WALA sa sarili si Benjamin pero sinikap niyang mag-concentrate sa isinasagawa niyang operasyon. Hindi siya maaaring magkamali dahil buhay ng tao ang nasa kamay niya. Kahit masama ang pakiramdam niya, pinilit niyang pumasok sa ospital para sa operasyon na iyon. Nang maisara na niya ang hiwa ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Makakaalis na siya roon. Maaari na siyang magmukmok sa opisina niya. Hinayaan niya ang mga intern niya na tumapos niyon at umalis na siya. Kaagad siyang nagpalit ng scrub suit at lumabas ng operating room. Pagdating sa kanyang opisina at kinuha at binasa niya ang note na iniwan ni Julliana para sa kanya. Last night was wonderful but it was also wrong. I have to go while I still can. Hindi na tayo tulad ng dati. May mga masasaktan na at ayokong maranasan ng iba

