MABILIS ang aking mga hakbang patungo sa aking opisina. My mind is a jumbled mess. I'm not even sure if I can work effectively today. Kagabi ay halos hindi ako nakatulog matapos ang pag-uusap namin ni Isabel. Wala umano siyang pinagsabihan ng nalaman niya. Aniya ay nahalata niyang umiiwas si Angel sa kaniya noong magkita sila sa hospital. Malinaw na plano niyang ilihim ang tungkol sa anak. At nagtagumpay siya! Kayrami ng mga tanong sa aking isipan ngunit alam kong tanging si Angel lang ang makasasagot niyon. I don’t know how to react if the child is indeed mine. Wala akong kaalam-alam at gusto kong magalit kay Angel dahil hindi niya sinabi sa akin ang tungkol kay Mattheo. Ngunit sa kabilang banda ay hindi ko siya masisi kung naglihim siya. Tama pa bang isisi ko iyon sa naging kasalanan

