3

1480 Words
"Hey, Latiana, gising" umaga na nang magising ako, ginising ako ni Lewis. "Good morning sir" "Bakit dyan ka natulog?" "Kase gusto ni sir Helios sa kwarto ko matulog eh" "ANO?!" sabay na sigaw ni Lewis at ni Gail na kadadating lang. Mabilis na umakyat si Lewis at sumunod agad si Gail, syempre sumunod narin ako. "o.. my. god.." mabagal na reaksyon ni Gail. Nalilito ko bakit sobrang gulat silang dalawa. "Bakit, ano meron?" tanong ko. "What time is it?" tanong ni Lewis, tumingin agad ako sa relong suot ko. "8 am po" "Oh God, thanks" "Tara na, baka magising sya" nakangiting sabi ni Lewis. Bumaba na kaming tatlo sa sala, napansin kong nakangiti silang pareho "Uhm ano meron hehehehe" sabi ko, nahihiya dahil hindi ko alam kung okay lang ba makisawsaw. "I think Helios is trying his best to move on" "Huh?" "Kuya Helios never leave his room because he always hold the memories lying there, we always want him out of his room, so it's shocking na, n-na sa kwarto mo sya natulog" "Ah ganon ba." sagot ko. Kung ganon, he's really trying his best. Pagkatapos kong magluto, pinuntahan kona si Gail at Lewis na nanonood sa sala. "Kain na tayo, tawagin kolang si Sir-" dikona natapos ang sasabihin ko dahil may narinig kaming malakas na kalabog mula sa kwarto ko, sa kwarto kung nasaan si Helios. Nagkatinginan kaming tatlo, at mabilis na umakyat papunta sa kwarto. Doon naabutan namin si Helios, nakaupo sa sahig, nagdudugo ang kamao, may dugo sa pader, mukang sinuntok nya yon. "What the f**k?" dismayadong sigaw ni Lewis. Hindi natinag non si Helios kaya nag walk out nalang si Lewis. "K-kuya" umiiyak na bulong ni Gail, umalis din sya habang umiiyak. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok at lapitan sya. Umupo din ako sa lapag at tumapat sakanya. "Ayokong sabihin na it's okay, dahil alam kong hindi, pero I'll say na I understand you, I will try my best to. It's okay to cry, you can cry, you'll have my shoulder to cry on. I will listen to all your rants, I will cry with you, I'm willing to help you" sabi ko, naiiyak narin ako. Mas lumapit ako sakanya at niyakap sya. "Helios, I'm here" pagkatapos kong sabihin yon, naramdaman kong humihikbi sya. "I don't what to bother anybody, I don't want to be a burden, but s**t I don't want to be alone too, I'm tired fighting alone, I'm so tired sleeping with a hell pain and waking up with the same feeling. How can I stop it, how can I forget all of it." sa sinabi nya nayon, hindi kona mapigil ang luha ko. Hinawakan ko ang mukha nya gamit ang dalawang kamay ko, tinitigan ko sya sa mata. "Trust me, I'll erase all the pain, and I'll give you hope. That's a promise Helios." sabi ko habang may luha paring tumutulo sa mata ko. Nakatitig lang sya sakin. "Please don't hurt me" mas nawasak ako sa mga sinabi nya. Lumipas ang mga araw at tuloy padin ako sa pagtatry na mapangiti si Helios. Nandon na yayain ko syang mamasyal, kukwentuhan ko sya ng mga katangahan ko, lulutuan ko sya ng mga pagkain, aasarin ko sya, at madami pang iba at bilang na bilang kolang sa daliri ko ang pagngiti nya, mas marami pa atang beses na nabwisit sya kesa sa natuwa. "Tapos yon sabi nung judges mali daw yung naannounce na winner, ako daw pala yung winner hahahaha tapos yon nagalit na sakin yung -" natigil ako sa pagkukwento sakanya ng walang kwentang nangyari nung highschool ako ng bigla nyang iaabot sakin yung gitara nya. "Nabalitaan ko kay Lewis na sobrang daldal mo." "Oo, medyo." "Pwede ba tumahimik ka pag kasama ako" prangkang sabi nya. "Ang harsh." tawa ko saka kinuha sakanya yung gitara. "Pwede kang kumanta" "Weh, sabihin mo gusto mo talagang kumanta ako." "Shut up." sabi nya pero nahuli kong ngumiti sya pagtapos sabihin yon, diko nalang pinansin at palihim ding ngumiti. "Do you love the rain? Does it make you dance When you're drunk with your friends at a party?" "What's your favorite song, does it make you smile? Do you think of me?" "When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'? Everything, I wanna know it all" "Wag kang tumitig nang ganyan sakin Sir, baka mag assume akong ikikiss mo ako" biro ko. "You assume it right, Lati" sabi nya saka lumapit at sinakop ang labi ko. Na-warshock naman ako. Naghiwalay kami mula sa halik pero magkalapit parin ang aming mga mukha. "Thanks for being here, Lati" "Kung nagpapasalamat ka talaga, magdate tayo" "What the fuck." sabi nya, natatawa tawa "Sige na, libre kita" sabi ko, tumatawa rin. "Sure ka? Ikaw manlilibre?" "Oo no, binigyan ako ni Lewis ng bonus eh, sagot kita Sir" sabi ko, tonong nagyayabang. "Unfair, you call Lewis by his name, pero pag sakin may Sir padin" "Hello? Amo po kaya kita" "Amo mo din si Lewis ah?" "Sabi nya okay lang na walang sir" "Okay lang din sakin na walang Sir okay?" "Oo na, sige sige." tawa ko dahil para syang batang nagtatampo. "San mo ba ko ililibre?" "Payag kana? Omgiiiii, tara na magbibihis lang ako" sabi ko saka aktong aalis ng sigawan nyako. "Saan nga Lati?" sigaw nya "Secret Helios magbihis kana" sabi ko saka dumiretso sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko, naghanap agad ako ng damit. "Ate Lat" nagulat ako, hindi ko alam na sumunod pala si Gail sakin. "Oh Gail, may ipapagawa kaba?" "No, I just want to thank you, I know a thank you is not enough sa nagawa mo sa kuya ko, pero sana alam mong sobrang laki ng utang na loob namin sayo, because of you nakikita na ulit namin syang ngumiti, nakita ko kayo kanina, and I swear, almost 9 months na rin, ngayon kolang sya ulit nakitang tumawa, ngumiti, dumaldal, at tumitig sa isang babae nang ganon katagal." I can see the sincerity in her eyes. "Gail, the very first time I saw your brother, I promise myself that I will help him stand again, at yun ang ginagawa ko ngayon, so trust me." sabi ko. Nabigla ako dahil bigla nya kong niyakap. "Thank you, the moment I saw you alam kong hindi ka katulad ni Kiara, sige na ingat kayo ni Kuya" sabi nya saka tumalikod at lumabas ng kwarto ko. Gusto ko pa sanang tanungin sakanya kung sino yung Kiara kaso lumabas na sya, kaya tinuloy konalang ang pagbibihis. "A mall? Seriously Lati?" sabi ni Helios na hindi makapaniwalang sa mall kami magdedate. "Oa mo naman, tara nood tayo sine" sabi ko saka hinawakan yung kamay nya, napansin kong napatingin sya don. "H'wag mo nga akong hilahin, tsk" "Ang bagal maglakad, matangkad nga maliit naman biyas" sabi ko. "Okay" pagkatapos nyang sabihin yon ay ako ang hinila, ang lalaki ng hakbang nya, okay aaminin kona, hindi naman talaga maliit biyas nya, sa totoo lang mahahaba yon, inaasar kolang sya kanina. "Uy" kalabit ko sakanya. "Why?" "Bagalan mo onti lakad mo please hehe" sabi ko medyo nagpapacute sakanya. Ngumiti lang sya na nang-aasar pero binagalan nya rin ng onti yung pag lalakad. "Gwapo mo talaga Sir" sabi ko, tinignan nya ko ng masama. "Bakit? Gwapo kanaman talaga" sabi ko saka ngumuso. "Not that, I'm aware of that, stop calling me Sir" "Ay yun pala" Ako ang pumili ng panonoodin namin, pinili ko yung Anohana, mukang maganda eh. "Uhm Helios, bitawan mo muna kamay ko, magbabayad ako ng tickets natin" "Oh, sorry" sabi nya saka hinagis ang kamay ko. Halata namang gusto nya makipag holding hands. "Tara dun tayo maupo" sabi ni Helios saka hinawakan ulit ang kamay ko at hinila ako papunta dun sa dulo. "Huy, walang tao ron eh." "Kaya nga dun tayo eh" naramdaman kong kinilig ako kaya iniling-iling ko yung ulo ko para mawala yon, nagpahatak nako sakanya papunta sa upang gusto nyang upuan namin. Hindi pa man nangangalahati yung pinapanood namin ay iyak nako ng iyak, ang kwento kase ng Anohana nato ay magkakababata sila, namatay yung isa at lahat sila hindi pa makamove on. "Crybaby." "Epal mo naman eh" Natapos namin yung movie at lumabas kami ng sinehan na maga ang mga mata ko. Buti nalang may panyo ako. "Tara kain muna tayo, san mo gusto?" "There." turo nya sa isang restaurant. Mukhang mamahalin pero bahala na. "Ma'am your bill is 3,830 po, credit or cash?" parang niyanig ang mundo ko sa narinig. Di agad ako nakasagot at napansin kong natatawa si Helios. Humarap ako sakanya at bumulong, "Uy kulang pera natin huhu" sabi ko, nakakahiya. "Here's my card" hindi nya ko pinansin at inabot nalang yung itim na card dun sa cashier. At lumabas na kami. "Grabe ang mahal dun." "Lati, kala koba ikaw ang manlilibre sakin?" nakangising tanong nya. Sasagot na sana ko ng may tumawag sa pangalan nya. "Helios."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD