SINULYAPAN ko si Sir Luke na noon ay seryoso habang naghihintay kami sa susundo sa amin sa airport. Sabado ngayon at sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako. Hindi biro ang pinagdaanan ko sa limang araw namin sa Davao. Tatlong planta ang pinuntahan namin! Lahat iyon ay kasama ako sa inspection kaya pagod talaga ako. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil una pa lang ay alam ko na ang magiging trabaho ko. Ito ang kapalit ng malaking sweldo na inalok niya. Nagulat din ako nang abutan niya ako ng sobre kanina at nang silipin ko iyon ay pera ang laman niyon. Bigay umano niya iyon sa pagsama sa akin. At sino ba naman ako para tumanggi? Ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin maikakaila na may pagkamasungit talaga siya at tila galit sa mundo. “Sigurado ka bang hindi na kayo magpapahatid sa iny

