Chapter 11

2171 Words
KINAGAGALAK ni Phoebe ang araw na ito dahil sa wakas ay tinanggal na rin ng doctor ang sementong nakakabit sa kanyang kaliwang paa. Sa kasamaang palad, hindi pa rin siya gaanong makalakad ng maayos dahil kumikirot pa ang kanyang paa. Kaya mukhang hindi pa niya yata kailangang iwanan ang kanyang nag-iisang saklay. Isa pa ay magpapa-physical therapy pa siya upang makalakad na siya habang wala pa ang pasukan. "Phoebe, dito ka muna at kakausapin ko lang ang doctor ko," paalam sa kanya ni Salud habang nakaupo siya sa waiting area ng lobby ng hospital. Tapos na siyang i-checked up ng doctor at hihintayin na lang niya siguro si Tita Salud na matapos sa medical check up din nito. Habang naghihintay ay walang nagawa si Phoebe kundi hilutin ang kanyang kaliwang paa. Maya-maya pa ay dumating naman si Kenneth na may dala-dalang ice cream. "Sa iyo isa, oh," sabi pa ni Kenneth nang ibigay nito ang isang ice cream na hawak-hawak. Tinanggap naman iyon ni Phoebe. “Congratulations sa paa mo!” "Thank you." "Kumusta na nga pala 'yan?" Tinutukoy nito ay ang paa niya. Bumuntong-hininga si Phoebe. "Ganun pa rin. Kahit wala na 'yong semento, hindi pa rin ako makalakad ng maayos kasi parang masakit pa." Patango-tango ng ulo si Kenneth habang nilalasap nito ang sariling ice cream. "Sige lang. Makakalakad ka rin naman balang-araw." "Thank you ulit." "Eh, kayo ni Pareng Neil? Kumusta na kayong dalawa? Nitong mga nakaraang araw ay parang okay na kayong dalawa, ah." Napanguso si Phoebe. "Anong okay? Hindi 'no! Sobrang sungit pa rin sa 'kin ng mokong na 'yon. Akala ko nga nagbago na dahil pinagluto pa niya ako ng chicken pop niya. Ginawa lang pala niya iyon dahil sa pagligtas ko sa kanya." Napatawa si Kenneth. "Pero at least, mukhang okay na ang pakikitungo niya sa iyo. Iba noon kaysa ngayon." Napangiwi si Phoebe. Napakagat niya ang kanyang labi. "Nagkita nga pala ulit sila ng ex niya noong pumunta kami sa Cavite para magpa-enroll." Natigilan sa pagdila si Kenneth sa ice cream nito. "Tapos? Ano'ng nangyari?" curious na tanong ng binata. "Pumayag si Neil na makipag-usap kay Sofia. Sa pagkakaalam ko, gusto raw makipagbalikan ni Sofia kay Neil. 'Yon ang kuwento niya sa akin." He scoffed. "Naku! Malaking problema iyan," nababahalang tugon ni Kenneth. "Bakit naman? Mukha namang mabait 'yong Sofia na iyon, ah. Puwede naman sigurong magkaroon ng second chance sila, 'di ba?" "Hindi rin puwedeng magkaroon ng second chance ang lahat ng mga relasyong nasira na, 'no. Tsaka hindi mo kilala si Sofia. Ako kasi kilala ko siya. At para sa akin, ayoko siya noon pa man kay Pareng Neil." "Bakit naman? Ano ba ang meron sa Sofia na iyan at bakit parang kinaayawan mo, at ni Tita Salud?" she asked because she was getting curious about it. "Iba ang ugali ni Sofia noong mga panahong sila pa. Sobrang bad influence siya sa pag-aaral ni Pareng Neil. Sobrang alcoholic at party goer si Sofia. Halos natutunan na nga ni Pareng Neil na hindi pumasok ng isang linggo para lang makasama at mabigyan niya ng panahon si Sofia. Kasi nga mahal niya ito. Pati si Tita Salud ay nababahala na sa pag-aaral ni Neil. Hanggang sa biglang niloko siya ni Sofia isang araw. Tapos..." Tumigil sa pagsasalita si Kenneth at mariing tumingin sa katabi niya. Nag-aabang naman si Phoebe sa sasabihin nito. "Tapos? Ano ang nangyari?" tanong naman niya. He shooked his head. Binawi ni Kenneth ang kanyang sasabihin. "Wala. 'Di ko puwedeng sabihin sa iyo." "Grabe ka mangbitin 'no! Sabihin mo na kasi!" pagpupumilit ni Phoebe sa binata. Hinawakan pa niya ang suot nitong t-shirt at hinihila-hila. "Hindi puwede. Kay Pareng Neil mo na lang itanong. 'Wag sa akin." Napairap na lang tuloy si Phoebe. Maya-maya pa ay dumating na si Salud at niyaya na silang dalawa ni Kenneth na umalis upang makauwi na sa bahay. Habang nasa biyahe sila, hindi naman mapigilan ni Phoebe ang mapaisip sa ikinuwento ni Kenneth sa kanya noong nasa hospital pa sila. Niloko ni Sofia si Neil? Sa anong dahilan naman? Nakakapanibago lang para kay Phoebe ang lahat. Lahat kasi ng mga nababalitaan niya tungkol sa isang relasyon ay laging mga lalaki ang nangloloko o nang-iiwan. Sumagi sa isipan din niya na kaya rin pala ng isang babae ang mangloko sa isang relasyon? Siguro, oo. Puwedeng mangyari iyon. Wala rin naman siyang ideya pagdating sa ganitong usapan dahil hindi pa niya nae-experience na magkaroon ng boyfriend. At saka, walang perpektong tao. Wala ring perpektong relationship. Kaya hindi na bago ang kaso nina Neil at Sofia. Nakakapanibago lang talaga para kay Phoebe iyon. Subukan ko kayang kausapin si Neil tungkol kay Sofia? Hindi sinasadyang nasagi ito sa isipan ni Phoebe. Nah! Baka magalit pa sa akin ang mokong na iyon! Grabe 'yon magalit, sa totoo lang! Napabuntong-hininga na lamang si Phoebe at inalis na lang ang lahat ng iyon sa kanyang isipan. *** MAAYOS ng nakakakilos si Phoebe kinagabihan. Hindi lang yata siya kumportable noong may semento pa ang kanyang paa. Habang patuloy na nagpupunas siya ng mga pinggan, bigla na lang sumulpot sa kanyang likuran si Neil. Nakasuot na ito ng pajama na kulay sky blue at nakasandong puti rin ito. Napalunok tuloy si Phoebe dahil sa litaw nitong biceps. Kaagad niyang itinuon ang sarili sa kanyang ginagawa dahil baka saan pa mapunta ang isipan niya kapag tiningnan pa niya ulit si Neil, lalo na ang nakakaakit nitong biceps. May kinuhang isang damit ang binata sa laundry area. Nang makapasok ulit ito sa kusina, kinausap niya si Phoebe. "Phoebe, ipagtimpla mo ako ng gatas. Dalhin mo sa kuwarto ko," utos nito at saka umalis papalabas ng kusina. Nakakapagtaka man para kay Phoebe ang lahat, hindi dahil sa ipagtitimpla niya ng gatas ang binata, kundi dahil pinapadala ito ng binata sa kuwarto nito. 'Di ba nga walang sino man ang nakakapasok sa kuwarto ni Neil. Matapos niyang iligpit ang lahat ng pinggan, mabilis naman siyang nagtimpla ng gatas sa isang mug. Mga ilang segundo pa ay dinala na niya ito sa itaas kahit pa nahihirapan siya sa pag-akyat dahil akay-akay rin niya ang kanyang saklay. Pagkapanhik niya sa second floor, napansin niyang naka-wide open ang pintuan ng kuwarto ni Neil. Dito na siya nanghinala dahil lagi nga itong nakasirado. 'Yon nga lang, napansin niyang sobrang dilim sa loob. Ngunit hinayaan pa rin ni Phoebe na pumasok siya roon kahit nakapatay ang ilaw. "Sir Neil?" tawag niya sa binata. Napahinto siya saglit sa paghakbang at tiningnan ang kabuuan ng silid. May mga LED series light ang nakasindi sa taas ng kisame nito. Nakasindi rin ang ilaw ng lamp shade na nakapatong sa side table malapit sa kama. Ngunit hindi niya mahagilap kung nasaan si Neil. Muli niyang tinawag ang amo. "Sir Neil, gatas niyo po!" Bigo ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Napailing si Phoebe at naisipang ilagay na lang sa side table ang gatas nito. Aalis na sana siya nang madako ang kanyang tingin sa picture frame na minsan na rin niyang nakita noong unang pumasok siya sa silid ng binata. Ito 'yong picture nina Neil at Sofia na magkasama. Nagtitingin muna siya sa paligid at baka bigla na lang lumitaw si Neil. Mahirap na at baka sigawan na naman siya nito't kaladkarin papalabas ng kuwarto. Ayaw na niyang mangyari ulit iyon. Nang masiguradong walang tao sa paligid, ibinalik ni Phoebe ang kanyang atensyon sa picture frame na iyon. Kinuha niya ito at pinagmasdan ang bawat detalye ng larawan. Napadako siya sa mukha ni Sofia. "Baliw siguro 'tong Sofia na 'to? Bakit niya niloko si Neil? Ano ang dahilan kung bakit niya nagawang saktan ang Sir Neil ko?" parang baliw na nagmo-monologue si Phoebe habang pinagmamasdan niya ang litrato. "Guwapo naman si Sir Neil, ah! Bakit hiniwalayan mo pa!? Kung ako lang ang magiging girlfriend nitong masungit na mokong na ito, siguro hindi ko siya lolokohin, 'no! Hindi ko siya iiwan kahit bipolar ang isang ‘yon." "Talaga ba?" "Ayyy! Ge-atay!" Napaigtad si Phoebe sa kanyang kinatatayuan nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Halos mamutla ang kanyang balat dahil sa takot. Muntikan na siyang atakihin sa puso. Sa kasamaang palad, nabitiwan niya ang hawak-hawak niyang picture frame. Nabasag ang salamin nito ng mahulog ito sa sahig. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likuran at nakita niya si Neil na nakapamewang habang tinitingnan din siya. "Ano ka ba!? Aatakihin ako sa puso nang dahil sa iyo, eh!" pagmamaktol niya sa binata. Napatingin siya sa nabasag na picture frame. "Ayan! Nabasag tuloy!" "Ikaw pa ang galit niyan, ah?" Dahan-dahang lumuhod si Phoebe sa sahig upang pulutin ang mga bubog ng salamin na nakakalat doon. Napapangiwi rin siya sa sakit dahil naalintala niya na hindi pa pala maayos ang kaliwang paa niya. Dali-dali naman siyang nilapitan ni Neil upang tulungan siya. "Huwag mong pulutin. Masusugatan ka—" "Aray!" napangiwi si Phoebe nang maramdaman niyang nahiwa ang isang daliri niya sa bubog na napulot niya. Lumabas doon ang sugat na kasing-sukat lamang ng butil ng bigas. "Ayan! Sinasabi ko sa iyo! Sabi ko huwag mong hawakan! Ang kulit! Tumayo ka nga diyan. Heto ang saklay mo!" saway naman ni Neil sa kanya at tinulungan naman siya nitong makatayo. "Umupo ka muna diyan sa kama at gagamutin natin 'yang sugat mo!" dagdag pa nito. Saglit na lumabas ang binata sa kuwarto at pagbalik nito'y may dala-dala na itong isang maliit na first aid kit. Umupo si Neil sa tabi ni Phoebe at kaagad na binuksan ang dalang kahon para magamot niya ang sugat ng dalaga. "'Wag mo ng gamutin. Malayo sa bituka, 'to." "Kahit na. Ano'ng silbi ng first aid kit na 'to kung hindi gagamitin?" Kumuha si Neil ng bulak. "Akin na ang kamay mo." Hindi na rin nag-atubiling inilahad ni Phoebe ang kanyang kamay sa binata. Pinunasan muna ng binata ang dumudugong daliri ni Phoebe at saka niya ginamutan ulit ng bulak na may betadine. Matapos linisin ang sugat, huling inilagay ni Neil ang band aid sa daliri niya. "Ayan, okay na. Sa susunod kasi 'wag mong pupulutin ang nabasag. Naiintindihan mo ba ako!?" parang magulang na nanenermon si Neil kay Phoebe. Hindi naman siya nakapagsalita. Mas binigyan niya ng pansin ang nabasag na picture na hanggang ngayon ay nasa sahig pa rin. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "'Yong picture frame nga pala, n-nabasag ko," ani ni Phoebe at sabay pa silang napadako ng tingin sa picture frame na tinutukoy niya. Hinihintay ni Phoebe na sigawan siya ni Neil dahil sa nagawa niyang kasalanan. Ngunit laking gulat niya nang ngumiti lang ito ng mapait. "That's okay. Ako na bahala diyan." Nagtatakang naitaas ni Phoebe ang kanyang dalawang kilay dahil sa in-akto ng binata sa kanya. "Hindi ka galit?" Kibit-balikat naman si Neil. "Bakit naman ako magagalit?" "Picture frame ng ex mo ang nabasag ko, eh. 'Di ba, nagagalit ka kapag may kasalanan ako." "Ganun na ba talaga akong kasamang tao para sa iyo?" "Eh kasi... ano... dapat—" "Don't talk. 'Wag mo ipaalala sa akin ang ginawa ko sa iyo noon. It makes me feel idiot when I remember it." Hindi na lang siya nagsalita. Biglang naghari sa kanilang dalawa ang katahimikan bago mapansin ni Phoebe na parang baliw na nakangisi si Neil sa kanya. "Okay ka lang?" she asked. She thought that maybe he's going crazy at this moment. Ano ang nakakatawa? He posed a wide smile at her. "Tell me. Totoo bang hindi mo ako lolokohin kapag naging girlfriend kita?" Phoebe's eyes began to enlarged. Nanlaki rin ang butas ng kanyang ilong nang dahil sa sinabi ni Neil sa kanya. Peste! Talaga bang narinig niya 'yong sinabi ko kanina! Shocks! Nakakahiya! Ang engot mo talaga, Phoebe, sa totoo lang! "Bahala ka diyan! Alis na ako!" Dali-daling tumayo si Phoebe sa kanyang pagkakaupo. Gusto na niyang makaalis dahil parang naha-hot seat siya sa tanong ng binata. Lalo na't para itong asong baliw na nakangisi. Guwapong asong baliw, ganun! Hahakbang na sana siya nang pigilan siya ni Neil sa kanyang bisig. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Phoebe nang maramdaman niya ang malamig na kamay ng binata. "Teka lang! Tinatanong pa kita!" "Hindi ko na kailangang sagutin iyan dahil mang-aasar ka na naman." "No. I just want to clarify what I heard lately. Totoo bang guwapo ako? Totoo bang hindi mo ako lolokohin o iiwanan kapag naging boyfriend mo ako?" may halong pang-aasar sa boses ni Neil. Hindi na napigilan ni Phoebe na mamula. Parang hinog na kamatis ang dalawang pisngi niya ngayon. Porbida! Ba't ba kasi narinig niya 'yon!? Bumuga siya ng hangin bago ibinalik ang tingin sa binata. "Iiwanan pa rin kita kasi ang hilig mong mang-asar." "Talaga ba!?" Nakakapangloko ang ngiti nito sa kanya. "Ewan ko sa iyo. Alis na ako. Inumin mo na 'yong gatas at baka lumamig pa." Muling siyang humakbang upang makalabas na ng kuwarto. Ngunit nang magsalita ulit si Neil, bigla ulit siyang natigilan sa paglalakad at napalingon dito. "Aminin mo nga. May gusto ka ba sa akin, Phoebe?" And her heart started to throb again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD