Chapter 14 – Moving on

1625 Words

BATID ko ang lalong paglayo ng distansya sa pagitan namin ni Max. Nasa event room kami ng isang sikat na restaurant kung saan may mga ka-meeting siyang mga negosyante. Kanina ay nag-check out na rin kami sa hotel kung saan kami tumuloy. Mas lalo akong naiilang sa kaniya ngayong alam ko kung gaano kalalim ang galit niya sa akin. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya kahit pa alam ko naman na wala akong kasalanan sa kaniya. I know how much he hates me because of what he said and because of the hatred that fills his eyes whenever he looks at me. Ramdam kong iniwasan din niya akong kausapin. Marahil naisip na niya ngayon na isang malaking pagkakamali na ako ang isinama niya sa business travel na ito. Nakatayo lang ako sa isang sulok ng room at naghihintay ng utos niya ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD