11

1602 Words

NATUWA si Julliana sa nakikita niyang repleksiyon niya sa salamin. Katatapos lamang siyang ayusan ng kanyang ina. It was her prom night. Nakasuot siya ng simpleng pink tube dress. Nakataas ang buhok niya at bumagay sa kanya ang manipis na makeup. “Can I come in?” tanong ni Benjamin nang sumungaw ang ulo nito sa pinto. Nginitian niya ito mula sa salamin. “Siyempre naman.” Pumasok na nga ito. “Wow,” puno ng paghangang sambit nito. “You’re so lovely. Stand up! Gusto kong makita ang kabuuan mo.” Nakangiting sumunod siya. Umikot pa siya sa harap nito para makita nito ang kabuuan niya. Bahagya siyang malungkot dahil hindi niya ito makakasama sa prom. Wala siyang magagawa sa bagay na iyon. Hindi na ito high school at hindi maaaring outsider ang maging ka-date sa prom nila. Puno ng paghanga an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD