"Sayawan na!" lasing na sabi ni Ate Tess. Ako lang ang walang tama sa kanila. Ayaw akong painomin ni Mr. Jaenn dahil baka raw ay buntis ako. Hindi ko alam kung bakit niya iniisip na buntis ako eh hindi naman niya pinuputok sa loob. Kaya lang kanina pa niya ako pinipigilan kaya hindi na lang din ako uminom. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Mr. Jaenn naman ay nakahawak lang sa kamay ko. Kanina niya pa iyon pinipisil-pisil. Paminsan-minsan ay hinahalikan niya ako. Akala ko nga ay magpapakitang gilas siya at kukunin ang mikropono kay Rose pero hindi. Si Rose lang ang palaging kumakanta. Okay lang naman kasi maganda rin ang boses niya. Kanina pa nga ako napapatingin sa kaniya dahil sa ganda ng boses niya. Hindi naman seryoso ang pagkakanta niya pero alam mong maganda talaga kahit na tumataw

