Natigil ako sa paghakbang nang mamukhaan ang lalaking prenteng nakaupo sa mahabang sofa sa lobby ng aming office building. Sir Kyle? Mapapansin ang pasimpleng pagsulyap sa kaniya ng mga kababaihan. Bakit hindi? Tunay namang nakaaagaw ng pansin ang kagwapuhan niya. Ano naman kaya ang naging sadya niya dito sa gusaling ito? Marahil may iba siyang pakay kaya siya nandito. Sana ay sa opisina namin siya dumiretso kung kami o si Sir Luke ang kailangan niyang makausap. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto ko nang makauwi agad dahil bukod sa napagod ako sa maghapong trabaho, ilang araw na ring magulo ang isip ko. Buhat noong tanungin ako ni Max kung puwede na bang makilala ng pamilya niya si Mattheo ay hindi na ako mapalagay. Ang tanging naisagot ko lang sa kaniya ay 'hi

