Chapter 50

1547 Words

"Daddy Ken!!" sigaw ni Rovi kay Ken habang naglalakad itong papasok sa airport hila-hila ang kanyang maletang dala. Nagtaka itong napalingon sa aming tatlo. Ngayon kasi ang araw ng pag-alis ni Ken, naisipan ko na kahit sa huling sandali magkita sila ng kanyang anak. Sa kabila ng kanyang nagawa, naging tulay naman siya para madugtungan pa ang buhay ng anak ko kaya bilang pasasalamat, gusto kong mayakap nila ang isa't-isa bago siya umalis papuntang Canada. Wala rin kasing nakakaalam kung makakabalik pa ba siya at kung kailan naman. Kasama si Romir, hinabol namin ang oras ng flight ni Ken at heto nga kami, hindi kami nabigo dahil naabot pa namin siyang papasok pa sa boarding area. Nagtaka man ay nagawa pa rin ni Ken ang mapangiti lalo na at nakita niya ang kanyang anak na tumatakbo palapit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD