahil lumalambot ang puso niya. Mabilis lang siyang maluha sa isang sitwasyong hindi kaya ng kanyang kalooban.
Hindi tuloy makagalaw si Neil nang mapansin niyang lumuluha sa kanyang harapan si Phoebe. Ito ang pinakaunang beses na nakita niya si Phoebe na umiiyak sa kanyang harapan. Parang may kung anong kirot naman siyang naramdaman sa kanyang dibdib nang mapansin ito. He wanted to approach her para patigilin ang luha nitong malayang tumutulo sa magkabilang pisngi. He wanted to wipe those tears because that was one of his weaknesses. Lalo na no'ng mga panahon na sila pa ni Sofia. Ayaw niyang may makakakita siyang babae na umiiyak sa kanyang harapan dahil pakiramdam niya ay naaawa siya o nagi-guilty siya sa kanyang ginawa rito.
Mas pinili na lang niyang pagmasdan si Phoebe kahit na parang pinagtutulakan na siya ng kanyang sarili na gawin ang nararapat gawin—ito ang i-comfort ang dalaga.
Afterward, he grabbed her right hand again and pulled her inside the shop. As for Phoebe, she didn't notice na nasa jewelry shop na pala sila ni Salud. Nasa loob s'ya ng Precious Gems. Ngayon lang siya nakapasok dito sa totoo lang.
"Sit down there and wait for me. Sabay tayong uuwi ngayon. I'll just get my jacket inside," tugon ni Neil sa kanya.
Hindi na lang nagsalita si Phoebe. Sumunod na lang siya sa utos ng binata at umupo roon sa isang upuan. Hindi na rin niya binalingan ng tingin ito dahil ayaw niya na makita ang pagmumukha ng binata. Nakayuko lamang si Phoebe habang nakaupo. Mabuti na lang at tumahan na siya sa kakaiyak.
Maya-maya pa ay dumating na si Neil.
"Let's go."
Matamlay na tumayo si Phoebe. Nakabusangot pa rin ang kanyang mukha. Naunang naglakad si Neil sa kanya papalabas ng jewelry shop. Sumunod naman siya rito. Ngunit nang makalabas siya, naramdaman na lamang ni Phoebe na hinawakan siya ni Neil sa kanyang kamay ng sobrang higpit. Gusto niyang makawala sa pagkakakapit nito sa kanya ngunit hindi naman niya magawa.
Ang ending, magkahawak-kamay silang dalawa na naglakad hanggang sa makalabas sila ng mall. Nagtatanong ang isipan ni Phoebe kung bakit naisipang hawakan ni Neil ang kanyang kamay. Habang nangyayari ang lahat ng iyon, parang biglang nawala ang lungkot niya. Parang automatic na naging masaya siya. Palihim siyang napapangiti habang magkasabay silang naglalakad ni Neil. Mukhang kinikilig yata siya. Tumatalon ang puso niya nang dahil sa kilig. Normal lang ba itong nararamdaman niya ngayon?