"Anong ginagawa ni Rose noong pumasok siya sa kwarto mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi matigil ang isip ko hanggang hindi ko siya natatanong niyan. Nandito kami ngayon sa kama niya. Walang damit sa ilalim ng kumot na ito. Nawawala na ang kalasingan ko. Hindi tulad kanina kung ano-ano na lang pinanggagawa ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "I didn't know she went inside. When?" tanong niya pabalik sa akin. Hindi niya alam na pinasok siya ni Rose? Paanong nangyari 'yun? "Wala. Baka guni-guni ko lang 'yun. Tulog ka na," utos ko sa kaniya. Madaling araw na at hindi pa kami nakakatulog. Inaantok ako kanina pero nawala iyon dahil sa kaniya. Ang dami ba namang ginawa namin. Kung ano-ano na lang na posisyon ang maisipan niya. "Let's sleep," sabi niya pero ang kamay niya ay nasa di

