Hindi pumayag si Mr. Jaenn na hindi ako sasama kaya ngayon ay nandito ako sa isang gilid tahimik na nagmamasid sa kanila. Mukhang mabait ang ina ng mga bata kasi ang daming bumabati at mukhang ka-close niya lahat ng nandito. Katabi ko si Mr. Jaenn pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya kasi sa iba ako nakatingin. Pasulyap-sulyap lang sa amin ang lola ni Jenny. Ayaw ko sanang bigyan siya ng pansin kaya lang ay nasa sa kaniya si Jenny. Tinitingnan ko lang si Jenny baka kasi anong mangyari sa kaniya. “Dessert?” tanong ni Mr. Jaenn sa akin. Umiling lang ako, hindi pa naman ako gutom kasi kakakain lang din namin. Tumayo siya at kumuha ng dessert. Kaya lang ay bigla akong natakam nang makita ang kinain niya. Kaya pag-upo niya ay humarap ako sa kaniya para humingi. “Akala ko ba ayaw mo

