MIXED emotion ang nararamdaman ni Neil habang nakatitig siya kay Sofia. Ramdam na ramdam niya sa kanyang dibdib ang galit at sama ng loob para rito dahil sa ginawa nitong pangloloko sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit, sa kabilang banda ng kanyang puso, nakabaon pa rin doon ang pagmamahal na gusto niyang ialay kay Sofia. Mahal pa kasi niya ito—sobra. Ang tanga-tanga niya, 'no? Kahit gustuhin man niyang magalit dito ay hindi pa rin niya magawa iyon. Siya na siguro ang tinaguriang hari ng lahat ng mga tanga pagdating sa pag-ibig.
Tahimik na nakayuko lamang si Sofia habang magkaharap silang dalawa. Sobrang naa-awkward siya sa tingin ni Neil. Para bang mangangain na ang mga titig nito. Kung puwede nga lang mangyari ay hiniling na lang ni Sofia na lamunin na siya ng lupa ngayon para makawala siya sa mga titig ng binata. Ngunit imposibleng mangyari ang kahilingan niya. Eto ang gusto niya—ang makausap si Neil. Matagal na niyang gustong kausapin ang binata pero wala siyang lakas ng loob upang gawin ito noon dahil nga sa ginawa niyang pangloloko rito. Kasalanan niya ang lahat kung bakit naghiwalay silang dalawa. Kung hindi lang siya nagpaloko sa lalaking ipinagpalit niya ay hindi sana magiging ganito ang sitwasyon nilang dalawa ni Neil. Eh, 'di sana ay sila pa rin ng lalaking kaharap ngayon.
"Ano'ng pag-uusapan natin?" panimulang wika ni Neil. Binigyan naman ni Sofia ang binata ng isang tingin na akala mo'y parang batang may kasalanan sa magulang na nagmamakaawang huwag pagalitan. Nanginginig din ang dalawang kamay niya dahil sa sobrang kaba.
"A-About u-us," nauutal pero mahinang sagot ni Sofia rito.
Sumagitsit si Neil. Matagal bago siya nakapagsalita. "Ang kapal lang talaga ng pagmumukha mo para pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa. Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Sofia. We're done, remember? Hindi mo ako mahal dahil mahal mo si Kristofer. Iyon ang sabi mo, ‘di ba?" may halong sama ng loob ang tono ng boses ni Neil. Tinutukoy nito ang lalaking naging dahilan upang hiwalayan siya ng dalaga noon. Si Kristofer Marquez—hinding-hindi niya makakalimutan ang pangalan ng lalaking ito. Oh ano? Nasaan na nga ba 'tong Kristofer na ito? Bakit hindi niya makita ngayon?
"Natatandaan ko ang lahat, Neil. Natatandaan ko kung paano ako nakipaghiwalay sa iyo para kay Kristofer. Nakipaghiwalay ako sa iyo dahil buntis ako sa kanya—"
"Puwede ba! 'Wag mo ng i-kuwento ang nakaraan," nabubuwiset na sabat ni Neil dahil ayaw niyang pakinggan iyon sa kanyang tenga. Kapag naalala niya ang lahat, parang nasasaktan siya at napupunit ang kanyang puso.
"S-Sorry," she said in a hoarse voice. Hindi na tuloy kayang makapagsalita pa ni Sofia dahil parang naiipit ang kanyang lalamunan. Naiiyak din siya. Mabuti na lang at napigilan niya ang pagtulo niyon. "I-I just want to say sorry. Kaya kita hinanap noon matapos akong makunan sa baby ko at makipaghiwalay kay Kristofer dahil gusto kong humingi ng tawad sa iyo."
Napalunok si Neil sa sinabi nito. Awtomatik na nag-iba ang kanyang reaksyon. Nagulat siya. Sobrang visible na rin sa mukha ni Neil ang pagkakunot ng kanyang noo dahil din sa curiosity. "What?" mahinang sagot niya kay Sofia.
"Nakunan ako one year ago, Neil. Hindi ako masyadong naging maingat sa baby ko. Si Kristofer naman, sobrang galit na galit sa akin nang malaman niya na nakunan ako. Dumating din sa punto na sinasaktan na niya ako. Hindi ko naman siya masisisi dahil sinugal niya ang kanyang buhay para sa akin, at sa magiging anak namin dahil nga pinalayas ako ng daddy ko matapos niyang malaman na buntis ako sa murang edad. Alam mo naman kung gaano ka-conservative si daddy, 'di ba? Pero ang tigas pa rin ng ulo ko. At saka, naghihirap si Kristofer na magtrabaho para sa magiging baby namin pero 'yon nga, nakunan ako. Hanggang sa tuluyan kaming naghiwalay dahil sa pagmamaltrato niya sa akin.
"Matapos akong iwanan ni Kristofer, halos ginawa ko ang lahat para mabuhay mag-isa. Nagtrabaho ako para may panggastos lang ako araw-araw. Ilang buwan ang nakakalipas, nakita ako ni Ate Mylene. Nakita niya kung gaano ako naghihirap nang mga panahon na iniwan ako ni Kristofer. Naawa siya sa akin kaya sinabi niya na bumalik na raw ako sa bahay. I don't know what's on my mind that time. Hindi ko kasi inisip na kung babalik ako sa bahay, baka palayasin lang uli ako ni daddy. Pero hindi. Nang umuwi ako sa bahay, nagulat ako dahil niyakap lang ako ni daddy at tinanggap niya uli ako. Magmula niyon, sinubukan kong hanapin ka dahil bigla na lang dumaan sa isipan ko ang ginawa kong pangloloko sa iyo. Sobra akong nagi-guilty sa ginawa ko. Kaya nagso-sorry ako ngayon sa iyo, Neil. Humihingi ako ng tawad sa iyo dahil sa ginawa ko noon. I'm sorry. I'm so sorry."
Hindi na yata napigilan pa ni Sofia ang sarili. Ibinuhos na niya ang luha sa kanyang pisngi habang kinukuwento kay Neil ang mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay. Wala na ring nagawa si Neil kundi pakinggan ang hinanaing ng dalaga. Matapos kasi nilang dalawa na maghiwalay, kinalimutan na niya ito. Pero kinalimutan nga ba niya? Hindi. Instead, patuloy pa rin niya itong iniisip at inaalala kahit na masakit pa rin sa kanyang dibdib ang ginawa nito noon.
And for Kristofer, naisip ni Neil na may lalamang din pala sa kanya sa pagiging immature. Kung mahal talaga nito si Sofia, bakit nagawa nitong maltratuhin at iwanan ng ganun na lang ang dalaga matapos na makunan ito? Sa pagkakaalam kasi ni Neil, ang tunay na nagmamahalan, kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ng dalawang magkasintahan, hinding-hindi pa rin mag-iiwanan. Walang magbabago. For better and for worst, ika nga.
"Mapapatawad mo ba ako... 'Dy?" ani ni Sofia kay Neil.
Mapapatawad nga ba niya si Sofia? Ewan. Magulo ang isipan niya ngayon. Hindi niya alam ang magiging sagot.
"I can't say that for now. Masyado pa kasing malalim ang sugat ko hanggang ngayon nang dahil sa ginawa mo, to think na binago mo ang pagkatao ko simula nang hiwalayan mo ako," Neil explained genuinely. "But rest assured that I will forgive you. Not now, but soon. Kapag naghilom na ang sugat sa puso ko matapos mo itong saktan."
"I understand. My fault. May karapatan kang magalit sa akin dahil niloko kita. At aakuin ko ang galit mo para lang mapatawad mo ako," Sofia answered. She bit her lower lip as she continued her speech. Nananatiling mababa ang boses niya. "Pero, Neil... handa rin ako. Handa rin akong ayusin ang gusot na nagawa ko sa ating dalawa."
Kaagad na napagtuunan ni Neil ang ibig sabihin nito. It means gustong makipagbalikan ni Sofia sa kanya. Handa rin ba siya na magkabalikan silang dalawa?
"Kung ang tinutukoy mo ay may pagkakataon pang magkabalikan tayong dalawa, I don't know the answer. Gusto kong kalimutan ka sa ngayon. I don’t want to be stupid anymore nang dahil lang sa iyo. Ang dami kong pagkakamali matapos nating putulin ang samahan nating dalawa, at ayokong maulit muli iyon," sabi ni Neil habang napapailing siya, and he meant it.
Tipid na ngumiti si Sofia sa sinabi niya. May nararamdaman siyang kirot ngayon. Kinakailangan pa rin niyang ngumiti para ipakita niya kay Neil na hindi siya apektado sa sinasabi nito, kahit ang totoo ay apektado talaga siya. This was also her goal—to ask for a second chance to the man whom she loved before.
'Yon nga lang, hindi niya mapipilit ito.
Tumayo si Neil sa pagkakaupo. Inayos ang nagusot na damit bago nagsalita. "It was nice meeting you again... Sofia. I think this will be our last conversation. Don't bother me again because I already loved someone who is better than you," he confidently said. He raised his hand into her so that he can give her shake hands. Dahan-dahan namang tumayo si Sofia sa pagkakaupo at naguguluhang inabot ang kamay ng binata. Nakipagkamay siya rito.
"I-I will. Thank you for your time," Sofia said worriedly. Nababahala siya sa pinagsasabi ng binata. May girlfriend na siya? No! Hindi puwede, nagrereklamo ang kanyang utak.
Matapos nilang makipagkamay, tuluyan na ngang umalis si Neil sa karinderya na iyon kung saan sila nagtungo. Saktong pag-alis nito ay dumating ang serbidora at nilapitan si Sofia.
"Ma'am, here's you orde—"
"I-take out ko na lang! Ang tagal mo, eh!" naiirita niyang utos dito sabay upo sa upuan. Naguguluhang umalis ang serbidora sa kanyang harapan para sundin ang utos niya.
Hindi pa tayo tapos, Neil. Magkakabalikan pa tayo kahit may mahal ka ng iba, may halong paghihiganting sabi niya sa kanyang sarili.
***
TAHIMIK na nilalasap ni Phoebe ang kanyang pagkain. At mukhang ganito rin naman ang binata ngayon sa kanyang harapan. Nang gabing iyon, napag-isipan na lang ni Neil na tumuloy muna sa ancestral house ng kanyang ama dahil bukas na bukas ay babalik na rin sila sa Maynila. Two weeks na lang ang natitirang araw at magbabalik-eskwela na siya, siyempre, kasama si Phoebe.
Matapos ang pag-uusap ng dalawa sa karinderya, bumalik si Neil sa admin upang puntahan si Phoebe. Tiningnan niya kung ano na ang nangyari rito matapos niya itong iwan.
Nagtataka siya nang makita niya ang mukha ni Phoebe na parang hindi maipinta. Hindi rin siya nito kinakausap nang makauwi sila sa ancestral house. Hindi siya nito pinapansin. Mukhang galit yata si Phoebe sa kanya. Sa ano namang dahilan?
Sobrang tahimik ng loob ng bahay. Para silang mga pipe. Walang sino-man ang gustong magsalita. Nabibingi tuloy si Neil sa katahimikan ni Phoebe sa kanya. Ano ba ang problema ng stupid girl na 'to? Ba't hindi 'to namamansin?
Habang tahimik na kumakain si Phoebe ay lihim namang pinagmamasdan siya ng binata. Dito na siya lakas loob na nagsalita. "Ang tahimik mo yata ngayon? Napaos ka sa enrollment? OA mo, ah," pang-aasar niya rito.
Inaabangan niya kung sasagutin siya ng dalaga, ngunit nabigo siya. She quickly glanced at him and rolled her eyes. Muli itong nagsimula sa pagnguya ng pagkain.
Mukhang galit nga, he thought. Ano ‘tong ka-dramahang inaakto ng babaeng ‘to!? OA niya ah!
Ilang saglit pa ay natapos nang kumain si Phoebe. Kinuha nito ang katabi nitong saklay at dahan-dahang tumayo. Kinuha ang plato na nakapatong sa lamesa at inilagay ito sa lababo bago tumungo ng sala na wala man lang kibo sa kanya.
Kung nagtatampo ka, puwes, hindi bagay sa iyo. Para kang labandera na hindi sinuwelduhan ng amo, tugon pa ni Neil sa kanyang sarili habang nakadikit ang kanyang mata sa dalaga.
"Ikaw maghuhugas ngayon, ah," matigas na utos ni Phoebe sa kanya. Nasa sala na ito.
"Ako? Sino ba katulong dito!?" he shouted.
"Ikaw! Sino pa ba!?" Phoebe mocked. Mukhang wala ito sa mood.
Napatayo tuloy si Neil sa kanyang kinauupuan at tumungo sa sala. Mukhang sinusubukan yata siyang inisin ng stupid girl na ito. He crossed his arms nang kaharapin niya ito. Nakikita na niya itong nanunuod ng TV. "Baliktad na yata ang mundo ngayon."
Hindi ito nagsalita. Instead, binigyan lang siya nito ng isang irap bago muling itinuon ang mga mata sa TV.
Gusto man ni Neil na mainis sa inaasal ni Phoebe ngayon, hindi rin naman niya magawa dahil parang naaaliw pa siya sa kinikilos nito. Iba rin itong si Phoebe kapag nagtatampo, 'no!?
Kung nagtatampo ka, 'wag mo naman ipahalata! Parang baliw, eh, nasabi ulit ni Neil sa kanyang sarili.
Hindi na lang niya pinansin si Phoebe at bumalik na siya sa kusina upang ligpitin ang pinagkainan nilang dalawa. Siya na rin ang naghugas ng mga plato. Walang problema sa kanya iyon dahil kakaunti lang naman.
Wala pa sa kalahating oras ay tapos na si Neil sa paghuhugas ng pinggan. Pagbalik niya sa sala, napansin niyang wala na si Phoebe roon at nakapatay na rin ang TV. Saktong namataan niya ito sa terrace, nakaupo sa isang single na upuan na gawa sa rattan.
Napasandal siya sa margin ng pintuan at muli siyang nag-crossed hands. "Nireregla ka ba ngayon? Ba't kanina ka pa walang kibo diyan," pang-aasar na naman niya.
"Ewan ko sa iyo," mainit ang ulo na sambit ni Phoebe.
Mahinang napahalakhak ng tawa si Neil at saka siya lumapit dito upang umupo sa katabing upuang gawa sa rattan.
"She's Sofia," aniya nang makaupo siya. "She's my ex-girlfriend."
"Ano'ng pinagsasabi mo diyan?" naguguluhang tanong ni Phoebe.
"Baka kasi nagtatampo ka sa akin dahil sumama ako doon sa babaeng nakausap ko kanina. Si Sofia 'yon. Ex ko."
Medyo napangiwi si Phoebe. May halong bitternes ang ngiwi na iyon.
"Hindi mo naman kailangan i-explain sa akin ang lahat, Sir Neil. Wala lang ako sa mood ngayon dahil nakakapagod pumila doon sa pinilahan mo!" dahilan ni Phoebe sa kanya.
"Iyan lang ba talaga ang dahilan kung bakit ka nagtatampo sa akin?" nakangisi niyang tugon sa dalaga. Napalunok tuloy si Phoebe at medyo kinabahan siya sa ngiti na nakikita niya sa labi ni Neil. Ayaw niyang makita iyon. Diyos ko!
"Naga-assume ka rin, Sir Neil, 'no? Ano naman ang pake ko kung kausapin mo ang ex mo? Nagkausap na nga kayo sa mall dati, 'di ba? At kung ano man ang pinag-usapan ninyong dalawa ay wala na po akong pakialam. Makaalis na nga. Matutulog na po ako! Good night!"
Parang tanga 'tong mokong na 'to!
Mabilis na kinuha ni Phoebe ang kanyang saklay upang makatayo na siya. Baka kung saan pa maputa itong pag-uusap nilang dalawa.
"Alam mo ba kung ano pinag-usapan namin ni Sofia kanina? Hindi mo ako tatanungin about doon?" wika ni Neil na ikinahinto naman ni Phoebe sa paglalakad. Humarap siya sa binata at hindi siya nagsalita. Hinintay niya ang karugtong nang sasabihin nito sa kanya. "She felt sorry for what she did to me. Humihingi siya ng tawad sa akin. But I can't accept her apology. Gusto rin niyang makipagbalikan sa akin kaya niya ako kinausap. Pero umayaw ako dahil sabi ko may gusto na akong iba na mas better pa sa kanya. Noong sabihin ko iyon, ikaw bigla ang dumaan sa isipan ko."
She stood up on her ground after what she had heard. Namilog ang kanyang mga mata. Pinipilit niyang itinatatak sa kanyang utak ang sinabi nito. Baka kasi nabingi lang siya.
Pero totoo nga. Totoo nga ang narinig niya. At hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
Nararamdaman niya tuloy ang pagbilis ng t***k ng puso niya nang mga oras na iyon. Parang may mga kabayo roon na nagtatatakbo sa loob kanyang puso. Hindi niya mapigilan ito.
Pinagloloko ba ako ng mokong na 'to!?
Hindi siya nagsalita. Baka kasi may sasabihin pa ang binata sa kanya. Ngunit, dahan-dahan na lumapit ito sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.
"Naniwala ka naman sa sinasabi ko, stupid girl? So sino sa atin ang naga-assume?" bulong ni Neil sa kanya at saka ito umalis sa kanyang harapan.
Tuluyan na talaga siyang sumabog dahil sa inis niya kay Neil. Hayop 'yong lalaking 'yon! Pinaglalaruan ako!
"Tse!!" inis niyang sigaw rito. "Wala kang magawa sa buhay, 'no!? Pinagtitripan mo ako!?"
"Sort of," sabi niya then he chuckled. "At saka ipapaalam ko pa rin sa iyo na hindi bagay sa iyo ang nagtatampo. Amo mo pa rin ako at katulong ka lang namin. Pinagbigyan lang kita kanina. You take advantage from it. Kaya may parusa ako sa iyo dahil pinaghugas mo ako ng plato," sabi ni Neil sa kanya na tuluyan ng ikinanganga ng bibig ni Phoebe dahil sa gulat.
"Papadapain mo ako sa buto ng monggo, ganun!?" nanliliit ang mga matang sagot niya rito.
Umiling naman ito. "Hindi."
"Eh, ano?"
"You will sleep beside me."
"Ano? Ayoko nga! Ayoko kitang katabi."
"Ikaw bahala. Kung ayaw mo, eh, 'di, doon ka sa kabilang kuwarto matulog. Puno ng gamit doon. Ginawa ko iyong bodega. Mukhang matatagalan ka pa sa paglilinis."
Pagkatapos niyon ay mabilis nang pumanhik si Neil papunta sa isang kuwarto. Iniwan niya si Phoebe sa labas.
Nananatiling umiinit ang ulo ni Phoebe nang dahil sa pang-aasar ni Neil sa kanya. Argh! Kakainis ka talaga mokong ka!