Nang hahalikan na sana ako ni Romir ay biglang nagbusina ng sunod-sunod ang sasakyan na nasa likod namin kaya pareho kaming napapiksi. Napatingin ako sa traffic light, naka-green light na pala. Agad pinaandar ni Romir ang kotse at pareho kaming hindi nakapagpigil. Napatawa na lamang kami sa kalukuhan na aming ginawa. Buti na lang at tinted ang kotse niya kaya hindi kami nakikita sa loob. "Buti naman at naisipan niyong magpakita rito," parang nagtatampong sabi ni Mama Cathy, isang araw nang naisipan namin ni Romir ang dalawin sila kasama na rin si Manang. Nagmano muna si Romir sa ina saka humalik sa pisngi nito. Ganu'n na rin ang ginawa ko. Sabay kaming napatingin sa hagdanan ng marinig namin ang pagtili ni Lola Rosalinda nang malaman niyang nandito kami. "Nandito ang maganda kong ap

