Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa amin ni Romir. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Bawat araw na lumilipas, lalong lumalala ang sitwasyon at ramdam ko ang paghihirap ni Romir pero hindi man lang niya sinasabi sa akin kahit anong usisa ang gagawin ko. Dahil sa nangyayari kay Romir, dahil sa paghihirap niya ngayon, mas lalo akong nagi-guilty, lalo akong nasasaktan. "Nasaan ka na?" tanong sa akin ni Romir habang kausap ko siya sa phone. "Nasa school nina Rovi. Hinihintay ko ang paglabas nila." "Okay. Wait me there. Susunduin ko kayo," sabi niya saka agad niyang ibinaba ang phone. Ganito siya kung mag-alala sa amin pero ni minsan, hindi man lang siya nag-aalala para sa kanyang sarili na siyang nagpapa-guilty sa akin ng lubos. Ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para l

