Nang magsimulang tumugtog ang music ay dahan-dahang pinalabas ko si Rovi. "Go, sweetie. Dance with Daddy," sabi ko at kaylapad ng ngiti ng anak kong lumabas siya sa aming pinagtataguan. Napangiti ang lahat nang makita nilang naglalakad na si Rovi palapit kay Romir. Nang nasa harap na siya ay agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ni Romir na siyang ikinabigla ng kanyang daddy. Nakita ko ang pagngiti ni Romir saka dahan-dahan na silang sumayaw sa gitna habang pinapanood namin sila. Hindi nagtagal ay bigla niyang binuhat ang anak ko saka niya ito niyakap ng mahigpit. "I missed you, Daddy," umiiyak na sabi ng anak ko habang karga-karga siya ni Romir at nakayakap pa siya rito. Kahit nakapiring man si Romir, alam naming umiiyak siya ngayon. Agad ding lumapit si Anton at kinuha niya an

