Chapter 29 - Consent

2316 Words

ANG sabi nila ay handang gawin ng ina ang lahat para sa anak. Katangahan mang maituturing ngunit nagdesisyon na ako para na rin sa ikapapanatag ko. May karapatan si Max kay Mattheo at gayundin si Mattheo sa kaniya. Handa akong lunukin lahat ng salitang aking binitiwan noon. Sumumpa akong kaylanman ay hindi bibigyan si Max ng pagkakataon na makilala ang anak namin, ngunit handa akong bawiin lahat ng iyon. Isa lang ang sisiguraduhin ko, ang hindi kaylanman makaramdam ang anak ko ng pang-aalipusta buhat sa pamilya ng sarili niyang ama. “What?! Are you insane? Bakit ipapakilala mo ang anak mo sa lalaking ‘yon?!” mataas ang boses ni Jade. Kanina ay inaya niya akong lumabas at agad akong nagpaunlak. Baka sakaling sa paglabas namin ay maipahinga ko ang aking magulong isipan. Hindi ko naman akala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD