MAG-ISANG kumakain ng lunch si Julliana sa classroom nila. Muntik na siyang mabulunan nang pumasok sa loob ng classroom si Benjamin. May dala itong lunch box. Lumapit ito at umupo sa tabi niya. “Hey,” nakangiting bati nito sa kanya. Uminom siya ng tubig bago siya nagsalita. “Ano ang ginagawa mo rito?” “Kakain ng lunch,” kaswal na tugon nito. Binuksan na nito ang lunch box nito. “Hindi ba may usapan tayo na ako ang constant lunch date mo? Ang daya mo naman, eh. Ilang araw na tayong hindi nagsasalo sa tanghalian. Miss na miss na kita, alam mo ba? Iniiwasan mo ako, eh.” Nag-init ang mga mata niya. Totoo ang sinabi nito na iniiwasan niya ito. Ilang araw na siyang kumakain nang mag-isa sa classroom nila tuwing tanghalian. Lagi siyang tamilmil kumain dahil hindi niya ito kasalo. “Kain na

