"Where have you been?" alalang tanong ni Mr. Jaenn. Kauuwi ko lang. Hindi na ako nagpahatid kay Allen kasi baka madamay pa siya. Sinabi pa naman niya kaninang hindi niya alam kung nasaan ako. "May nilakad lang," pagod kong sabi. Nanlaki ang mata ni Jenny nang makita ako at mabilis na tumakbo papunta sa akin. Pinilit niya ang sarili niya sa akin kahit na nandito ang daddy niya nakayakap sa akin. "I thought you left us already, Ate," naiiyak na sabi nito habang nakayakap ng mahigpit sa mga hita ko. Umalis si Mr. Jaenn para mayakap ko si Jenny. "Bakit mo naman naisip 'yan?" tanong ko sa kaniya. Inisip ko muna kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Baka may mabitawan akong salita. "Because I heard lola said you were leaving," sabi niya. Hindi makatingin sa akin si Mr. Jaenn. May ibang hinaha

