"Manang!!" sigaw ko isang umaga nang bigla akong nakaramdam ng sakit matapos akong nilabasan ng tubig. Dali-dali namang umakyat si Manang Minda papunta sa kwarto. Wala na si Romir ng araw na 'yon, nasa trabaho na kaya dalawa na lamang kami ni Manang ang nasa bahay. "Bakit, Vence? Anong nangyari?" natatarantang tanong ni Manang. "Manang, ang sakit!!" sabi ko habang nakahawak ako sa tiyan ko pati na sa balakang ko. "Diyos ko! Baka manganganak ka na!" naghihisterical ding pahayag ni Manang. "Manang!" Masakit na talaga ang tiyan ko. Pakiramdam ko any moment, lalabas na ang bata mula sa sinapupunan ko. "Teka, anong gagawin ko?!" naguguluhang tanong ni Manang. Dali-dali niyang dinampot ang phone ko at tinawagan niya kaagad si Romir. "Ang asawa mo, manganganak na!" sabi niya nang sinago

