NAPABUGA ako ng hangin bago inisang lagok ang alak sa baso na hawak ko. I'm standing on the balcony of my condo unit. It's late, and the view of the bustling street below me is clear. I wonder where she is right now. Nakauwi na ba siya? Anong ginagawa niya ngayon? Muli kong itinuon ang mga mata sa mga sasakyan sa kahabaan ng highway. Tila isang sumpa dahil awtomatikong nabuo sa isipan ko ang maamong mukha ni Angel. Ang lungkot niya kanina habang naglalakad patungo sa terminal ng jeep. I watched her walk away, hanggang sa humalo na siya sa karamihan ng tao…hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin habang nakatanaw sa kaniya. Hindi ko mapangalanan kung ano ang naramdaman ko. All I know is that I hate that feeling. I asked her to leave, so maybe I w

