"Thank you," iyon lang ang tanging nasambit ko kay Allen nang makita kung saan niya ako dinala. Napangiti ako sa kaniya ng bukal sa kalooban ko. Nandito kami ngayon sa isang beach na mukhang walang tao. Kami dalawa lang ang nandito. Kumunot ang noo ko ng lumayo siya sa akin pero tanaw ko pa rin naman siya. "You can have your me time there!" sigaw nito sa akin dahil malayo na siya. Hindi mawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Napapatingin lang ako sa maliliit na alon ng dagat. Ang ganda ng buhangin dito. Napahawak ako roon pero lumubog lang ang kamay ko. Ayaw kong magdamdam ngayon pero gusto ko lang munang huminga. Ayaw kong makaramdam ng sakit kasi palagi na lang sakit nararamdaman ko noon. Rejections galing sa sarili kong ina at sa mga taong nakapaligid sa akin. Ayaw kong umiyak dahil a

