"Hindi ako ang mahal mo." muling sambit ko at walang hintong tumulo ang mga luha ko. Para itong ulan na patuloy ang pagpatak. Wala ding hinto ang pagkirot ng puso ko. Para itong binibiyak sa sakit. Hindi ko magawang tumingin sa kan'ya. Natatakot akong makita ang magiging reaksyon niya ngayong nalaman niya na ang totoo. Natatakot akong makita ang pagkamuhi sa mga mata niya. Baka hindi ko kayanin. "Si Hannah..." pag banggit nito sa pangalan ng babaeng totoong niyang minamahal. "Sino si Hannah?" he asked. Umiling ako. Hindi ko kayang sagotin ang tanong niya. Hindi ko kaya. Sobrang sakit na. Iyong pag amin ko pa lang ng totoo sobrang hirap na at sobrang sakit na. Hindi ko alam kung paano sasagotin ang tanong niya. Kung sino talaga si Hannah sa buhay niya. Hindi ko magawang mag salita para a

