Sinabi pala nina Anton kina Clark ang tungkol sa napag-usapang transaction ko sa nasabing babae kaya agad silang naghanap ng impormasyon tungkol dito. Buti na lang din at may nababasa silang mga post sa mga social media ang tungkol sa panlulukong ginawa sa mga biktima. Dahil na rin kina Anton, natunton ni Romir kung saang lugar naming napagkasunduan ng babae para magkita. Paalis na sana kami ni Romir sa coffee shop na 'yon nang biglang nag-ring ang phone ko. Si Lani, tumatawag! "Oh, Lani?" "Vence, si Rovi muling inatake!" naghihisterical niyang sabi na siyang ipinaghina ng mga tuhod ko. Muntikan na akong nabuwal, buti na lang at naging maagap si Romir at naalalayan niya kaagad ako bago pa ako tuluyang bumagsak sa lupa. "What's wrong?" nag-aalala niyang tanong. Nanghihinang naibaba ko

