“YOU WERE good. I mean, really. You were very convincing, brother.” Natigilan si Pablo sa ginagawa niya nang marinig niya ang boses ng kanyang ate. Nang lingunin niya ito ay prenteng nakasandal ito sa hamba ng pinto patungo sa bedroom niya. Kanina pa ba ito roon? Narinig ba nito ang pag-uusap nila ni Benjamin? Hindi na lang niya pinansin ito. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Nais niyang magwala sa tindi ng sakit na nadarama niya pero parang tinakasan siya ng lakas. “I’m proud of you, Pablo. You finally learned how to give up and give way. Hindi nabawasan ang p*********i mo. Alam kong masakit pero tama ang ginawa mo. Mas masasaktan mo ang sarili mo kung hindi ka bibitiw. Patuloy niyang mamahalin si Benjamin at alam kong alam mo na iyon dati pa. Kaya nga hindi ka sumubok na agawin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


