Tulalang nakatitig ako sa mukha ng anak kong natutulog pa rin hanggang ngayon. Ilang tubo na rin ang nakasabit sa kanyang katawan, alam kong nahihirapan na siya kaya nahihirapan na rin ako ngayon. Pero wala akong magawa para mapagaan ang kanyang kalagayan ngayon. Ano bang klaseng ina ako? Bakit hindi ko man lang magawang protektahan ang anak ko? Dahan-dahan kong hinawakan ang muting kamay ni Rovi habang muli na namang tumutulo ang mga luha ko sa magkabila kong pisngi. "Nak, sorry. I'm sorry. Walang nagawa si Mama. Sorry, nak," humahagulhol kong sabi saka ko inilapat sa bibig ko ang likod ng kanyang kamay. "Vence?" Napatingin ako sa nagmamay-ari ng boses-babae na nagmula sa likuran ko kasabay nu'n ang pagdantay ng kanyang palad sa balikat ko. Sina Lani at Anton! "How could he do that?"

