ISANG buwan na ang lumipas buhat nang ma-hospital si Mattheo. Bigo akong malaman kung sino ang mabuting puso na nagbayad ng bills namin. Ipinagdarasal ko na lang na bumalik sa kaniya ang kabutihang ginawa niya para sa amin ng anak ko. Masasabi kong higit na maayos at tahimik ang aking buhay ngayon. Nagsisimula na ako sa aking bagong trabaho. Totoong strikto si sir Luke sa trabaho lalo na sa paggamit ng oras. Bawal na bawal ang late. Mukhang hindi siya iyong tipo na nagsasayang ng oras niya. Sa ilang araw ay napansin kong nakatutok siya sa trabaho at tila wala na siyang iba pang pinagkakaabalahan. Makailang ulit na rin akong nag-OT at sumama sa mga meetings niya. Laking pasasalamat ko na lang na kasama ko si Miss Monica noong mga nakaraang araw para alalayan ako. Unti-unti ay natututunan k

