1
"IM NOT CRAZY, f**k YOU I SAID HINDI AKO BALIW" Helios said while taking a deep breath
"Wala akong sinasabing baliw, ang sakin lang, lets try--"
"Lewis leave me alone." nakakatakot at maotoridad na sabi ni Helios.
"I'm done. Whether you like it or not, we will have someone to check on you, alam mong marami akong pasan sa likod ko ngayon, yung nangyare, yung grupo, I can't keep my eyes on you Helios! I want someone here with you! Para hindi ako nag aalala" mahabang paliwanag ni Lewis.
"I'm tired of talking to you. Leave. And nga pala, I'm still the boss"
"Yes you are, so move on"
After that argument, Lewis go to the place where he planned to meet the person he's talking about, the person who'll take care to his best friend Helios.
"Hi, sorry miss I'm late, I'm Lewis Tan" Lewis said and stretched his arm for a handshake.
"Ay nako, ayos lang po, I'm Lati Anha Sanchez, pwedeng Latiana or kahit ano hehehehehe." Latiana said and take the handshake.
"This is the contract, you can sign it now so we're all settle" he said, giving the papers to her.
"Wow, totoo ba to? Parang ang laki ng sweldo, saka hindi naman ako nakagraduate bakit ako napili? Don't get me wrong pero bakit hindi totoong psychiatrist kinuha nyo? For sure walang tatanggi dito sa offer." she said, confused.
"First, we don't need a psychiatrist Helios is not crazy, he's just sad and hurt. Second, I had a background checked on you, and I found out that you talk a lot, as in A LOT, and that's what I need, all you have to do is to take care of him, make him happy, make him move on, and make him forget the past, I know you can do it. "
"Sanay ka magtagalog?" out of nowhere, she said.
"This is what I mean, I know you can bring the old Helios" he said while laughing.
"And yeah, nagtatagalog ako" he answered.
"Okiii, kelan ako magsisimula?" she asked
"Tomorrow. Pack everything, I'll fetch you here. Thanks Wednesday, and goodluck"
Latiana's POV
Uubusin ko muna lahat ng pagkain na'to bago umuwi, or pwedeng i-uwi ko rin. Kakaalis lang ni Mr. Tan, si Lewis. Sobrang saya ko na sa wakas may trabaho nako.
Tinignan ko ulit yung kopya ko ng mga papeles na pinirmahan ko, meron ditong maikling description ng aalagaan ko.
Helios Kaziero
28 years old
Major depression and anxiety
Apat na taon ang tanda nya sakin, nakaka curious kung anong nangyare sakanya, bakit humantong sya sa ganito, mayaman naman sya. Sabagay, siguro iba problema nya, ako kase pera lang problems ko.
Napansin ko rin na gwapo sya, dark ang features nya, mukha syang papatay ng tao, hindi sya ngumingiti, sabagay matatakot ako kung biglang ngingiti yung picture nya ditong nakasimangot. Natawa ko sa naisip ko na'yon.
Ano kaya problema nya at nadepress, gwapo naman sya, mayaman, mukhang habulin ng chixx, so whyyy?
Malalaman ko din yan, sa ngayon dapat planuhin ko mga strategies ko para maaccomplish ko to.
"Maaaaaaaa, nandito nako" sigaw ko.
"Ate anong dala mo?" Lumapit sakin si Dan, kapatid kong mas matangkad sakin, matangkad naman ako pero mas matangkad sya. Isang taon lang agwat namin.
"Pagkain yan, kainin nyo ni mama, ayusin kolang gamit ko" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.
"Ma nasan yung twalya kooooo!" sigaw ko mula sa kwarto, inaayos kona lahat ng gamit na dadalhin ko, pumasok si mama sa kwarto ko dala yung twalya kong dilaw.
"Tuloy naba work mo nak? Ingat ka, tawagan mo si Dan ha" bilin ni mama
"Oo naman Ma, sure na sure nayon, nasa bangko kona yung unang buwan, kunin nyo nalang, may onting pera pako, yun nalang baon ko, saka di naman need ng money dun eh" sabi ko while explaining.
"Salamat nak, ingat you there" sabi nya sabay alis.
At some point, excited ako, diko alam kung bakit.
"Ibig mong sabihin, sa malaking bahay na 'to wala manlang kahit isang maid? omg!!" gulat na sabi ko kay Lewis habang papasok kami sa bahay ng alaga ko.
"Yes, Helios doesn't allowed anyone" sabi ni Lewis
Sa haba ng byahe nakapagkwento na ng kung ano-ano si Lewis sakin, kesyo kaya hindi dumudumi yung bahay dahil isang araw sa dalawang linggo may pupunta dito para linisin lahat, pag sinabing lahat as in lahat, kusina, sala, balcony, swimming pool, as in lahat buong mansion.
"Uhm sir, medyo nakakatakot ha, ako lang saka alaga ko nandito, kase-" diko na natapos yung sinasabi ko dahil nagsalita sya
"Dito rin ako uuwi, yung isang kapatid nyang babae, 17 years old, dito rin uuwi. Pero don't expect her or even me to interact a lot with you, busy kase ko sa kompanya, si Gail naman medyo hindi pala-kaibigan" paliwanag nya
"Ay nako sir ayos lang yon, malaman kolang na may kasama kong titira sa mansion na 'to okay na, kering keri" sabi ko
"Well then, tara na, pakilala muna kita kay Helios, susunduin ko pa si Gail after eh"
"Ay sige sir"
"Lewis nalang Latiana" sabi nya, tumango nalang ako.
"This is his room" sabi ni Lewis at saka kumatok sa tinuro nyang kwarto.
Bumukas yung pinto at bumungad samin ang isang napakalaking kwarto, madilim, walang laman, hindi ganon kakalat, hindi rin ganon kalinis, mabango, amoy lalaki, at tahimik.
There I saw the saddest person sitting while watching the clouds in the sky through his window.
"Helios this is Latiana" pakilala ni Lewis sakin
"Send that out" nung narinig ko yung boses nya, it's game over. I will never leave him miserable. I swear to God I'll make him smile again.
"Hello sir Helios, I'm Lati Anha po, Latiana for short, Lati for shorter, Lat for shortest!" I said cheerfully.
Hindi na sya nagsalita, huminga lang sya ng malalim at pinagpatuloy ang pag tulala sa kalangitan.
"Let's go Latiana, dadalhin kita sa kwarto mo" sabi ni Lewis, sumunod nalang ako sakanya.
My room is 1 room away mula sa kwarto ni Helios. Sabi ni Lewis dapat may isang kwartong pagitan, dahil kung hindi, patay daw talaga sya.
Nakahiga nako ngayon, kakatapos kolang kausapin sila mama. Hindi maalis sa isip ko yung nakita at narinig ko kanina, si Helios na ata talaga ang pinaka malungkot na taong nakilala ko.
Dahil don mas lalo akong na curios kung anong nangyare sakanya. I'm sure it's heartbreaking.
Umalis na si Lewis para sunduin yung kapatid ni Helios na si Gail. Hindi sila dito maglulunch, kaya si Helios lang ipagluluto ko.
Tumayo ako at sinimulang maglakad papunta sa kwarto ni Helios, tatanungin ko kung anong gusto nyang kainin for lunch.
"Tok tok, tao po! Tao po ako" i said, habang kinakatok pintuan nya
"Tokto-" hindi kona natuloy yung sinasabi ko kase parang hindi na kahoy yung kinakatok ko.
"Stop, go home" sabi nya saka sinarado yung pinto. BWEYSET
"Sir ano gusto mong kainin? Pagluluto po kita, Sir! Sir" sigaw ko.
"Shut the f**k up and leave me alone" sabi nya. Omaygash leave him alone daw. Super dramaholic talaga ni Sir, mukhang pasan nya buong mundo, isama mona din yung Mars at Venus. HEAVY
Bumaba nalang ako para magluto ng kahit ano.
Pagkatapos kong maluto yung sinigang na baboy na niluto ko, saktong dating nila Lewis at isang babaeng maputing mahaba ang buhok, sya siguro yung Gail, di sila hawig ni Sir Helios.
"Sakto, kakaluto kolang, kumain naba kayo?" sabi ko sakanila.
"Thank you, kumain na kami. Si Helios?" sabi ni Lewis.
"Dadalhan ko pa lang ng pagkain sa taas" tumango lang sya sa sinabi ko. Iaakyat kona sana yung pagkain ni Sir Helios nang mag salita si Gail.
"I'll go with you" sabi nya at ngumiti ng bahagya. Nagulat ako ng onti pero tumango nalang rin.
"Sir! Sir Helios, eto napo pagkain nyo. Sir buksan kona po yung pinto" sabi ko saka pumasok sa loob. Nagtaka ko kase di sumunod sakin si Gail pero hinayaan konalang.
"Sir eto na-" I was cut off. Tumayo sya't biglang humarap sakin saka hinawi yung pagkaing dala ko, and omylala mainit yung sabaw. Napadaing ako ng tahimik.
"I said leave me alone and go home!"
I'm scared....