2

1113 Words
"KUYA WHAT THE HELL! BAT MO GINAWA SAKANYA YON? WHAT IS YOUR PROBLEM?!" nagulat ako sa sigaw ni Gail. Dirediretso sya papunta kay Sir Helios, nagulat ako kase bigla syang humagulgol habang inaalog alog si Helios na gulat na nakatingin sakanya. "Kuya naman, tulungan mo yung sarili mo! Tulungan mo ko! Pagod nako kuya, pagod napo ako, gusto kona tong matapos. Parang awa mona kuya, kung hindi lang dahil sayo matagal nakong nagpakamatay, so please kuya, help me. I want to be in peace, gusto ko yung dati kuya, miss kona po sila ate--" "Please Gail wag ngayon." "Kuya, please. Magpapakamatay ako, pagod nako, sobra. Kaya please tapusin na natin" "I swear to God, tatapusin ko tong sinimulan ko, don't worry. Magpahinga kana" Helios said while taking glances at me.. "H'wag mong pahirapan si Ate Lat, kase pinapahirapan mo din kami at sarili mo" Tumango nalang si Helios at mukhang nag isip ng malalim. Tuluyan nang lumabas ng pinto si Gail. Lumapit ako kay Helios. "Sir ikukuha ko nalang kayo ng panibagong pagkain, ako na din magliligpit nyan. Wait lang po" sabi ko at aktong aalis nang magsalita sya. "Are you hurt?" buong tanong nya. Nagulat pako nung una pero umiling nalang din ako. Lumipas ang ilang oras at dumating ang hapunan. Naghanda ako ng adobo, sinigang, tinola, at menudo, dahil nabanggit sakin ni Lewis na gusto ni Gail ng maraming putahe. Kumatok ako sa kwarto ni Gail. "Gail, uhm kain na tayo" "Wait." "Oki, baba kanalang ha, tatawagin ko si Sir" sabi ko saka naglakad papunta sa kwarto ni Helios. "Sir! Sir Helios, kain napo. Sir buksan kona po ah" sabi ko saka binuksan ang pinto ng kwarto nya. Naabutan ko syang nakatulala nanaman sa kawalan. Imbis na ayain sya ay umupo ako sa harap nya. "Sir kaninong gitara yon?" tanong ko habang nakaturo sa itim na gitarang nakasabit sa wall ng kwarto ni Helios. Nung una'y hindi sya sumagot pero niyugyog ko sya at mukang nainis sya. "It's mine, obviously" sabi nya. Tumayo ako para kunin yung gitara at naupo ulit sa harap nya. Tutugtugin kona sana ito nang magsalita sya. "You don't -" "Shhhh" pinahinto ko sya mula sa pagrereklamo at sinenyasang tumahimik. "This hurts like hell, but I keep telling myself, It's gonna get better, but it's taking forever. " I'm singing while looking at him. "I tried to go out, but every time I leave the house" he locked his eyes to mine. "Something reminds me, of what's now behind me, everyday I let go, just a little bit more" I smiled at him then closed my eyes to feel the music. "In the end I'm gonna be alright, but it might take a hundred sleepless nights" "To make the memories of you disappear, but right now I can't see nothing through these tears" binukas kona ang mata ko at sumalubong don ang mata nyang may halo-halong emosyon. Ngunit sa dami ng emosyong yon, lungkot at pighati ang nakikita kong nangingibabaw. "Kain na tayo Sir? Alam mo ako? basta makakain lang ako masaya nako, kaya pag natikman mo ang luto ko, pustahan ngingiti ka." pagmamalaki ko sakanya "Really?" sabi nya habang nakangisi. "Omg, ayan, yaaan. Ngumiti kana sir ah!" pagbibiro ko. "Dumb." sabi nya saka tumayo at lumabas. Sumunod ako sakanya. "Hoy sir alam ko yon, nagjojoke lang naman ako, super funny mo talaga, funny-walain" tatawa-tawang sabi ko habang nakasunod sakanya. Nabangga ako habang naglalakad, sa kadahilanang huminto sya at humarap sakin. "Shut that mouth or I will" sabi nya. Sumenyas nalang akong isinipper ang aking bibig, nakooo mahirap na kung mapano pa. "You're a good cook Latiana" sabi ni ichoserang Lewis. "Thanks Lewis" "Ngayon lang ulit kita nakitang kumain ng ganyan karami Gail" nakangiting sabi ni Lewis, tinignan ko yung pagkain ni Gail, hindi yon ganon karami. Tapos sasabihin ni Lewis na madami, siguro super onti nya lang kumain. "Yup, nakakaganang kumain pag hindi ko iniintindi si kuya, madalas kase I can't eat because I'm thinking if Helios already eaten" paliwanag nya habang kumakain. "By the way, thanks Ate Lat" sabi nya saka tipid na ngumiti sakin. "Di mo 'ko kailangang intindihin" sabi ni Helios sa kapatid. Umiling-iling lang si Gail at Lewis, ayaw makipagtalo kay Helios. "Helios, next month na ipapasa yung kompanya kay Xymon, may plano ka naba?" sabi ni Lewis. Hindi ko alam yung sinasabi nya kaya lihim akong napatingin kay Helios, tinitignan ang magiging reaksyon nya, ngunit walang nagbago, kalmado at hindi parin masaya. "I'll handle that, don't worry" sagot nya. "Are you sure?" "Oonga Kuya, okay kanaba?" "Oonga naman Sir" pakikisali ko. Nagulat ako dahil tumingin silang tatlo sakin. "Pakialamera." sabi ni Helios. "Grabe ka Sir, nakijoin lang ako para 'di ako op, harsh nito" "Tapos nakong kumain, ligpitin mona yan" "Tapos naman na tayong kumain, aalis na kami, sasamahan ko mag enroll si Gail" sabi ni Lewis "Ok." "Ingat kayo byeee" Hating gabi na ng magising ako dahil naririnig kong may kumakatok sa pintuan ko. Tumayo ako at binuksan yon, nakita kong nakatayo si Helios, naka pajama, walang damit, at may dugo sa isang balikat. "Sir uhn-" "Nasira ata yung tahi, can you help me with this?" "Oo naman sir, pasok ka" "Wait lang sir, nasan ba yung mga gamit panggamot?" "Paki-kuha nalang sa kwarto ko, bilisan mo." pagkatapos ng sinabi nya nayon ay tumakbo nako papuntang kwarto nya. Pagdating ko don, nakabuyang-yang na yung mga gamit, mukhang inumpisahan nyana kanina yon, dapat umpisa palang nanghingi na sya ng tulong, trabaho ko naman yon. "Sir akin na yung braso mo" sabi ko saka sinimulang linisin yung tahi nyang dumudugo. "Sir, pwedeng magtanong?" nag-aalangang sabi ko. "I got that cut 1 month ago, my brother and I had a fight, that's why" sabi nya, nahulaan nya yung itatanong ko. Nanahimik nalang ako at pinagpatuloy ang paglilinis. Matatapos nako ng tumalikod sya sakin, doon mas nagulat ako. "Sir Heli-" "Clean the 2 gunshot and 8 more cuts there" Hindi ako makapagsalita. Yung sinasabi nyang lilinisin ko ay yung mga sugat na malapit palang maghilom, hindi kasama sa bilang nayon ang mga malalaking peklat na nagpapatunay kung ano na ang pinagdaanan nya. Kahit gulat na gulat ay natapos ko ang paglilinis ng mga sugat nya. "I'll sleep here." mas lalong na warshock ang pagkatao ko. "Can I?" "Uhm syempre naman sir, bahay mo to kahit saan pwede ka matulog, sige sir matulog kana, ikukuha kita ng damit, dun ako sa sala o kaya dun sa bakanteng kwarto ako matutulog" "Okay, wag mo na'kong ikuha ng damit" sabi nya saka tuluyang humiga sa kamang dapat na tutulugan ko at pumikit. Wala akong nagawa kundi ng maglakad papunta sala at matulog nalang sa malambot na couch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD