SINASAMYO ni Julliana ang isang rosas na ibinigay sa kanya ni Ryan nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid. “Tuloy,” aniya habang nakatingin sa rosas. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Benjamin. “Hello,” bati nito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay nito nang makita ang red rose na sinasamyo niya. Umupo ito sa tabi niya. “Wow, rose. Kanino galing?” “Kay Ryan,” sagot niya. “Ang ganda, `no?” Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. “Sinong Ryan?” “Kaklase ko.” Inagaw nito sa kanya ang bulaklak. “Patingin nga. Bakit isa lang ang ibinigay? Ang kuripot naman niya. Huwag ka ngang umasta na tila ngayon ka lang nakatanggap ng bulaklak,” naiinis na sabi nito. May pakiramdam siya na nais nitong durugin ang bulaklak. Natutuwa siya dahil parang nagseselos ito. Kinuha uli niya mula rito ang b

