SUMISIGAW sa iyak si Rosana habang tinatabunan ng lupa ang kabaong ni Lola Linday. Nakahawak sa kanya si Stan na kahit ilang beses niyang itulak hindi siya binibitawan. Wala na siyang lakas upang awayin pa ang asawa dahil ang atensyon niya ngayon ay nasa lolay niya. Iyak siya nang iyak ganoon rin si Donya Amaya halos silang dalawa ang umaagaw ng atensyon sa sementeryo. “Sasama ako sa ‘yo, baby. Gusto ko na rin mamatay!” hagulhol ng donya. Bigla itong kinapos ng hininga at napahawak sa kanya hanggang nahimatay ang Donya. “Mom?!” sigaw ni Stan sa likod niya. Bibitawan sana siya ni Stan ngunit may biglang sumulpot na matangkad na lalake. “Mom? mom?!” alalang-alala ang lalake at binuhat nito. “S—Sebastian???” bulalas ni Rosana at napatingin sa kanya ang lalake. Napanganga siya nang

