TATLONG araw nang nasa hospital si Mattheo. At tatlong araw na rin buhat nang makita siya ni Isabel. Gayunpaman ay naniniwala akong hindi niya sinabi kay Max ang aking lihim dahil sa loob ng tatlong araw ay wala akong narinig buhat kay Max o sa pamilya niya. “Kumusta na siya?” tanong ni Ate Eden sa akin. Kadarating lang niya buhat sa university at naka-uniporme pa siya. May bitbit din siyang plastic na naglalaman ng pagkain na siyang hapunan namin. Kanina ay umuwi muna si Nanay sa bahay para makabawi ng tulog dahil dalawang gabi ko na siyang kasama dito at hindi siya makatulog ng maayos kahit pa nga nasa maayos kami na room. Wala akong pagpipilian kundi tanggapin ang solo room na siya na lang mayroon ang hospital noong isinugod namin si Mattheo dito. “Okay na siya, ate. Wala na siyang la

