PHOEBE started to felt uncomfortable after they've talked. Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay nararamdaman niya ang t***k ng kanyang puso. Walang tigil iyon. It felt like there was something inside of it na akala mo'y may nagkakarerahan. Paano ba naman? Nang tanungin siya ni Neil kung may gusto ba raw siya rito, bigla na lang siyang nataranta. Does she like Neil?
Wala 'no! sabi ng kanyang utak. But her heart refused. What!? batid ni Phoebe sa kanyang sarili.
Simula pa lang nang magtama ang kanilang mga mata ng binata, mayroong koneksyon na siyang naramdaman para rito. She doesn't even know that. It just merely runs through her eyes down to her heart... na ikinapintig ng kanyang puso noong unang nagkita sila.
Guwapo naman ang binata. Matangkad. Maputi. Mabango. Perfect ideal boyfriend for every girl who dreamed to have a perfect guy to be loved someday. 'Yon nga lang, ayaw ni Phoebe na mahulog ang loob niya sa masungit na iyon. Bukod sa ugali nitong pabago-bago, anak pa rin ito ng kanyang amo na si Salud. Teka? Kasambahay na katulad niya at anak ng kanyang amo? Magiging mag-syota!? Ekis yata iyan para kay Phoebe. Ngunit, hindi naman yata masama, ‘di ba?
Eh, bakit mag-syota na kaagad? 'Di mo pa nga alam kung may gusto ka na sa mokong na iyon!
Nalilito tuloy si Phoebe. Naguguluhan ang kanyang isipan. Basta! Wala siyang gusto kay Neil. Period. Hindi rin puwede na magkagusto siya roon dahil may Sofia ito na umaasa yatang magkakabalikan ang dalawa. Hindi dapat siya maging sagabal sa dalawa.
Bigla niya tuloy naalala ang sinabi ni Salud sa kanya noong nasa hospital siya noon.
"Sana matulungan mo si Neil sa mga magiging desisyon niya kapag nagkataon. Ayoko kasing masaktan siyang muli. Ayokong mabulag siyang muli sa pag-ibig ng dahil lang sa babaeng iyon."
Mas lalong pinagulo iyon ng kanyang isipan. Sa sinasabi kasi ni Tita Salud sa kanya ay parang inuudyok siya nito na pigilan niya si Neil kung sakaling makapagde-decide itong makipagbalikan muli kay Sofia. At sabi rin ni Kenneth sa kanya kamakailan lang ay ayaw raw nila si Sofia para kay Neil dahil bad influence ang babaeng iyon para sa binata.
Naiintindihan na tuloy ni Phoebe ang lahat. Dapat niyang ilayo si Neil kay Sofia. Ngunit sa anong paraan naman niya mailalayo ito sa babaeng iyon?
Ewan ko. Ang gulo. Makatulog na nga.
Inayos niya ang kanyang pagkakahiga sa kama. Tumagilid siya at hinahanap kung saan siya kumportable. Habang nakatitig si Phoebe sa digital clock na nakapatong lang sa bedside table, bigla niyang napagtuunan ng pansin ang kanyang isang daliri na may nakabalot na band aid.
Kusang lumawak ang kanyang labi nang maalala niya kung paano ginamot iyon ni Neil kanina. It's kinda sweet for her. Ngayon lang niya napagtanto na mabait naman pala ang mokong na iyon. Hindi nga lang visible kasi laging nagsusungit.
Muli siyang napatingin sa digital clock. Namilog ang kanyang mga mata nang mapansin niya ang oras. Pasado ala-una na ng madaling araw. Yet, she's still awake. For God sake!
Sinubukan niyang ipikit ang mga mata upang dalawin siya ng antok. Ngunit bigla siya napaigtad sa kanyang pagkakahiga ng may kumatok sa nakasaradong pintuan ng kanyang kuwarto.
Naisip ni Phoebe na baka si Tita Salud ang kumakatok at mukhang may kailangan yata. Hinintay niyang magsalita ang kumatok na iyon.
"Phoebe, gising ka pa ba?"
Napalunok siya nang malamang hindi si Tita Salud ang nagsalita kundi si Neil.
"Phoebe, are you still awake? Please open the door and let me in," muling salita ng binata sa labas.
Heto na naman. Her heart started to pound again. Ano ang gagawin niya? Pagbubuksan ba niya ng pinto ang binata o hindi?
Muling kumatok ng mahina si Neil. Nagsunod-sunod na ito. Napagdesisyunan ni Phoebe na pagbuksan na lang ang binata dahil mukhang may kailangan yata ito. Paika-ika siyang lumakad papunta sa pintuan at hindi na nagawa pang gamitin ang kanyang saklay.
Nang buksan ni Phoebe ang pinto, tumambad sa kanya ang binata na sobrang gulo ng buhok. Mulat na mulat ang mga mata nito na animo'y parang walang tulog. Parang hindi inaantok.
"Ano pong kailangan mo, Sir Neil?" magalang niyang tanong sa binata.
Sumagitsit ito. "How many times that I've told you that you don't have to call me 'sir'. Neil na lang."
"Sorry naman... Neil," she said. "Ano ba kasi ang kailangan mo?"
"I-I can't sleep."
She lowered her shoulders and narrowed her eyes because of dissatisfaction. Akala pa naman niya ay kung anong emergency ang meron. "Ipagtitimpla po ba ulit kita ng gatas?"
Umiling si Neil at tuluyan na nga itong nakapasok sa loob ng kuwarto niya. Napaatras si Phoebe nang makapasok ito.
"No. You don't have to. Dito muna ako. Hindi kasi ako makatulog, eh," aniya at nagtuloy-tuloy pa ito sa paghakbang hanggang sa humiga ito sa kama ng dalaga.
"Hoy! Umalis ka rito. Matutulog na ako," saway ni Phoebe. Natataranta na siya. Nakahiga na kasi si Neil sa kama niya at mukhang wala yatang balak na umalis ito roon.
Nilapitan niya ito at kinalabit. "Umalis ka na. Matutulog na ako."
Hindi ito nagpatinag. Nananatiling nakahiga lang ito at nakapikit ang mga mata. Ano ba ang gusto ng mokong na ito!? Tabi ulit kaming matulog!? No way!
Naalala niya tuloy noong nasa Cavite silang dalawa. Ayaw niyang makatabi ito sa iisang kama dahil naiilang siya. Kaya wala siyang nagawa kundi matulog sa sala kahit ang daming lamok doon. Hindi talaga sila magkatabing natulog noong gabing iyon.
Muling kinalabit ni Phoebe ang binata. Hindi ulit ito tuminag. Napabuntong-hininga na lamang siya at walang nagawa kundi hayaan ito roon. Binalikan niya ang pintuan at isinara ito. At saka naman siya bumalik ulit sa kanyang kama.
So paano siya makakahiga niyan?
Nananatiling nakatayo lang si Phoebe. Pinagmamasdan niya si Neil na mistulang nakapikit ang dalawang mata. Napapakamot siya ng kanyang ulo dahil namumublema siya kung paano siya makakahiga kung naroon ang binata sa kanyang kama.
Nagulat na lamang siya nang bigla siyang hinila ni Neil papunta sa kama. Gamit ang dalawang kamay nito ay sinigurado niya na hindi makakawala si Phoebe sa kanyang bisig. Nagmistula tuloy parang nakapatong si Phoebe sa katawan ni Neil habang ang dalawang kamay naman ng binata ay mahigpit na nasa likuran ng dalaga.
Hindi makagalaw si Phoebe. Gusto niyang makawala roon ngunit hindi niya magawa. Ayaw niya ng ganoong puwesto. Iba ang nararamdaman niya. Kakaiba na hindi niya maintindihan.
At that moment, Phoebe suddenly looked at his face. Nakita niyang nakapikit ang dalawang mata nito at nagkukunwaring natutulog. Nagsisimula na rin siyang mataranta. Sino ba kasi ang hindi matataranta kapag nakadapa ka sa katawan ng isang lalaking ubod ng guwapo!? Kahit walang pag-asa, pinilit pa rin ni Phoebe na makawala sa bisig nito.
Ngunit parang natigilan siya sa pagpupursigeng makatakas. Nang tingnan niyang muli ang mukha ng binata, mukha na itong natutulog. Nagpaulit-ulit ang paglunok ng kanyang laway. At nag-iiba na rin ang pakiramdam niya. She felt like she was overwhelmed by her status. She also felt safe in his arms that were tightly holding it on her back. Para tuloy itong nakayakap sa kanya. Nariyan din ang mabilisang pagpintig ng kanyang puso, hindi maintindihang pakiramdam. Pinagpapawisan siya kahit nakabukas naman ang aircon ng kanyang kuwarto.
Maya-maya, she widely smiled her lips. Totoo na 'to! Kinikilig na nga siya habang pinagmamasdan niya ang mukha ng binata. Mga ilang saglit pa ay natagpuan na lamang ni Phoebe ang sarili na nakasandig na ang kanyang ulo sa dibdib ni Neil. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukang pakinggan ang pagpintig ng puso nito.
Napakasarap yata na maging ganito na lang ang puwesto nilang dalawa. Kung puwede lang sana talaga.
But Phoebe didn't realize that she has been peeking at him after she laid her head into his chest. Napapangisi si Neil nang makita niya ang dalaga na sobrang kumportable sa ibabaw ng kanyang katawan. At hindi lang si Phoebe ang nakakaramdam nito kundi pati rin siya.
Something bothered on his mind. Para kasing napapagaan na ang loob niya kay Phoebe nitong mga nagdaang araw. Nagsimula lang yata iyon nang ipagluto niya ito ng chicken pop bilang ganti niya sa pagligtas nito sa kanya. Hanggang sa unti-unti ng gumagaan ang puso niya para rito.
It's a little bit odd for him. Naninibaguhan tuloy siya sa kanyang sarili. But then, he got used to it. Kaya nga may gana siyang asarin ito lagi dahil nasisiyahan siyang makita na naiinis ito sa kanya. Naging happy pill pa nga niya si Phoebe. Ano ba 'yan?
Hinayaan na lamang ni Neil ang dalaga na isandig nito ang ulo sa kanyang dibdib. After that, he chuckled. Mukhang naring ito ni Phoebe kaya bigla itong napatingala at napatingin sa kanya.
"Tama nga talaga ang hinala ko. May gusto ka nga sa akin," pagbibirong saad ni Neil kay Phoebe habang nakangisi siya.
Biglang namula ang pisngi ni Phoebe. Naging kamatis na naman iyon dahil sa sobrang pula. Sa kasamaang palad, mukhang nakita pa iyon ni Neil. Dali-dali siyang kumilos upang makawala sa puwesto. Nagtagumpay naman siya at naririnig na niyang tumatawa ang binata.
"Umalis ka na nga. Gabing-gabi na. Nang-aasar ka pa rin."
"Just look at your face!" saad pa ni Neil at sinabayan pa nito ng pagtawa. “Sobrang pula.”
Napangiwi si Phoebe at nakaramdam siya ng hiya sa ginawa niya. Napakagaga mo talaga, Phoebe! Ba't ba kasi naisipan mong isandal ang ulo mo sa dibdib ng mokong na 'to!?
Tumayo si Neil sa pagkakahiga at saka niya nilapitan ang dalaga. Ngunit pinigilan siya nito. Napaatras pa nga si Phoebe.
"Huwag kang lumapit. Lumabas ka na please! Matutulog na ako!"
Napapailing na lang si Neil habang nakangisi. Patawa-tawa pa itong lumabas ng kuwarto ni Phoebe. Nang mawala na ito, saka naman nagtatakbo ang dalaga papunta sa kanyang kama. Nahihibang na siya. Kahit tapos na ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng binata, nananatiling pinagpapawisan pa rin siya ng malagkit.