Wala akong ibang maisip ngayon. Gusto ko na lang magpahinga. Umalis muna at gustk kong mapag-isa. Umaga na. Maaga akong nagising dahil halos hindi naman ako nakatulog. Inaantok pa ako pero hindi ako makatulog. Tulog pa si Mr. Jaenn sa tabi ko. Agad akong bumangon at dahan-dahang lumabas ng kwarto niya. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Baka mamaya ay hanapin niya ako kaya lang ay gusto ko talaga munang mapag-isa. Naligo muna ako at nagbihis. Nagdala lang ako ng kaunting pera. Hindi ko na nadala ang phone ko dahil lowbat na naman. Palagi na lang iyong nalo-lowbat kahit na hindi ko naman ginagamit. Mukhang si Manang pa lang ang gising dahil nasa harapan na siya ng telebisyon. Hindi naman niya ako napansin kaya hindi na ako nakapag-paalam pa. "May bibilhin lang ako, kuya," sabi k

