Dahil wala akong dalang sariling sasakyan, hindi na muna ako pinauwi ni Romir. Gusto niyang sabay na lamang kami ng uwi at pumayag naman ako dahil baka kapag wala ako, kakalabitin na naman siya ng Rose na 'yon. Habang abala sila sa pagtatrabaho, ako naman ay nakabuntot sa aking asawa. Pilit ko na ring pinag-aaralan ang kanilang trabaho para kahit papaano, may alam din ako. Ipinakilala na rin niya ako sa lahat ng mga nandu'n na asawa niya ako. Kita ko naman kung paano umismid ang malanding Rose nang marinig niyang asawa ako ni Romir. Inismiran ko na rin siya. "Hindi ka pa ba napapagod?" tanong ko kay Romir nang pumasok kami uli sa kanyang office dahil may kinuha siyang important documents. "Medyo pero kaya ko pa," sagot naman niya. Agad niyang kinuha ang sadya niyang documents saka ni

